Skip to playerSkip to main content
Bukas, may malaking rollback sa diesel, gasolina at kerosene unang beses mula nang sumiklab ang giyera sa Middle East. May pansamantalang tapyas din sa excise tax, pero sa LPG at kerosene lang. Hiling ng ilang grupo, alisin din sana ang Value Added Tax o VAT sa langis. Narito ang report.


State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Bukas po, may malaking rollback sa diesel, gasolina at kerosene.
00:05Unang beses mula ng sumikla banggera sa Middle East.
00:08May pansamantalang tapyas din sa excise tax, pero sa LPG at kerosene lang.
00:13Hilay ng ilang grupo, alisin din sana ang value-added tax o VATS sa langis.
00:18Narito ang report.
00:21Meron po akong ibabalita sa inyo.
00:24Simula Martes, Abril na ang 14, may malaking rollback sa presyo ng langis.
00:30Mahigit 20 piso ang ibababa sa diesel.
00:34Ang gasolina naman, may bawas na 4 pesos 43 centavos kada litro.
00:40Kerosene, 8 pesos 50 centavos kada litro ang ibababa.
00:45Matapos ang anunsyong ito kagabi ni Pangulong Bongbong Marcos na naunang inilabas ng Energy Department,
00:50tatalima bukas sa mga kumpanya ng langis.
00:53Ang ilan, bahagyang mas malaki ang bawas presyo kumpara sa inanunsyo ng gobyerno.
00:58Ang malaking bawas presyo, bunsod ng pagbaba ng presyo ng langis sa world market noong nakaraang linggo,
01:03na epekto ng deklarasyon ni US President Donald Trump ng ceasefire sa Iran.
01:07Pero meron ding 10 to 13 pesos lang ang projeksyon tulad ng supplier ng langis sa ilang independent gas station.
01:14Yung mga companies kasi, of course, they have their own computation, depende sa purchase period nila at saka sa negosyasyon
01:22nila with their suppliers.
01:24Malit din ang rollback kumpara sa sumatotal ng iminahal ng langis mula ng simula ng gera sa Iran.
01:29Ang diesel na 48 to 65 pesos per liter lang noong huling linggo ng Pebrero, mahigit 164 pesos na noong
01:37isang linggo.
01:38Hindi rin may babalik ng latest rollback ang presyo ng gasolina at presyo ng kerosene.
01:54Hindi pa ito sapat. Kaya tuloy-tuloy naman ang ginagawa ng inyong pamahalaan para maibsan ang epekto nito sa inyong
02:02pang-araw-araw na buhay.
02:04Sa mga susunod na araw at linggo, may a-anunsyo po ko na mga dagdag na hakbang at tulong mula
02:11sa gobyerno.
02:12Kanina'y nanunsyo ng Pangulo ang paunang pasya tungkol sa excise tax sa petrolyo.
02:17Tinanggal ko na ang excise tax sa LPG at sa kerosene.
02:22Ang katumbas nito ay 3 pesos 36 pambawas ng kada kilo ng LPG.
02:35Halos 37 pesos sa isang tanke ang mababawasan ng presyo.
02:41At 5.65 pesos 60 centavos kada litro ng kerosene.
02:48Wala pang anunsyo kung isusunod ang diesel at gas sa bawas o suspensyon ng excise tax.
02:54Tatalakayin daw muli ito bukas ng Unified Package for Livelihoods, Industry, Food and Transport o Uplift Committee.
03:01Marami raw kasing kailangang isaalang-alang kung gagalawin ang buwi sa petrolyo.
03:06Gaya ng panawagang tanggalan muna ito ng 12% VAT o value-added tax.
03:10VAT on petroleum products, we are going to get a windfall profit from that because tumaas yung presyo ng krudo.
03:23And because of that, all the importations will have at the present VAT rate, we will get extra funds from
03:32that.
03:32If we take away the VAT on petroleum products, it will only help the petroleum market.
03:42What we need is funding to help the entire society.
03:46Hindi pwedeng yun lang, ititignan lang natin is the petroleum, petroleum, petroleum.
03:51Kasi sinasabi ng mga tao, bakit puro transport workers lang ang tinutulungan nyo?
03:56Paano kami? Bakit?
03:57We also have to take care of the other sectors.
04:00So with the additional funding that we will get from the VAT collections, yun ang gagamitin ngayon natin to provide.
04:07That fund will not exist if we remove the VAT on petroleum products alone.
04:16Sa pagdinig ng Joint Committee ng Kamara na Legislative Energy Action and Development o LEAD,
04:21pinabulaanan ni House Ways and Meads Committee Chair at Marikina Rep. Miro Kimbo
04:25Ang sinabi niya kay Batangas si Rep. Leandro Leviste na hinaharang umano ni Executive Secretary Ralph Recto
04:32ang pag-alis sa value-added tax o VAT sa mga produktong petrolyo.
04:36Sabi ni Kimbo, marami raw sa cabinet members, hindi lang si Recto ang tutol sa pagbaba ng VAT.
04:42Kaya nanawagan si Leviste na pagbotohan ang pagpapababa nito.
04:49Pagpapababa rin sa VAT bukod sa excise tax ang hiling ng transport sektor.
04:54Sinertify nyo as urgent
04:58ang pag-suspense sa excise tax na dapat kasama ang payo-added tax.
05:03Pero tayo pinabayaan natin hanggang sa ngayon.
05:07Binigyan ka na ng kapangyarihan pero ayaw mo pang gamitin.
05:11Bakit po?
05:11Paglilinaw naman ang Malacanang
05:14Wala pong kapangyarihan ang Pangulo na mag-suspend ng VAT
05:18dahil wala pong batas sa ngayon na siya'y binibigyan ng kapangyarihan.
Comments

Recommended