00:00Nakaipon ba kayo noong nakaraang taon?
00:02Itong kapuso natin, eh halos 400,000 pesos lang naman ang naipon sa kanyang alkansya.
00:14Malapit na tayo makakalahati ng taon.
00:17Sa gitna na nga ng pagtaas ng mga bilihin at malawakang krisis sa gasolina.
00:24Ang tanong, kabusta ang pag-iipon mga kapuso?
00:28So, nalalaman pa ba ang inyong alkansya?
00:34Ang 41-year-old na si Matt mula Quezon City, nakamaleta lang naman ang pera.
00:40Pero hindi raw galing sa flood control, ha?
00:43Kundi iniipon niya sa alkansya.
00:46Walang maliit, pagka sa plastic lang, eh.
00:49So, maliit, tas dinala namin sa bango, dun ang dinipositan namin.
00:52At ibabahagi raw niya kung magkano ang kabuan ng kanyang naipon.
00:57So, ayan, binubuksan ko na yung mga alkansya ko.
01:00Abangan!
01:04Maniniwala ba kayo na bago maging ipon master, si Matt, eh dati raw palang pasagulero?
01:11Isakit ang ulo ng parents mo yun.
01:12Halos parang ang nangyayari po kasi noon, yung lagi nalang ako nasa labas.
01:17Pagka minsan na nga lang umuwi si mama, napapatawag pa sa barangay.
01:24So, medyo magulo talaga.
01:27Ang nangyayari kasi isong parang pride na pag sisikat ka.
01:33Sisikat ka pag napaaway ka.
01:36Sikat ka pag takot sa'yo yung mga tao.
01:38So, yun ang motibasyon mo na sumikat ka dahil doon.
01:41Oo, parang sumikat sa sagang.
01:43Oo.
01:44Pero prosigido ang kanyang ina na ituwid ang kanyang landas.
01:48Kaya muli nitong inilayo ang anak sa gulo.
01:52Bumalik si Matt sa pag-aaral at kumuha ng vocational course na computer technician.
01:57Ang nooy buntis na kasintahan ang nagmulat sa mga mata ni Matt na magsimula magbago.
02:05Nung nagkaroon ako ng anak, doon ko na naramdaman yung pressure.
02:08Hanggang sa dumating ang araw na hindi niya inaasahan,
02:12ang bata sa sinapupunan, nalaglag.
02:17At sa kukulangan ng pera, nahirapan din si Matt maghanap ng pambayad sa ospital.
02:23Na-pressure na ako nung miscarriage kasi isipin mo, nasa ospital po kami.
02:29Wala akong mahinga ng tulong.
02:31Pagka yung pinasok ko, wala na akong bag sa bahay.
02:35Dagdag ko masimisyon pa, parang ganun.
02:37Wala kayong pambayad?
02:39Since may pera naman sila, so sila muna isang magad.
02:43Pangako ni Matt sa sarili, mabihayaan lang siya ng pagkakataon bumangon.
02:48Itutuwid niya ang lahat at sa buhay ay magsusumikap.
02:52Hindi rin nagtagal, tila dininig siya ng langit.
02:55Almost one year, yan. Tapos nabunti sila.
02:58Kitsa pera muna yung barga, natigil ko muna yung mga bilyar ko,
03:01yung pag-inom-inom ko, talagang titipirin mo.
03:04Si Matt, todo kayod para sa pamilya.
03:08Nagtrabaho bilang isang call center agent sa loob ng siyam na taon
03:12at dito na rin natutong mag-ipon ng paunti-unti.
03:16Sumubok ng iba't ibang mga pagkakakitaan
03:19at naniwala siyang kaya niyang umangat sa buhay.
03:24Nagkaroon ng tatlong anak si Matt.
03:27Bagamat naghiwalay sila ng dating kasintahan,
03:30mas nagpursigi siyang magtrabaho para sa pamilya.
03:33At ang naisip niya para may perang mahuhugot sa katapusan ng taon,
03:39mag-ipon sa alkansya.
03:41Ang dating salat sa pera, unti-unti nang nakakabangon.
03:45At hindi lang yan, dahil nakahanap muli si Matt
03:48ng babaeng nagpatibok ng puso niya.
03:52Nakilala ko siya, ang first impression ko sa kanya is
03:55pang gangster dahil lumaki nga siya sa kali.
03:58Pero ngayon nakita ko na malaki yung pinagbago niya
04:02dahil nakita ko kung gano'n siya kasipag.
04:05Sobrang pursigido na maging successful.
04:09Kaya ang pag-iipon, ginawa na nga niyang yearly goal.
04:13At dahil mas malaki na ang naitatabi ngayon,
04:16hinihigitan niya ang kanyang ipon kada taon.
04:19So, ito yung 2023 na ipon ko naman,
04:22umabot siya ng 78,000.
04:25Tapos 2024, lahat yung nakavlog na,
04:28yung 172,000 na.
04:30Nilaan ko yun for gifts sa December.
04:33Sa nanay ko, sa kapatid ko,
04:36sa sahwa niya, sa mga pamangking ko,
04:39and syempre sa mga anak ko,
04:41sa ibang mga relatives.
04:43And then syempre, yung dares,
04:45pinapayikot ko.
04:46Kaya dagdag-dag ako ng sasakyan.
04:48Hindi para gamitin,
04:51kundi para pagkakitaan.
04:52Ang pinaka-goal daw kasi ni Matt,
04:55palawigin ang kanyang ipon
04:56para sa kinabukasan ng mga anak.
04:58At sa huli niyang ipon challenge nitong 2025,
05:02ang kabuang halaga ng naipon niya,
05:04umabot na ng halos 400,000 pesos.
05:08Binilang namin,
05:09umabot siya ng 386,000 and 600 pesos.
05:12Sa mga gustong mag-ipon,
05:15minsan kasi iniisip nila na
05:16kailangan ko ng malaking income
05:19para makapag-ipon.
05:20Actually,
05:20hindi mo naman kailangan mag-start sa malaki.
05:23Kailangan mo mag-start sa kung anong kaya mo.
05:26Basta ang mahalaga,
05:28inumpisa mo mag-ipon.
05:30Asay, pagka inumpisa mo mag-ipon,
05:32talagang magkakaroon ka ng resulta.
05:34Patingin nga ng alkansya.
05:35Ito siya.
05:36Bakit magaan?
05:38Puro buo po ito.
05:40Actually, hindi mo na...
05:41A, papel.
05:41Puro papel.
05:43Hindi siya bariya.
05:44Dati ho, bariya.
05:45Ang ipon ko.
05:47Sasabi ko,
05:48kung nakakapag-ipon ako ng bariya
05:50sa isang taon,
05:52tapos gano'n nakalaki,
05:53what if gawin kong buo?
05:55Pero matakakatakot
05:57o kung mawala yan,
05:59dapat ilagay mo sa banko?
06:00After naman,
06:01every December,
06:02nilalagay ka sa banko.
06:03Atin yan.
06:05Kasi pag sa banko,
06:07lagi ko nakikita,
06:08ay, may pera pa ako.
06:08Okay lang.
06:09Natetempt ka,
06:10nag-astisil.
06:10Makikita akong bilhin.
06:11Di ba?
06:11Karang gano'n.
06:12Ito to,
06:12alam mo ba kung anong laman ito?
06:14Magkano?
06:15No,
06:16baka umabot pa po
06:16ng 80, 70,
06:19100,000.
06:19Wow, ito?
06:20Talaga?
06:21Maganda.
06:21Okay yan.
06:22Kasi pag napuno po yan,
06:23nasa 120,000.
06:24Pag siksik na siksik dito.
06:26Pagka may pattern po kasi siya.
06:28Pag sinundan tong pattern,
06:30automatic yan,
06:31makakabuo ka ng
06:32107,000.
06:33Pero ang ginagawa ko kasi,
06:34wala akong 20 pesos dyan.
06:37Ang nilalagay ko,
06:38100, 50, 500,
06:41tapos sometimes 1,000.
06:42Pagka hindi po ako nakapaglagay ngayon,
06:45let's say,
06:45di ako nakapaglagay ng pera.
06:48This day.
06:49Kinabukasan,
06:50either maglagay ako ng doble at triple.
06:52Talaga?
06:52This year kaya,
06:53magkano kaya ang mahihit mo?
06:55Ang goal ko,
06:57lumagpas ako ng kalahating milyon.
07:02Samantala,
07:03sa gitna ng mataas na presyo
07:05ng bilihin ang gasolina,
07:08narito ang ilang tips
07:09para makatipid
07:10at kahit pakonti-konti
07:12ay makapag-ipon pa rin.
07:14Bawasan ang gastos
07:16para sa mga hindi mahalagang bagay.
07:18Sahalip,
07:19ay pagtuunan ng pansin
07:20ang pag-iimpok
07:22para sa emergency fund.
07:24Maghanap ng mga bilihing may discount
07:27at kung may gamit na nasira,
07:29ikonsidera ang pagpapaayos muna rito
07:32o pagbili ng second hand.
07:34Kung may mga binabayarang bills at utang,
07:38iprioritize ang may matataas na interest
07:40para lumuwag ang cash flow.
07:43Ngayong mataas ang halaga ng krudo,
07:46bawasan ang paggamit ng sasakyan
07:48kapag aalis ng bahay.
07:49Maaring gumamit ang public transport
07:51o maglakad kung malapit lang.
07:54Kung nakasasakyan,
07:56maiging magsabay na
07:57ng ibang gagawin
07:58o kaya'y mag-carpooling.
08:01Huwag itodo ang apak sa gasolina.
08:04Alisin ang mga nagpapabigat
08:06na gamit sa sasakyan
08:07at yaking nasa kondisyon
08:09ang mga gulong nito.
08:12Ang kwento ni Matt,
08:14patunay na basta't may determinasyong magbago,
08:19kaya mong umasenso.
08:21At mas lalo pa itong nagiging makabuluhan
08:24kapag ibinabahagi sa pamilya at sa kapwa.
Comments