Skip to playerSkip to main content
Aired (March 7, 2026): Kumusta na nga ba ang viral pares vendor na si Diwata? Kilalanin din ang sherbet vendor sa Sampaloc, Maynila na tinaguriang “Chris Brown” dahil sa kanyang hitsura at galaw! Panoorin ang buong episode. #GoodNews

Category

😹
Fun
Transcript
00:06He's back!
00:08May diwatang nagbabalik.
00:11Wala mang pakpa,
00:13pero mataas ang lipad ng kanyang negosyo noong 2024.
00:17Siguro ito na katuloyan ko si Buya.
00:20Ang diwatang minsan nating kinagiliwan.
00:23May libre kiss.
00:24May libre kiss.
00:25Yon!
00:26Ang diwatang minsan tayong pinusog.
00:29Ang pagbabalik at ang pagbangon ni diwata,
00:32kaya na.
00:33E walang iba,
00:34kundi si diwata
00:35ng diwata pares overload.
00:39Viral pares vendor na si diwata,
00:43minsang sinubok ang katatagad.
00:45At ngayon,
00:46unti-unting bumabangon
00:48at patuloy na lumalaban.
00:52Si Deo Balbuena,
00:54o mas kilala sa tawag na diwata,
00:55tubong samar at ang nag-iisang lalaki
00:58sa kanilang magkakapatid.
01:00Bilang bunso at unikong iho ng pamilya,
01:03hindi maikakaila
01:04ang bigat na kanyang hinarap.
01:06Lalo na,
01:06pagdating sa kanyang kasariang.
01:08Di ba ang name mo is diwata?
01:10Paano ka nagladlad sa parents mo?
01:13Actually, kasi nung maliit pa ako,
01:14tago talaga sa probinsya namin.
01:16Tapos yung father ko,
01:18parang galit sa pagkabading
01:19kasi sa probinsya,
01:20ganun eh.
01:21Pagkabading kasi parang hindi nila matanggap
01:23noon pa.
01:23Nagpapanggap akong lalaki
01:24kasi nga,
01:25nagagalit yung tatay ko.
01:26Dahil sa kakapusan sa probinsya noon,
01:29sa edad na 16,
01:30sumama siya sa kanyang mga kapatid
01:32para lumuwas ng Maynila
01:34at dito maghanap buhay.
01:36Pero hindi ito naging madali.
01:38Gusto ko balikan natin
01:41yung buhay mo,
01:42yung kwento ng buhay mo.
01:44Imagine,
01:44from sa ilalim ng tulay,
01:46ngayon meron ka ng sariling bahay.
01:48Kasi dati ang trabaho ko talaga,
01:50nung nasilalim ako ng tulay,
01:51ang source of income namin doon,
01:52mga lakal.
01:53Tapos bibita namin yung kalakal.
01:55Parang survivor yung buhay namin doon.
01:57Nag-construction worker ako.
01:59Tapos siguro mga 5 years ako sa construction.
02:01Pinasok mo pa yung talagang
02:03pang-barako na construction.
02:06Yung trabaho ng lalaki,
02:07nagagawa ko dahil nga takot ako sa tatay ko.
02:10Kung ano yung ipagawa niya sa akin,
02:11ginagawa ko kahit na masama yung loob ko.
02:13Pero nagbago ang landas ni Diwata
02:16magmula ng pandemia.
02:17Nawala yung trabaho namin.
02:19Bumalik ulit ako sa ilalim ng tulay.
02:21Doon ako nag-start magtinda-tinda.
02:22Yung natira kong puhunan na sahod ko,
02:25ginawa kong puhunan.
02:26Siguro mga pangsiyaw na to, no?
02:28Walo, mga ganyan.
02:29Mula sa construction,
02:31si Diwata napunta sa pagluluto.
02:33So bumili kami ng cart na si Kenhan.
02:35Doon nabuo yung Paris na tinda ko.
02:37Ang hindi niya inasahan,
02:39taong 2024,
02:41mamumukadkat at lilipad
02:43ang kanyang munting negosyo.
02:44Tapos yun nga,
02:45winerte ako kasi nung mga time na yun,
02:46pinilahan ako.
02:47Andaming customer talaga.
02:49Ang bilas mag-rolling ng pera.
02:50Habang kumikita naman ako,
02:51nag-iipon ako.
02:52No way but up nga, mga kapuso.
02:55May lumapit sa akin na
02:56maganda yung usapan namin.
02:58Ang usapan namin,
02:59tutulungan niya ako
03:00ma-expand yung Diwata Paris.
03:01Wala akong gagastusin,
03:03wala akong ilalabas na pera,
03:05pangalan ko lang.
03:06Tatanggap ako ng franchising fee
03:08at saka royalty fee.
03:09Walang kapares ang saya ni Diwata
03:11nang maitayo ang iba't ibang
03:13naglalakihang branches
03:15ng kanyang Diwata Paris Overload.
03:17Ayan, bibigyan ko sa kuya
03:19ng pamasahin niya
03:19kasi imagine from Indoro.
03:21Yes, oo.
03:23Mas lumaki ang kita
03:24at dumami pa ang naipundar niya.
03:27Alam mo guys,
03:27yung binigay ko kay kuya,
03:28hindi yun bayad ha.
03:30Masasalamat ko lang yun.
03:31Sa kanya ring pag-angat,
03:32lalo siyang nakilala.
03:34Ibat-ibang mga artista
03:36at public figure pa
03:37ang kanyang nakakasalamuha.
03:39Pero ang saya ni Diwata,
03:42napalitan ng problema.
03:43Simula na wala yung trending,
03:45nagsarahan yung mga parisan,
03:47tapos ang dami naging basyo,
03:48naka-apekto din talaga.
03:49Ang naging problema kasi,
03:52wala ako natanggap
03:53na franchising fee
03:54tapos ako pa nga yung
03:55nautanga nila
03:57doon sa kausap ko
03:58ng pera.
03:59Tapos ang nakalungkot pa,
04:01yung utang nila sa Quezon City
04:03na almost 312,000,
04:05ako yung nagbayad.
04:07Kaya,
04:07sa madaling salita,
04:09parang na-scam ako doon
04:10sa parisan ko na yun.
04:12Bukod sa mga negosyo,
04:14bumagsak din siya
04:15sa presinto.
04:17Nakulong ako
04:17dahil yung business ko
04:19non-compliant sa SSS.
04:21Bigla akong
04:21may warrant doon.
04:23Nagulat ako.
04:24So, nag-bill ako.
04:25Nung paglabas ko,
04:26pumunta ko sa kanila,
04:27nagpagsitil ako.
04:28So, dismiss naman yung kaso.
04:29At hindi pa raw natatapos diyan.
04:31Ang inindan niyang bigat
04:33dahil pinaulanan din siya
04:34ng mga pambabash online.
04:36Kahit anong gawin mo
04:37sa pagmumukha mo,
04:38di na maiaalis sa isip
04:40ng mga tao
04:40kung anong attitude mo.
04:42Ang nagawa ko lang naman
04:44na medyo nag-aalit sila
04:46yung hindi ako nagpapicture.
04:48Tapos,
04:49binati ko ng happy birthday
04:50na lilipas din yan.
04:51Doon sila nag-aalit.
04:52Sila kasi pag nagsalita,
04:53below the belt.
04:54Alam mo yung pati yung pagkatao
04:55pag nagsalita sila,
04:56akala mo yung hawak na nila
04:58yung buhay mo.
04:58Anong lesson mo
05:00sa mga nag-bash sa'yo?
05:01Pagka-basher kasi wala namang
05:02ambag yan sa buhay ko eh.
05:04Kaya ini-ignore ko na lang.
05:05Yun ang mga natutunan ko.
05:07Marami man ang nawala kay Diwata,
05:09patuloy pa rin siyang lumalaban.
05:11Nakapagsave ka ba dati?
05:12Hindi naman ako naging
05:13nung gastos dito, gastos doon.
05:15Sabi ko pag kumita talaga ako,
05:17ipon,
05:17magsave ako ng pera.
05:18At least,
05:19lumating man ang point na
05:20walang-wala ako,
05:21meron akong mauhugod.
05:22Sa pangalawa,
05:23meron akong ibang negosyo
05:24na hindi pares,
05:25na karamihan hindi nila alam.
05:26Ano yung mga negosyo?
05:27Meron kasi akong mga
05:29DJB,
05:30safety-gears trading,
05:31yung mga pang-construction,
05:32mga sapatos,
05:33mga helmets,
05:34yung mga ganyan.
05:35Supplier ako niyan.
05:36Kasi napasok mo na yung construction,
05:37kaya ano mo,
05:38kung saan ka humuhugot ng lakas,
05:40sino yun?
05:40Siyempre family,
05:41mother.
05:42Kaya naman tingnan mo.
05:43Wow!
05:44Diyo ba?
05:45Aling Japan.
05:46Sa'yo to,
05:46kay mother o.
05:48Mga kapatid,
05:48mga pamangkin,
05:50tapos siyempre sa sarili ko na rin
05:52para kahit papano,
05:54mayroon din ako in the future.
05:56Kung nakatingin kayo sa akin,
05:57maganda ba ako?
06:00Parang hindi na kayo nag-order,
06:02nakatingin na lang kayo sa akin.
06:03The comeback is real,
06:05mga kapuso.
06:06Dahil hindi man daw itong singlaki
06:08ng mga pwesto niya noon,
06:10ilalaban daw ni Diwata
06:11ng todo ang kanyang Paris cart ngayon.
06:14Para tuloy pa rin yung Paris,
06:16para may discarded pa rin ako,
06:17nagpagawa ngayon ako ng cart
06:18para wala masyadong obligasyon
06:21kasi pag cart lang,
06:22gasolina lang din,
06:23kasamang bantay.
06:24So yun lang,
06:24palit-palitan.
06:25Kahit maraming basher,
06:26may mga customer din naman talaga
06:28na sinasadya talaga
06:29para puntahan
06:30yung Parisan ko
06:31para matikman hanggang ngayon.
06:32Kaya kung na-miss nyo
06:34ang mainit-init,
06:36malinam-nam,
06:37at malasang pares ni Diwata,
06:39ngayong araw,
06:40may pamunting handog ang good news.
06:43Libring Diwata
06:44Paris Overload
06:45para sa ating mga kapuso sa kalsada.
06:47Hello, Paris.
06:49Ay ba yan?
06:51Masarap yan.
06:52Tikman mo.
06:53Paris ko yan.
06:53Tikman mo.
06:54Masarap yan.
06:56Tainin mo ha.
06:56Hi Kuya!
06:57Bigang kita ng Paris ko.
06:58Masarap to.
06:59Tikman mo at gumain ka na.
07:01Salamat.
07:02Ayan.
07:02Tainin mo yan ha.
07:03Masarap yan.
07:04At para naman daw
07:05sa mga taong sumusuporta sa kanya,
07:08may mensahe para sa inyo
07:10si Diwata.
07:11Maraming salamat po sa lahat ng mga sumusuporta
07:13kasi alam mo ko sa kabila ng maraming bashers,
07:15marami din naman talaga
07:16naiintindihan ako at sumusuporta pa rin hanggang ngayon.
07:19Maraming salamat sa inyo.
07:20Pati na din sa mga bashers salamat
07:22kasi ano,
07:23tumataas yung engagement ko sa Facebook.
07:26Dahil sa comment nyo.
07:28So may naitulong pa rin kayo sa akin, di ba?
07:30So yun lang.
07:31Enjoy lang natin yung buhay.
07:33Huwag natin masyadong seryosohin.
07:35At para i-celebrate ang iyong pagbabalik.
07:38Diwata, maraming-raming salamat
07:40sa lahat ng pagbahagi mo sa amin
07:42ng mga leksyon na natutunan mo.
07:44Thank you, thank you talaga.
07:45Maraming salamat din po sa inyo, Miss Pinky.
07:47Maraming salamat din po sa inyo, Miss Pinky.
07:47At syempre, meron kaming munting alay para sa'yo.
07:52Thank you very much.
07:53Ay, thank you po.
07:54Welcome back.
07:58Ayan.
07:59Ayan, may pakikpat.
08:00O, di ba?
08:01Ayan.
08:01Ang natutuhan ni Diwata,
08:05kaparis na ng buhay ang mga maling desisyon,
08:08ang pagkabigo.
08:09Pero mahalagang huwag magpalunod sa sitwasyon.
08:13Sahalip, gamitin itong susi
08:16para matuto at gawing sandata
08:18para muling makabangon.
08:24Sit back and relax dahil puno-puno ng good vibes
08:28ang hatid naming mga kwento.
08:30Magandang gabi.
08:31Ako po si Vicky Morales.
08:34Isang lalaki iniwan ang ID sa isang pharmacy?
08:38Kung pwede, iwan niya na lang daw muna yung ID niya
08:41kasi wala siyang pera.
08:45May pa-sherbet na.
08:47May pa-dance moves pa.
08:49Ang Chris Brown ng Sampaloc, Panila.
08:52You're my number one idol because, you know,
08:55you're my best character in the Philippines.
09:01Isang working student, pinababa sa jeep.
09:05Ang dahilan?
09:06Ang bahaw ng dalawasawa, bumaba ka na lang.
09:09Ang maasim daw niyang paninda?
09:11Ako po kasi isang working student na nagtitinda sa school.
09:17Sa kuha ng CCTV,
09:20aakalain mong bibili ng gamot ang lalaki sa isang pharmacy.
09:24Pero laking gulat ng pharmacist
09:27nang iniwan ng lalaki ang kanyang ID.
09:33Kamakailan lang nag-viral ang video na ito
09:36kung saan isang lalaki ang pumasok sa pharmacy.
09:39Hindi para bumili ng gamot ha,
09:41kundi para magsanla ng ID
09:44kapalit ng gamot ng kanyang misis.
09:47Ang saho daw kasi niya,
09:49kinabukasan pa.
09:51Pero dahil sa isang emergency,
09:53kailangan na ng gamot ng kanyang asawa.
09:57E napagbigyan kaya siya?
10:01Ang lalaki sa video,
10:03ang 48 taong gulang na si Moises.
10:09Sa munting bahay na ito sa Cavite,
10:11nakatira si Moises,
10:13kasamang asawang si Jessica.
10:15Sapat na raw ito para sa kanila
10:17dahil wala silang anak.
10:20Driver sa isang kumpanya si Moises,
10:22pero dahil sa liit ng sahod,
10:24hindi raw sumasapat ang kanyang kita.
10:28Ang sinasahod ko lang isang araw,
10:29560.
10:31Minsan,
10:31sahod namin nadideleo.
10:34Dumanat din sahod namin,
10:36pambayad ng utang.
10:37Pumapasok ko sa loob ng silinggo,
10:40tatlong beses ako walang baon.
10:43Ume-extra si Jessica sa paglilinis ng bahay ng mga kapitbahay,
10:48kung saan kumikita siya ng nasa 500 piso.
10:52Pero ang hindi nila alam,
10:54ang dapat sana'y tulong sa pamilya,
10:57ang siya pa palang susugat sa kanilang bulsa.
11:02Tinawagan po ako,
11:04tapos sabi niya sa akin,
11:06Kalbo,
11:07umuwi ka,
11:08nasaan ka?
11:08Sabi ko,
11:09nandito lang ako,
11:10nakadustilo sa muli na bakor.
11:12And then,
11:13umuwi ka saglit.
11:15Kasi si asawa mo nasa emergency room sa MCI.
11:20Si Jessica kasi,
11:22nasugatan ng mabagsakan ng bote ang paa.
11:25Sa laki raw ng tama,
11:28kailangang tahiin ito.
11:29Yung time home noon,
11:30may okasyon po ka nang kay.
11:32So sabi niya ko sa akin,
11:34kung po pwede,
11:35tulungan ko po siya doon.
11:37So kumakain kami sa time na,
11:38kukuha ko ng salt drinks para sa akin.
11:41Hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Moises,
11:44at kahit wala ni singkong duling,
11:46agad sumugod sa ospital,
11:49para sa asawa.
11:50Habang bumabahaya ko,
11:52umiiyak ko,
11:52nag-iisip ko ko,
11:53saan ako pang bahay.
11:56Hanggang makarating ng MCI,
11:57pagbaba ko ng sasakyan,
11:59tapatawid ang MCI,
11:59umiiyak ko,
12:00saan ako ng pera.
12:03Pagkakita ko sa misis ko,
12:06pag-umpumpo ko,
12:07sabi ko,
12:08mahal sa tayo ko ng pera.
12:10Laking pasasalamat na lang ni Moises,
12:12na may mga kapitbahay silang tumulong,
12:15para makalabas agad ng ospital si Jessica.
12:18Pero nakalabas man ang ospital,
12:21tila pasan pa rin sa kanyang mga kamay
12:24ang bigat ng mga gamot ng asawa.
12:30Sabi ko,
12:31meron mang parmasy sa labas,
12:33makikiusap ako,
12:35magmamakaawa po ako.
12:36Aniisip ko,
12:37lagi ko lang sinasabi,
12:39habang umakbang ako,
12:40mapalapit sa parmasy,
12:41sana Lord,
12:43makautang ako,
12:44sana pag-withjam niya po.
12:46Hindi na ininda ni Moises ang kahihiyan.
12:49Ang tanging nasa isip na lang niya,
12:52makainom ng gamot ang kanyang asawa
12:54sa tamang oras.
12:56Isinangla ang kanyang ID,
12:58bilang pangako na babalikan niya
13:00ang bayaring 149 pesos pagkasahod.
13:06Nagulat naman daw ang pharmacist
13:08na si Jim Soriano
13:09nang makausap si Moises.
13:12Nung pag-prepare ko ng gamot,
13:13tapos sinabi niya sa akin na,
13:16kung pwede,
13:17iwan niya na lang daw muna yung ID niya
13:19kasi wala siyang pera.
13:22Nung una,
13:23nabigla ako nung pagkasabi niya.
13:26Alam daw ni Jim
13:27ang pakiramdam ng mga tao nito
13:29dahil siya mismo,
13:31naranasan ito.
13:33Kaya ang mantra niya sa buhay,
13:36pay it forward.
13:37Hindi man daw kalakihan
13:39ang kinikita ng kanyang butika,
13:41hindi siya nagdalawang isip
13:43at ibigay ang gamot
13:44na kailangan ni Moises.
13:46Hindi ko tinanggap yung license niya.
13:48Pilit ko,
13:49binalik sana sa kanya yung license.
13:51Pero pilit niya rin,
13:53sinabi niya na,
13:54hindi sabi, iwan ko ito
13:55kasi malaking tulong
13:56yung pagbigay mo sa akin ng gamot.
13:59Laking pasasalamat naman ni Moises
14:01sa ginawa ni Jim.
14:03Tuan-tuan po ako kasi
14:04laka tulong siya sa akin.
14:05Hindi ko siya balikan po ma'am.
14:08Dahil ang ginawa niya sa akin,
14:11buhay ng misis ko po.
14:12Kaya dobling saya ko.
14:14Kaya sabi ko,
14:16babayaran ko ito.
14:17At pagkabalik na nga ng mag-asawa sa butika,
14:20hindi nila inakalang may dagdag pang biyaya.
14:24Nang i-post kasi ni Jim ang kanilang tagpo,
14:27bumuhos din ang tulong mula sa mga tao.
14:30Kagaya ng groceries,
14:32vitamins,
14:33at tulong pinansyan.
14:37Bilang pasasalamat,
14:38muling bibisita ang mag-asawa kay Jim.
14:41Hindi para sa ayuda,
14:43kundi para maghatin
14:44ng munti nilang regalo
14:46sa nagsilbi nilang good samaritan.
15:07Tulad ng mga gamot,
15:09ang maliit na tulong sa tamang oras
15:12at tamang intensyon
15:13nakapagbibigay ng lakas at paghilom.
15:23Ka-hairstyle na!
15:25Ka-dance moves pa!
15:27Spokening dollar pa raw
15:29ang tinderong ito ng sherbet
15:30na tinuguri ang Chris Brown
15:33ng Sampalop, Maynila.
15:36Patay na ba ang aircon sa Pinas?
15:39Sa pagpasok nga ng Marso,
15:43iisa ang sigaw ng marami.
15:47Mainip!
15:50Kaya para sa mga gustong chumilaks
15:52at malamigan,
15:54may frozen pang-imagas
15:56na dinarayo sa Maynila.
15:59Sherbet!
16:06Pero ang talaga raw nagpa-cool
16:08sa dessert na ito,
16:13ang tindero nitong kung dumamoves,
16:18a la Chris Brown,
16:21Popstar Yarn.
16:27Ang pinipilahang sherbet nga rito
16:30sa Fusion Alley sa Maynila,
16:32gawa sa buko.
16:35Sa halagang 20 hanggang 50 pesos,
16:40matitikman mo na ang buko sherbet
16:44with free performance pa, ha?
16:48Hindi lang daw kasi sherbet
16:50ang inaabangan ng mga customer dito,
16:52kundi pati na rin ang tindero nitong si Edison.
17:00Nakamukhang kamukha lang naman daw
17:02ng American singer
17:03na si Chris Brown.
17:05Naging idol ko po siya
17:06simula po nung
17:07ang dami po nagkasabi na
17:08kawin ko si Chris Brown.
17:11Na-curious po ako,
17:12kaya inalag po agad yung Chris Brown.
17:14Ang ba sa'yo po,
17:15nakuha ko yung pinaka
17:16dun po sa galaw niya,
17:17sa pagganta niya.
17:19Katunayan na nga,
17:20pati raw dance moves,
17:21pareho sila.
17:25Kaya naman ang mga customer,
17:27sinasayawan na rin niya.
17:30Pagkasayaw ko po gano'n,
17:32pag ina-apply ko po siya sa sarili.
17:37Pati nga raw,
17:38pananalita ni Chris Brown,
17:40kuha ang kuha niya.
17:41Spoken yung dollar din kasi siya.
17:44Weh, pasample nga.
17:46Chris Brown,
17:47you're my number one idol
17:49because, you know,
17:50you're my best character
17:53to the Philippines
17:55because, you know,
17:57you're so talented,
17:59like a dance, you know,
18:01whatever.
18:01I'm sorry.
18:03I'm pressure.
18:05Kaya mula sa fit check,
18:09hanggang sa hairstyle,
18:11carbon copy ni Chris Brown.
18:13Misa po, pag maba na po siya.
18:15Ginagawa ko po,
18:16ginupikitan po,
18:17para another color na po siya ulit.
18:19Sampung taong gulang si Edison
18:21ang maulila.
18:22Kaya sa murang edad,
18:23napasabak na siya
18:24sa hirap ng buhay.
18:26Ang dami ko rin po kasi
18:27na-experience na trabaho din po kasi
18:29naging waiter po ako,
18:31naging tagalinis po ako ng computer shop.
18:34Sa hirap nga raw ng buhay noon na mag-isa,
18:37si Edison halos kumapit na sa patalig.
18:41May mga experience po kasi
18:42na hindi po niya saan
18:43like, alimbawa po sa mga illegal na,
18:45mga ginagawa po gano'n.
18:46Yung time na po kasi po noon,
18:47talagang walang-wala po ako,
18:49talagang hindi ko po alam po
18:50sino po yung lalapitan ko talaga po.
18:52Sakto naman daw noon
18:53na may naging kaibigan siya
18:55mula sa pagbabasketball
18:56na may magandang impluensya sa kanya.
18:59Noong time na parang naligaw po siya
19:01na nalandas,
19:01nagalit po ako noon kasi
19:03hindi naman po siya nagalit,
19:04concerned lang po sa kanya
19:05na bakit niya nagawa ng mga gano'ng bagay.
19:10Magkalaunan,
19:11si Mark Tindaw ang nagtulak kay Edison
19:13para pasukin ang pagiging tindero.
19:16Nagkalaunan po siya na magtinda noon sa amin
19:18dahil nga po,
19:19yung tita ko,
19:20nagtinda po siya ng mga orno,
19:22kailangan po ng tao.
19:24Kalaunan,
19:25kinuha na rin siya ng pamilya ni Mark
19:26sa kanilang sherbet business.
19:29E Chris Brown,
19:30este Edison.
19:31Paano ba yung ginagawa?
19:33Nalagay po namin yung buko,
19:34yung gatas,
19:35yung sabaw ng buko,
19:36and then hallowing po namin siya,
19:38mix it,
19:38tapos nalagyan po namin siya ng yelo.
19:40Pagtapos po noon,
19:41maghihintay lang po kami ng isang oras
19:43hanggang isang kalahating oras.
19:49Pero teka,
19:50ang hanapin daw si Chris Brown's sherbet,
19:53e parang hindi ganun kadali.
19:55Paiba-iba raw kasi siya ng pwesto,
19:57na parang may concert tour.
20:00Mostly po kasi,
20:01nag-start po talaga ako,
20:01isakya po.
20:02Yun po ako talaga
20:03unang makilala po ng mga tao
20:05dahil nga po sa,
20:06ano ko,
20:07pagtitinda ko na sherbet.
20:08Dumating po yung Fusion Alley,
20:10like tinari po namin
20:11mong meso doon.
20:11Ilang buwan lang po,
20:12hindi ko na-expect na ganun yung mangyayari
20:14na magbuboong po talaga
20:15yung pinagawa ko doon.
20:17At mas lalo pang araw itong bumenta,
20:19matapos siyang madiskubre bilang Pinoy Chris Brown.
20:25Oh ha,
20:27blockbuster ang pila.
20:28Hindi ako makapinihaba ng pila.
20:30Nakaiba siya kasi,
20:32tulad niya may nagpe-perform pa sa harap mo.
20:34Pero ano nga ba ang say ng mga tao
20:36sa kanyang sherbet?
20:38Worth it bang pumila?
20:40Yung ice po niya is fine.
20:42Sakta lang po yung tamis niya for me.
20:45Masarap naman.
20:46Ang foreigner na ito,
20:48denayo pa raw siya.
20:49Did it like Chris Brown?
20:50I come all around from Bahrain to meet him.
20:53And the sherbet is so cool.
20:55Ngayon,
20:56kaya niyang makaubos ng 800 cups ng sherbet
20:59sa isang araw.
21:01Ngayon po kasi siyempre po,
21:02mas lalo po siyang bumilis,
21:03mas lalo po nadagdagan po yung tinitinda ko gano'n.
21:07Baga dati nakakadalawa lang po,
21:08ngayon nakakatatlo, apat.
21:10Ngayong nakakaipon-ipon na si Edison,
21:12hindi lang siya nagdalawang isip
21:14na ibalik ang tulong sa kaibigang
21:16naging malaking parte ng tagumpay niya.
21:18Bagay po ng birthday ng anak ko,
21:20inapos po ako sa panganda nun.
21:22Eh sakto na may sobra po siya,
21:24pinahiram niya po ako nun.
21:25Teko ko kasi,
21:26kung di rin naman dahil sa'yo,
21:28wala ako dito.
21:29Wala rin naman ako.
21:30Di ako makapagtinda ng sherbet.
21:31Hindi ako makikilala ng tao.
21:32Papasalamat ako sa iyo
21:33kasi isa ka sa naging kaibigan ko.
21:39Kalakit na ng init
21:40ang mga pagkain pampalamig.
21:44Katulad ng sherbet na ito,
21:46na hindi lang pampaginhawa ng pakiramdam,
21:50may kasama pang pampasaya.
21:55Patunay na basta may diskarte
21:58and a little creativity.
22:01You will go a long, long way.
22:08Ayaw nyo ba ng mabaho?
22:10Paano kung ang makasakay nyo?
22:12E maasim ang amoy ng dalang paninda.
22:14Pabababain nyo ba?
22:16O titiisi na lang?
22:18Hello mga Ate Guya.
22:19Ngayong araw nga po pala,
22:20kukwento ko sa inyo
22:21bakit ako pinababa sa jeep.
22:23Sa viral post na ito
22:25ng isang working student,
22:27kanyang ikinwento
22:28ang kahihiyang dinanas
22:29ng pababain ng driver
22:31ng isang pampasaherong jeepney.
22:34Kaya bahay ko ya,
22:36estudyante.
22:37Kwento niya,
22:38sumakay siya sa jeep,
22:39bit-bit ang panindang lumpia
22:41at ang sausawa nitong suka.
22:45Ay!
22:45Iho!
22:46Ang bahaw ng dalawang suka,
22:47bubaba ka na lang.
22:49Nang biglang,
22:50komprontahin ang driver
22:51dahil sa umunoy,
22:53nangangamoy na suka.
22:54Malapit na lang po ko,
22:56Tay.
22:56Eh, pasesya na,
22:58bubaba ka kasi,
22:59nababahohan nyo,
22:59bang pasahero ko eh.
23:02Kaya ang estudyante,
23:04walang nagawa,
23:05kundi bumaba.
23:09At,
23:10nag-tricycle na lang.
23:11Pinababa nga po pala ako sa jeep,
23:13dahil nga po sa talala kong suka.
23:14Ako po kasi,
23:15isang working student
23:16na nagtitin na sa school.
23:23Para malaman ang pulso ng bayan
23:25ukol sa issue,
23:26ang parehong insidente,
23:28muli natin gagawin
23:29sa parehong lugar
23:30sa Kabanatuan City,
23:32Nueva Ecija.
23:33Kasama ang mga
23:34kinasabwat nating tsyuper
23:35at kunwari,
23:37working student.
23:41Nang dumami na ang mga pasahero,
23:44isinagawa na ang eksperimento.
23:47Ay,
23:48pati,
23:48hindi po pwede yung gawin mo,
23:49may suka ka,
23:50mapabahohan yung mga pasahero ko.
23:54Asensya ka na,
23:55eh,
23:56makareklamo kami ng mga pasahero,
23:57bumaba ka na lang muna.
24:03Ang mga pasahero sa jeep,
24:05napatingin na lang sa eksena.
24:15Nang dumami na ang mga pasahero, isinagawa na ang eksperimento.
24:21Ay, pati, hindi po pwede yung ganyan mo. May suka ka. Mababahuan yung mga pasahero ko.
24:28Dito lang ang mga pasahero.
24:29Kahit na.
24:36Wala sa kanila ang direktang nangialam.
24:38Pero nang ibinahagi nila ang kanilang saluubin bilang mga pasahero,
24:43Maawa ko sa nagditindan.
24:45Nagtatrabaho lang naman sila ng marangal. Hayaan lang natin sila maghanap.
24:50Nang baka gusto nyo daw mo ni Lumpia.
24:53Samantala, ang working student sa viral video, aming sinadya.
25:00Si Nathaniel.
25:01Lumpia po talaga yung pinili kong itinda.
25:04Kasi nga po, nung bata po kami, hindi po namin matry-try tumikim ng Lumpia po.
25:09And then, kadalasan po, kapag sa handaan po, pinagdadamutan po kami ng ibang tao.
25:12Kapag pupunta po kami sa mga handaan.
25:15Kasi naman po, hindi naman daw po kami invited.
25:17Luka po kayo.
25:18Maaga raw namulat sa pagbabanat ng buto si Nathaniel.
25:22Dahil ang kanilang pamilya, sapat lang ang kinikita para sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.
25:28Naisip ko po talaga na mag-tinda po ng Lumpia po.
25:32Kasi po, ito lang po yung source of income po namin para po matulog po yung pag-aaral ko.
25:37Bagamat abalah, sa kanyang pagtitinda, hindi naman daw pinababayaan ni Nathaniel ang kanyang pag-aaral.
25:43Bit-bit ang pangarap niyang makaahon sa kumunoy ng kahirapan.
25:47Hindi ko po talaga ikakaya hanggat kailangan po ng pamilya po namin.
25:52Ang nanay raw ni Nathaniel ang katuwang niya sa pagluluto ng Lumpia.
25:57Special recipe raw ito ng ina.
25:59Pag nagluluto po siya, talaga pinupunasan ko po yung likod niya.
26:02Kasi sobrang lakas po ng tagas ng pawis niyan.
26:05Hindi po tumatagas ang muka, sa likod.
26:07Si mama na po yung nadadatlan ko dito sa bahay para po mag-ayos po ng panindang ko.
26:12And then ako naman po, ayun, mag-prepare na para pumasok.
26:15Pero tila ba, nangasim ang tadhana para kay Nathaniel
26:18nang ang ina magkaroon ng karamdaman.
26:32Ang inaasahan daw ni Hazel sa gitna ng mga pagsubok si Nathaniel.
26:38Kahit may sakit ako, may cancer ako.
26:41Hindi ko masyadong naiinda.
26:43Kung wala akong sakit, sana na ipoprovide ko yung mga kailangan nila ganun.
26:48Hindi nila kailangan na magtinda, ganun.
26:52Na dapat ako ang gumagawa ng mga ganun bagay.
27:00Sa gitna ng aming interview, si Nathaniel bigla na lang tumalikod at humagulgol.
27:14Kaya pa nga kung namin,
27:15kasi yung nanay po namin kahit may sakit po siya,
27:19napakita niya po na supportado po siya sa mga gusto po namin gawin sa buhay.
27:24Kaya po, hindi naman po perfect yung nanay namin,
27:27pero hal na hal po namin, nanay namin.
27:29Kasi nga po, lagi siya nandyan para kabaya po kami sa mga ginagawa namin.
27:36Kaya pangako niya sa ina, magsisikap sa pag-aaral at pagtitinda.
27:50Sa eskwelahan, hanap daw siya ng mga kapwa-estudyanteng kumakalamant siya.
27:56Ang kanya raw panindang lumpia, bukod sa abot kaya, masarap pa ang timpla.
28:01Yung naman niya, sobrang sarap.
28:03Sobrang sipag niya.
28:04Meron siyang passion para makatapos ng pag-aaral.
28:07Alam naman niya po niya sa sarili niya na yung ginagawa niya para sa sarili niya,
28:11and para sa future niya po, and para sa pamilya nila.
28:13Ang ganitong suporta, nakuha rin daw niya mula sa mga taong hindi kilala.
28:19Nang mag-viral kasi ang post niya matapos pababain ng jeep,
28:23bumuhos din ang suporta ng mga netizen.
28:25I pray for your success. You will win someday.
28:29Laban lang, kuya.
28:31At sa bawat tulong na natanggap niya,
28:35sinusuklian niya rin naman ng pamamahagi ng paninda sa iba.
28:39Thank you!
28:39Para-paras lang naman po kaming tao, nahihirapan po.
28:42Siguro mas lagi po nating piliin magpakabuti
28:46o maging mabuti po sa kapwa natin
28:48kasi hindi po natin alam kung ano pipinagdaraan ng tao na yun.
28:53Sa buhay, talagang matirang matibay.
28:56Tulad na lang ni Nathaniel,
28:58na sa kabila ng mga pinagdaanan,
29:02susuka,
29:03pero hindi susuko.
29:05Lagi lang po talagang sikap
29:07tsaka pagsatsagalan po talaga yung kailangan natin.
29:10Dahil hindi naman po habang buhay,
29:11nandito po kami sa sitwasyon na to.
29:13Narating po yung araw na kami naman siguro yung
29:16magiging masaya, magiging maluwag po yung pamumuhay namin.
29:22Sana'y napawi ang stress nyo ng aming mga kwento.
29:26Hanggang sa susunod na sabado, ako po si Vicky Morales.
29:29Tandaan, basta puso, inspirasyon at good vibes.
29:34Siguradong good news yan!
Comments

Recommended