00:00Ikinatuan ang mga kongresista ang hindi pag-issue ng Korte Suprema ng Temporary Restraining Order sa impeachment proceedings laban kay
00:07Vice President Sara Duterte.
00:08Kaya tuloy ang pagdinig sa April 14. Nakatutok si Tina Panganiban Perez.
00:16Dahil hindi naglabas ang Korte Suprema ng hinihinging Temporary Restraining Order ni Vice President Sara Duterte,
00:24sinabi ni House Speaker Faustino D. III na itutuloy ng Kamara ang mandato nito sa Konstitusyon kaugnay ng impeachment complaints
00:33laban sa Vice.
00:34Tiniyak niyang uusad ang proseso sa Kamara ng nakabase sa Konstitusyon, rules at ebidensya at bibigyan ang lahat ng panig
00:43ng pagkakataong magsalita.
00:45Sa inilabas kasing direktiba ng Korte Suprema, hindi nito pinigil ang isinasagawang impeachment proceedings ng House Committee on Justice
00:54at pinagkomento lamang ang Kamara sa mga petisyon ni Duterte at ng isang grupo ng mga abogado na kumekwesyon sa
01:02konstitusyonality ng proseso.
01:05We welcome this as a positive development kasi ibig sabihin walang P.R.O. na na-issue ngayon, tuloy ang
01:10paglalabas ng ebidensya.
01:11So the fact na pinapakomment lang muna, that's a good thing, na hindi mapipigilan.
01:19Kasi yun naman talaga ang inaasahan namin.
01:23We are hoping that this time around, the Supreme Court will exercise judicial restraint.
01:29Na huwag na sanang makialam, na huwag na sanang pigilan pa uli itong ongoing impeachment proceedings.
01:38Kasi kailan pa natin mapapanagot yung dapat mapanagot.
01:41Kaugnay ng pagpapatuloy ng pagdinig ng House Committee on Justice sa April 14,
01:46naglabas ito ng subpina para humarap si Atty. Michael Powa, abogado ng BSE at dating spokesperson ng Department of Education
01:55noong panahon ni Duterte.
01:57Pinasusumite sa kanya ang mga isinumite ng Department of Education sa Commission on Audit,
02:03kongnay sa konekwasyong paggamit ng confidential funds.
02:07Naglabas din ang komite ng subpina para kay NBI Director Melvin Matibag para humarap sa komite
02:14at isumite ang mga records sa investigasyon nito sa mga banta ni Duterte,
02:19kinapangulong Bongbong Marcos, First Lady Lisa Marcos at dating House Speaker Martin Romualdez.
02:26Kasama rin sa mga paghahanda ng House Committee on Justice ang pagbibigay ng seguridad kay Ramil Madriaga
02:33na nagpakilalang dating aid at umunoy bagman ni Vice President Sara Duterte.
02:38Magugunit ang pinayagan ng Manila Regional Trial Court si Madriaga na nakaditine sa kasong kidnapping
02:45na humarap sa House Committee on Justice sa April 14 mula alas 8 ng umaga hanggang alas 5 ng hapon.
02:52So ang sisiguraduhin na lang is yung he'll be provided with proper escort
02:57and malamang ang NBI ang mag-escort.
03:01Kung pwedeng doblihin, triplihin yung security para tiyak na siya ay maka-appear dito
03:05at safely makabalik kung saan man siya nakaditine.
03:08Tina Panganiban Perez, Nakatutok, 24 Horas.
Comments