00:00Mainit pero may nagbabadyang bumasag sa maalinsangang panahon.
00:05Isang tropical cyclone o bagyo kasi ang namataan sa labas ng Philippine Area of Responsibility.
00:11Ang sabi ng pag-asa, posible itong lumakas at maging isang super typhoon.
00:16Tag-init pero may bagyo?
00:18Bakit nga ba may nabubuong tropical cyclone sa gitna ng tag-init?
00:23Base sa datos ng pag-asa mula 1948 hanggang 2024, pinakamarami ang bagyo tuwing July, August at September.
00:32Tatlo kada buwan ang average ng bagyong nararanasan sa mga buwang yan.
00:36Pero ang posibilidad na mabuo ang isang bagyo all year round dito sa Pilipinas.
00:43Para sa buwan ng Abril, 0.5 lang ang average ng nararanasang bagyo.
00:48Sa madaling salita, rare o bihira na may nabubuong tropical cyclone o bagyo tuwing tag-init pero hindi ito kakaiba.
00:57Yung property ng water in general, mataas yung tinatawag niya na heat capacity yun.
01:03Pag mataas yung heat capacity, kailangan ng matagal na panahon para uminit at matagal na panahon para lumapig.
01:10Around this time technically, nagsisimula pa lang na uminit yung dagat kasi kagagalingan natin sa winter season sa northern hemisphere.
01:19Hindi pa ganun kainit yung karagatan, kaya hindi pa ganun kadami yung mga nabubuong bagyo kapag February, March at April.
01:27Batay sa records ng pag-asa, sa nakalipas na 80 taon, 39 tropical cyclones na ang pumasok sa Philippine Area
01:34of Responsibility sa buwan ng Abril.
01:37Para mabuo ang isang tropical cyclone o bagyo, may tatlong pangunahing requirements.
01:43Una, kailangang umabot sa 26.5 hanggang 27 degrees Celsius ang temperatura ng karagatan sa lalim na 46 meters.
01:52Kapag kasi mainit ang karagatan, mas maraming tubig ang nag-i-evaporate.
01:57Ang moist air ay aakyat at magiging ulap at malakas na hanging umiikot at bumubuo ng column na may low
02:04pressure sa gitna.
02:06Kung hihina ang low pressure sa gitna, bibilis ang ikot ng hangin at ito ang magiging bagyo.
02:13Ikalawang ingredient para mabuo ang bagyo, ang malawak na karagatana, gaya ng Pacific Ocean.
02:19Napansin nyo bang walang masyadong bagyong nabubuo sa kalurang bahagi ng Pilipinas?
02:24Yan ay dahil maliliit ang dagat doon.
02:27At ikatlong factor ang tinatawag na Coriolis Force.
02:31Ito ang pwersang nagbumula sa pag-iikot ng mundo na nakakaapekto sa spin ng bagyo.
02:37Dahil sa Coriolis Effect, ang thunderstorms ay posibleng maging buhawi at typhoon.
02:43Nagbuo siya sa isang lugar kung saan malawak yung karagatan at meron siyang enough na time para magpalakas or kumuha
02:51ng moisture.
02:52Kasi yung moisture mula sa dagat, yun yung nagsisilbing fuel niya para lumakas siya.
02:58Ibig sabihin lang nito, ano man ang panahon, tag-init o tag-ulan, ang mga Pilipino ay dapat laging handa
03:05sa posibilidad ng bagyo.
03:25Sampai jumpa di video.
Comments