00:00Nagka-sundo ang Philippine Amusement and Gaming Corporation of PagCore
00:03at ang Philippine Sports Commission o PSC na pagandahin ang mga sports facilities sa bansa
00:09at palakasin pa ang suporta para sa mga atletang Pinoy.
00:14Inihag ito ni Executive Secretary Ralph Recto matapos ang sinagawang pagpupulong sa dalawang ahensya
00:21kabilang sa mga proyektong kukumpletuhin ng PagCore at PSC
00:25ang Ilocos Norte Sports Institute and Research Building
00:28na magsisilbing pasilidad para sa pagsasanay sa bowling, gymnastics, badminton, sepaktakraw at iba pang sports.
00:37Pabibilisin din ang konstruksyon ng General Luna Convention Center sa Siargao
00:41na magsisilbing training facility at academy para sa surfing, coastal rowing at iba pang sports activities.
00:48Samantala, nakatakda rin i-upgrade ang Siargao Sports Complex na lalagyan ng mga pasilidad
00:53para sa basketball, volleyball, badminton at isang rubberized track oval
00:58kung saan magkakaroon din ito ng dermitoryo para sa mga atleta at isang convention center.
01:04Gagawin namang bilang regional training center ang Zamboanga City Sports Complex sa Zamboanga Peninsula.
01:11Bukod sa pagsasanay ng mga atleta, makakatulong ito sa pagpapaunlad ng sports tourism
01:17at magbibigay daan para makapag-host ang Pilipinas ng mga international competition
01:22na magpapalakas sa posisyon ng bansa sa global sports stage.