00:00Samantala, isinapubliko na ng mga kinauukulang ahensya ng gobyerno
00:05ang listahan ng PUJ drivers sa Metro Manila na makatatanggap na ng cash relief assistance.
00:11Ito ay sa harap ng nakatakdang special payout simula bukas
00:16para sa mga karagdagang benepisyaryo at hindi pa nakakakuha ng kanilang cash aid.
00:22Ayon sa LTFRB, upang matiyak ang mabilis na pagklaim ng 5,000 piso tulong pinansyal
00:29kailangang i-check ng maigi ng mga driver ang kanilang pangalan sa listahan
00:34at tiyaki na tugma ito sa kanilang driver's license na ipapakita sa payout site.
00:41Kung may kailangang i-update tulad ng pagtatama sa pangalan,
00:45maaari umanong dumulog sa official Facebook page ng LTFRB
00:50o hindi naman ay makipag-ugnayan sa kanila via Viber, email o di kaya'y lumapit sa mga LGU
00:58na inyong kinabibilangan.
01:00Para sa schedule at venue ng payout,
01:03magtungo lang umano sa official Facebook page ng DSWD.
Comments