00:00Nagsama ang mga barkong pandigma ng Pilipinas at Australia sa West Philippine Sea
00:04para sa ikalabing-anin na multilateral maritime cooperative activity.
00:08Isa itong pagsasanay para pagtibayin ang partnership ng dalawang bansa
00:12at palakasin ang kakayaan ng Pilipinas na protektahan ang karapatan ng bansa sa West Philippine Sea.
00:18Balita ng atin ni EJ Gomez, Exclusive.
00:25Magkasamang naglayag ang mga barkong pandigma ng Pilipinas at Australia sa West Philippine Sea nitong weekend
00:32para sa ikalabing-anim na multilateral maritime cooperative activity o MMCA.
00:38Pinangunahan ito ng warship ng Pilipinas na BRP Raja Sulaiman o PS-20
00:44kasama ang Philippine Coast Guard vessel na BRP Melchora Aquino
00:48at Navy ship ng Australia na HMAS Tuwumba o FFH-156
00:54sakay ang kanilang maritime aircraft na MH-60R.
00:58Itong BRP Raja Sulaiman ay nagkomisyon ito lang February 24 ngayong taon
01:02at ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakasama ang naturang Navy ship sa MMCA
01:08na isang pagsasanay na nagpapatibay ng partnership ng Pilipinas sa mga kaalyadong bansa
01:13para mapalakas ang kakayahan ng Pilipinas na maprotektahan ang karapatan
01:18at soberanya dito sa West Philippine Sea.
01:23Nagtumo rin dito ang barko ng US na papunta ng Palawan
01:26para magdala ng mga gamit para sa Humanitarian Disaster Response Exercise
01:31na magiging bahagi ng Balikatan Exercise na magsisimula sa April 20.
01:36Bago umalis ang barko ng Pilipinas at US sa Subic,
01:39nagkaroon ng palitan ng best practices ang dalawang bansa.
01:43Among the activities that they contributed in this 16th MMCA is equipment of loading.
01:49They also did maritime domain awareness and among other things,
01:55they also conduct communications exercises with all other participants.
02:02Sa isang designated area o exercise box sa bahagi ng Hilagang Silangan ng Koron, Palawan,
02:08ginanap ang pagsasanay.
02:09Sa gitna ng paglalayag, mag-aalas 2 ng hapon itong Sabado,
02:13sa bahaging 37 nautical miles kanlurang bahagi ng Cabra Island,
02:18isang barko ng China ang nadetect ng Philippine Navy.
02:22We are conducting a routine navigation according to international law
02:27and keep our safe distance from us over.
02:31Wala naman daw na idulot na aberya sa maritime exercises
02:34ang namataang barko ng China.
02:36We as well document and part of the documentation is for us to ensure
02:42that they do not interfere with our ongoing exercises.
02:46There's no disruption or any interferences.
02:49Alas 9.30 ng gabi,
02:51nagsagawa naman ng night steaming in company
02:53ang mga barkong pandigma ng Pilipinas at Australia
02:56kung saan nagkaroon ng communications at screening exercises.
03:02Linggo ng umaga nang makalapit sa 500 yards
03:05ang Navy ship ng Australia sa warship ng Philippine Navy.
03:09Kasunod ng Australia,
03:11ang vessel ng Philippine Coast Guard na Melchora Aquino.
03:14Nagkaroon ng division tactics
03:16kung saan ang bawat barko
03:18ay nagsagawa ng basic combat
03:20at maneuvering actions at formations sa karagatan.
03:23Kasama sa tinutukan ng naturang drill,
03:25ang hasain ang coordination ng mga kasaping barko o vessel.
03:31Nagpalipad ng kanilang maritime aircraft ang Australia.
03:34Meron ding C-208 ng Philippine Air Force na nag-surveillance.
03:40Dalawang F-A-50 fighter jets
03:43at dalawang A-29B Super Tucano naman
03:46ang sabay na lumipad sa himpapawid sa fly-by exercise.
03:51Ngayong magkalapit ang Navy ship ng Pilipinas at Australia
03:54isinasagawa ang replenishment at sea approach
03:57na layong paigtingin ang endurance ng Navy sa logistics transfer.
04:01Ginagamit ang RAS kapag mag-e-exchange o deliver ng mga supply
04:05tulad ng langis ang mga barko
04:06para masustain ang operasyon nito.
04:09This particularly contributes on how we develop the techniques, tactics, and procedures
04:16from the individual skills level, unit, team, and the later on organization
04:21for us to seamlessly integrate with all other surface combatants of the Philippine fleet.
04:26We've completed the MMCA successfully and safely without any interferences.
04:31Mula rito sa West Philippine Sea, E.J. Gomez, nagbabalita para sa GMA News.
Comments