Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.


#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:02Mga kapuso, umaaray na rin po ang ilang nagtitinda ng atsuki na rin ng mga gulay dahil po sa mataas
00:08na presyo ng mga produktong petrolyo na nakaka-apekto sa bentahan sa mga palengke.
00:14Dagdag pa rao sa matumal na benta ngayon ang bakasyon po ng karamihan sa mga estudyante.
00:20Balitang hatid ni Jomer Apresto.
00:25Madilim pa lang na mimili na ng gulay sa Divisorya sa Maynila si Aling Evangeline.
00:30Pansaog daw niya ito sa mga panindang ulam.
00:32Tingitingi na lang daw ang binibili niya ngayon dahil sa patuloy na pagtas ng presyo ng mga gulay na epekto
00:38ng tuloy-tuloy na pagsipa ng presyo ng petrolyo.
00:41Tumataas po talaga lahat. Yung mga hiniwa-hiwa na lang na gulay binibili namin.
00:46Kasi mas mura yun dahil tinitinda namin ipagkabuo mahal.
00:52Ayon sa tendero ng gulay na si Arnel, kung iisipin, sila pang mga direktang pinagbabagsakan ng gulay ang nalulugi.
00:59Nasa 3 piso na raw kasi kada kilo ang bayad nila sa tracking.
01:02Mula yan sa dating 2 piso lang kada kilo.
01:05Nasa 3 tonelada raw kasi ng gulay ang inaangkat niya.
01:08Kaya kung susumahi, nasa 3,000 piso o higit pa ang nadagdag sa gastos ni Arnel para sa logistics.
01:14Hindi naman daw sila basta-basta makakapagtaas ng presyo sa divisorya dahil marami siyang kakumpetensya sa pagtitinda.
01:21Tumumal din daw ang kanilang benta dahil bakasyon na ng mga estudyante, kaya mas kaunti ang namimiling may-ari ng
01:26karinderiya.
01:27Yung gasolina lang ito, mas pero yung supply, marami.
01:30Tampak pa nga. Puhunan, 250. 250 na rin ang benta.
01:35Sabi ng mga tindero, asahan na gagalaw talaga ang presyo ng gulay kung patuloy natataas ang presyo ng petrolyo na
01:41ginagamit para mayangkat ang mga ito.
01:44Jomer Apresto nagbabalita para sa GMA News.
01:53Kasunod ng kasunduan ng Pilipinas sa Iran, nakakatawid na po sa Strait of Hormuz ang ilang Philippine flag vessels.
01:59Pero paglilinaw po ng Department of Energy, hindi langis ang karga ng mga yan.
02:04Balitang hatid ni JP Soriano.
02:10Matapos ang kasunduan ng Pilipinas at Iran, napadaanin sa Strait of Hormuz ang mga Philippine flag vessels.
02:16May ilang barko na daw ang Pilipinas na naroon na ngayon.
02:20Pero ayon kay Energy Secretary Sharon Garin, hindi palangis ang dala ng mga ito, kundi ibang produkto gaya ng Petrochem.
02:27Hindi lang po yung tankers natin or vessels natin makiklear, pati po yung products that are not on Philippine vessel
02:39but destined for Philippines, and also po yung safety passage ng ating mga workers.
02:47Libo-libong Pinoy seafarers ang sakay ng mga barkong stranded ngayon sa Persian Gulf at Strait of Hormuz.
02:53Hindi pa kasama rito ang mga Pinoy na nagtatrabaho sa mga offshore facilities.
02:58Ito yung Strait of Hormuz. So very narrow yan. Marami rin ditong barko sa northern part. Yan yung mga oil
03:05nila installation.
03:06Dating kapitan ng barko si Edgardo Flores. At minsan na rin daw naipit ang sinasakyang barko sa Strait of Hormuz
03:13noong 1980s sa gita ng Iran-Iraq war noon.
03:16Tanong ni Flores, hanggang kailan kaya tatagal ang supply ng pagkain at tubig na mga crew ng barko?
03:22Ngayong wala pang indikasyon na matatapos na ang gyera ng Amerika at Israel sa Iran.
03:26Pangilawa yun, they might run out of supplies. So what will happen to them? Who will provide them?
03:32Ayon sa International Seafarers Action Center, apektado rin ang rehiring at kita ng mga seafarers kahit yung mga nakasampa sa
03:40ibang biyahe.
03:41Kasi nakumokonti ang voyage, kumokonti ang trabaho at yung mga gusto saanang bumaba, natatakot sila sa blacklisting na baka hindi
03:52na sila pabalikin.
03:53Ano po ugat nun? Kasi ang seafarers sa Pilipinas ay kontraktwal.
03:59Ang ilang sima na ilang buwan ang naghahanap ng bagong barkong sasampahan, wala pa rin mahanap hanggang ngayon.
04:06Dahil sa gyera at ang biyahe ay wala halos sa Europe, wala ng Middle East, kundi puro kanya lang, puro
04:15US na lang ang biyahe.
04:17Ang problema na, deport kami na revoke ang visa namin sa US, 14 years, so wala kami magagawa.
04:23Baka nga maghanap muna kung anong mapagkikitaan dito sa Pilipinas. Kasi kung sakaling tumagal, at least mayroon tayong ipapasurvive sa
04:31pamilya natin.
04:31Naun na lang sinabi ng Department of Migrant Workers na ginagawa nilang lahat para matulungan ang mga apektadong Pilipino tripulante.
04:39JP Soriano, nagbabalita para sa GMA News.
04:47Mga kapuso, ngayong bakasyon season, maging maingat at mapanuri sa pagbubok ng accommodation para huwag maging biktima ng mga fake
04:56booking scam.
04:57Simula po noong Nobyembre, nasa tatlong daan na ang nabiktima ng isang peking social media account na ginagamit ang pangalan
05:05ng isang resort sa Glan, Sarangani.
05:08Nasa 4,000 piso hanggang 40,000 piso ang natangay ng mga salarin sa kada biktima.
05:15Ayon sa pamunuan ng resort, nalaman nila ang modus matapos umani ng mga negatibong komento ang kanilang totoong page.
05:22Iniimbisigahan na yan ang PNP Anti-Cyber Crime Unit.
05:25Paalala ng mga otoridad sa publiko, huwag agad magpadala ng pera at i-verify muna ang accommodation.
05:32Gumamit din po ng mga lehitimong booking platforms at huwag agad magbibigay ng personal at financial information.
05:39One-time password o OTP, username o password, at kung kahinahinala ho, humingi ng tulong sa pulisya para matrace ang
05:50mga scammer.
05:53Libo-libo na ang nahuhuli sa iba't ibang bahagi ng Metro Manila matapos ilunsad ng DILG ang Safer Cities Initiative.
06:01Paglilinaw po ng Philippine National Police, mas hinihigpitan lang ang pagpapatupad ng mga umiiral ng ordinansa sa bawat lungsod.
06:10May ulot on the spot si Oscar Oina.
06:12Oscar?
06:13Yes, Connie, umabot na nga sa mahigit 24,000 ang nahuhuling violators sa Safer City Operations ng PNP sa kalipas
06:22na dalawang araw.
06:23Pinakamaraming violators na nahuli ang Southern Police District na umabot sa mahigit 12,000.
06:29Gaya sa mga syudad tulad ng Muntinlupa, Makati, at Pasay.
06:34Karamihan sa mga naitalang paglabag ay drinking and smoking in public places, roaming streets without shirts, using karaoke beyond allowed
06:41time, at minors violating curfew hours.
06:45Paglilinaw ng PNP, walang bago sa mga pinapatupad na ordinansa.
06:50Dati na raw itong nariyan, mas pinaiting lang para mas matiyak ang kaligtasan ng lahat.
06:55At sa pagkakataong ito, ay mas isinasama na nila ang barangay at DSWD para mas masigurong walang karapatang pantaong na
07:04abuso.
07:05Oscar Oida, nagbabalita para sa GMA News.
07:08Marami salamat, Oscar Oida.
07:10Sa ibang balita, hindi ibaban dito sa bansa ang larong Roblox ayon sa Department of Information and Communications Technology.
07:18Yan po ang resulta ng pulong ng ahensya, Cybercrime Investigation and Coordinating Center, mga opisyal ng Roblox, mga law enforcement
07:27agency at ng private sector.
07:29Ayon sa DICT, inilatag at ipiniliwanag ng Roblox ang mas mahigpit nitong safeguards sa kanilang laro.
07:36Kabilang po dyan ang mas istriktong pag-monitor at content controls na angkop sa mga edad ng naglalaro nito.
07:43Sisimulan din sa April 12 ang information campaign para magabayan ang mga nakatatanda o magulang sa paggamit ng mga inilagay
07:52na safeguards.
07:54Binigyang din at muling pinapaalala po ng DICT na ang digital safety ay responsibilidad na platform, gobyerno at ng bawat
08:02pamilya.
08:03Nag-tungo sa Pilipinas ang mga opisyal ng Roblox matapos silang ipatawag ng ahensya.
08:09Kaugnay sa mga reklamong nagagamit umano ang laro para mag-recruit ng ilang kabataan para maghasik umano ng karahasan.
08:21Panalo si Pinay tennis star Alex Ayala sa kanyang debut o unang sabak sa Lins Open sa Austria.
08:27Nakalaban po ni Alex ang hometown player na si Yulia Grabher sa round of 32.
08:34Nakukuha ni Alex ang dalawang sets 6-4 at 6-3.
08:39Makakatapat naman niya sa round of 16 si Yelena Ostapenko ng Latvia.
08:44Nag-qualify din si Alex sa main draw ng Stuttgart Open sa Germany sa susunod na linggo.
08:51Matapos mag-withdraw ni Chin Woon Cheng ng China dahil sa injury.
09:02Huli kaan po yan itong linggo sa Ternate Cavite.
09:06Nasa pababa at pakubawang bahagi ng Ternate na suburoad ang siklista.
09:10Nang bigla siyang bumanga sa barrier at mahulong sa bangin.
09:14Pumingi po ng tulong ang motorista ang nakasaksi sa aksidente.
09:18Ayon sa pulisya, ligtas na ang siklista na nagtamo ng mga sugat sa katawan.
09:24Sa gitna ng mega oil price hike, pinangangabahan ngayon ang posibleng pagbaba ng produksyon ng bigas sa bansa.
09:32May urot on the spot si Mav Gonzalez.
09:34Mav?
09:36Kony, posibleng bumaba ng 20-50% ang produksyon ng bigas ng bansa dahil sa pagmahal ng fertilizer, bunsog ng
09:44gulos sa Middle East.
09:46Yan ang sinabi ni Department of Agriculture Undersecretary Asis Perez sa pagdinign ng Senate Committee on Agriculture, Food and Agrion
09:52Reform.
09:53Base sa pag-aaral nila, maapektuhan ng ani na itatanim sana sa Mayo at Hunyo.
09:57At tatamaan nito ang inaasahang supply na 10 million metric tons sa Agosto at Setiembre.
10:02Kung wala raw tayong gawin, tsak mababawasan ito ng malaki.
10:06Tanong naman ni Sen. Bam Aquino, aangkatin na lang ba natin ang mababawas na supply?
10:11Sagot ni Perez, posibleng mahirap maghanap ng mabibilhan dahil nagaangkat din ang iba pang bansa.
10:18Itinutulak ngayon ng ilang senador na gumawa ng supplemental budget para pandagdag ayuda sa mga apektadong sektor.
10:24Pero sabi ng DA, kahit may pondo sila ay kulang na kulang ito para sa ayuda sa pataba.
10:29Dagdag ng DA, ang kaya lang nito isubsidize ay yung itinaas ng presyo ng pataba at hindi ang buong halaga
10:35nito.
10:36Sabi naman ng grupong tinag, hindi na nag-aani ang ilang magsasaka dahil wala na silang kita.
10:42Ayaw naman daw nila ng restry buying mula sa gobyerno dahil binabarat anya mga magsasaka.
10:47Dapat daw magkaroon ng patas na farmgate price para kumita naman sila.
10:51Yan muna ang pinakasariwang balita habang patuloy ang pagdinig dito sa Senado.
10:55Connie?
10:55Maraming salamat, Mav Gonzalez.
10:59Kinumpirma ng defense team ni Vice President Sara Duterte na naghain sila ng petisyon sa Korte Suprema para ipahinto ang
11:07impeachment proceedings laban sa Bise.
11:09Git ng kampo ni Duterte, hindi sila umiiwa sa impeachment process.
11:13Tinitiyak lang daw nila na naayon sa konstitusyon ang proseso.
11:17Batay sa inihain petisyon ng kampo ng Bise, inabuso umano ng House Committee on Justice ang kapangyarihan nito sa pagsasagawa
11:25ng impeachment hearings.
11:27Paglabag din, anila ito sa konstitusyon at sa naunang guidelines ng Korte Suprema tungkol sa impeachment.
11:34Ipinababasura rin ang kampo ng Bise ang ikatlo at ikaapat na impeachment complaints laban sa kanya dahil numabagaan nila ito
11:41sa one-year bar rule.
11:42Ang mga naturang reklamo ang idinikla lang sufficient in form, substance, and grounds ng House Justice Committee.
11:49Para naman sa ilang niyembro ng kumite, nakapagtataka na kinikwestyon ng Bise ang impeachment hearings dahil mismong kampo niya ang
11:58humiling noon sa Korte Suprema na bigyan sila ng pagkakataong sagutin ang mga reklamo bago iakyat sa Senado.
12:06Pinadadalo rin ang House Justice Committee sa hearing sa April 14 si Securities and Exchange Commission Chairman Francis Edralin Lim.
12:13Tatanungin siya tungkol sa kumpanyang nauugnay-umano sa Bise at sa asawa niyang si Manz Carpio.
12:20Minasusumiti rin ng korte o ng kumite sa SEC ng certified true copies ng ilang dokumento ng mga kumpanyang sinasabing
12:29konektado kina Duterte at Carpio.
12:38May mensahe si Pambansang Kamao Manny Pacquiao kay Sparkle actor Anton Vinzon na bibida sa upcoming Kapuso Boxing serye na
12:47Kamao.
12:50Hi Anton, good luck sa bago mong show sa GMA. God bless. God is good. Thank you.
12:55Just really blessed na binigyan po talaga ako ng chance na mabigigrit ng isang Manny Pacquiao.
13:01Sana mag-guess si Manny Pacquiao dito if ever and sana maturuan niya ako sa mga styling niya sa boxing.
13:08Hindi na itago ni Anton ang saya sa natanggap niyang message mula kay Pacquiao.
13:14Makakasama ni Anton sa Kamao ang ama niyang si Roy Venzon, pati si na Bruce Roland, Wendell Ramos, Neil Ryan
13:21Sese, Katrina Halili at Ami Austria.
13:26Ito ang GMA Regional TV News.
13:32Dahil sa oversupply, itinapo na lang ng ilang manging isda sa Bulan, Sorsugon, ang mga nahuli nilang isda.
13:39Nagkalat ang sandamakmak na mga tambahan malapit po sa Bulan, Feshport sa barangay Zone 4.
13:45Mayroon pang mga isdang nakabalot sa plastik at nagkalat din sa gilid ng dagat.
13:50Ayon sa Philippine Fisheries Development Authority ng Bulan, nagkaroon ng oversupply ng isda.
13:55Matapos sabay-sabay na pumalaot ang mga manging isda noong Sabado de Gloria.
14:00Sabado pa noon ang mga, o sarado pa noon ang mga fish processing plant na bumibili ng mga nahuling isda.
14:08Hindi rin kinaya ng lokal na pamilihan na bilhin ang lahat ng mga nahuling isda.
14:13Kaunay po niyan ay patuloy na nagbabalangkas ng mga hakbang ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources para matiyak ang
14:20maayos na pamamahala sa supply ng tambahan.
14:23Na ialis na po sa dalampasigan ang mga isda matapos humingi ng tulong sa Bureau of Fire Protection ang lokal
14:30na pamahalaan.
14:34Ito na po ang mabibilis na balita.
14:39Nagkasunog sa bahagi ng Mount Arayat sa Pampanga.
14:43Ayon sa punong barangay ng San Juan Banyo, tinatayang aabot sa 3-4 na ektarya ang naapektuhan ng sunog.
14:51Na apula ang sunog matapos tumagal ng halos kalahating araw.
14:55Patuloy ang imbisigasyon ukol sa sanhi ng apoy.
14:59Wala namang naitalang sugatan o nasawi.
15:03Nagkaroon naman ang grass fire sa bahagi ng isang bundok sa Difun, Quirino, Kagabi.
15:09Ayon sa Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog bandang alasais ng gabi.
15:14Agad naman silang rumisponde at naapula ang sunog sa isang bahagi sa barangay Maria Clara.
15:21Patuloy pang inaapula ang sunog sa bahagi ng barangay Andres Bonifacio.
15:25Patuloy pang inaalam ang sanhi ng apoy.
15:28Walang naiulat na sugatan o nasawi sa sunog.
15:33Bistado ang mahigit 50 milyong pisong halaga ng mga gamot at iba pang produkto sa Manila Port.
15:39Ayon sa Bureau of Customs, idinikla lang hawla ng hayop ang shipment na mula sa China.
15:46Nang suriin, natuklas ang kahong-kahong pala ito ng mga gamot na walang permit mula sa Food and Drug Administration.
15:55May mga nakumpis ka rin ilang cosmetics, parte ng sasakyan at electronics.
16:01Patuloy pa itong iniimbestigahan.
16:10Hindi tinamat pero tinipid ang pakulong regalo ng isang lalaki sa Ilo-Ilo para sa kanyang kapatid.
16:17O sa mga naghahanap ng gift ideas, baka pwede ito.
16:27Ayan o, payag ka ba?
16:29Money bouquet pero puro bariya.
16:32Yan po ang surprise ni U-Scooper Janmar para sa kanyang kapatid na si Jeya na nagtapo sa grade 10.
16:39Literal na, it's the coins that count ang atake ng 50 pesos na money bouquet na na-appreciate naman din
16:46ni Jeya.
16:47Ayon kay Janmar, hindi na tinanggap ni Jeya ang cash na ibibigay sana niya dahil sapat na raw ang dinner
16:54celebration.
16:55Pakiusap tuloy ng netizens, pakidelete.
16:58Baka gawin din daw kasi sa kanila na magulang nila ang bariya bouquet.
17:02Ang video ko ay may mahigit na na 500,000 views online.
17:07Kaya,
17:08Trendy!
Comments

Recommended