00:00Sa tatlong araw pa lang na itinatagal ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte,
00:05e marami-rami na ang katanungan ng mga Pinoy.
00:09Siguro dahil hindi pamilyar ang proseso sa pang-araw-araw na buhay ng ordinaryong mamamayan,
00:15maaring bago rin sa pandinig ang mga salitang objection o kaya naman ay sustained o kaya ay overruled
00:24para tulungan tayong maintindihan at masundan ang paglilitis.
00:28Kinuha namin ng tulong ng isang eksperto at tinutukan yan ni Mark Salazar.
00:38Ang daming tanong sa amin online tungkol sa impeachment trial.
00:42Halimbawa ito,
00:43Why is the Senate President not serving as the presiding officer during the impeachment trial?
00:49What is the role of the Senate President seated beside the presiding officer?
00:54Bakit nga ba dalawa silang nandun?
01:02Ito pa isang tanong ha.
01:03Bakit daw pagkabagal-bagal ng proseso, nakaka-isang testigo pa lang ang korte hanggang ngayon?
01:20O,
01:21dinala ko na kayo mismo dito sa UP College of Law,
01:25UP Diliman,
01:26sa Malcolm Hall.
01:27Huwag kayong mag-alala.
01:30Ipapalaminize natin sa mga eksperto yung mga tanong nyo.
01:38Prof,
01:39ang isa pong tanong nila,
01:41bakit ito pagkabagal-bagal
01:43and one main reason is,
01:44object daw ng object,
01:46pareho naman yung prosecution at depensa.
01:49Objection, Your Honor.
01:50Wow.
01:51Objection.
01:52Objection, Your Honor.
01:53Oh, no.
01:54Objection!
01:55Objection.
01:56Objection.
01:56Yung proseso ng objection,
01:59o yung objection,
02:00ginagamit yan upang pigilin yung pagsagot ng isang tanong na lumalabag doon sa ating patakaran.
02:07Nagpapatagal talaga siya kahit pa paano sa proseso,
02:10pero,
02:10binidisenyohan kasi yun para maiwasan yung pagpasok ng mga problematic na sagot, no?
02:16O yung mga sagot na baka hindi nagpopromote ng katotohanan.
02:19Tapos,
02:21in between,
02:22magpapasok ang presiding officer,
02:24sa sabihin niya,
02:26sustained,
02:27o overruled.
02:28Ano po yung dalawang yun?
02:30Overruled.
02:31Sustained.
02:32Overruled.
02:33Overruled.
02:34Yung sustained,
02:35ibig sabihin nun,
02:36pumapanig yung presiding officer sa objection.
02:39Pag overruled naman,
02:40ibig sabihin nun,
02:41hindi tama
02:42o hindi wastoy yung objection na nirace.
02:46Tapos,
02:46ano naman po itong direct examination,
02:50cross examination,
02:52muntik pong magkaroon ng redirect,
02:53at saka,
02:54re-cross.
02:56Pakahaba daw,
02:57iisang testigo ng pakadaming tanong.
02:59Hindi natin hinahayaan yung testigo na parang umupo na lang doon at magkwento.
03:03Diba ko saan, saan pumuntay yung kwento.
03:05At hindi nati-test yung katotohanan.
03:08So, yung direct examination,
03:10yun yung pagtatanong ng usually open-ended questions
03:13ng partido o panig na naghain ng witness.
03:18Pagdating naman sa cross examination,
03:21yung purpose nun ay para butasin
03:24yung kabilang panig yung testimonya
03:27ng testigo.
03:28Susunod naman yung redirect.
03:30Para linisin yung ibang bagay na maharahil misleading
03:34galing doon sa cross examination.
03:36Tapos, mayroon na naman pagkakataon na butasin yung testimonya
03:39doon sa redirect, sa re-cross examination.
03:42At doon na nagtatapos yung pagtatanong ng mga abogado
03:45sa bawat testigo.
03:47Balikan natin ang tanong ng ilang netizens
03:49kung bakit dalawa silang nasa taas ng korte.
03:52Sina-presiding Officer Cheese Escudero
03:54at Senate President Sherwin Gatchalian.
04:00Noong panahon ni President Estrada,
04:03nung siya yung ini-impeach,
04:05si Sen. Aquilino Pimentel ay Pangulo ng Senado
04:07at naroon din siya sa taas,
04:09kasama si Chief Justice Hilario Davide
04:11na siya namang presiding officer ng trial.
04:14So, hindi ito makabago sa ating sistema.
04:16Pero sino ang mas main character?
04:19Ang main character ay ang Senado mismo.
04:22So, yung pananatili ng presiding officer doon
04:25ay batay lamang sa rules ng Senado ngayon
04:28kung saan mayroon silang kapangyarihan
04:30na maghalal ng presiding officer.
04:32Ibig sabihin nun,
04:33pwede rin nila tanggalin yung presiding officer.
04:35Definition of terms naman tayo
04:37with Professor Paulo Tamase.
04:39Ano yung naririnig hoon natin sa objection na
04:42leading question, Your Honors, please?
04:45Objection, leading.
04:47Yung leading questions ay mga tanong
04:49na parang sinasuggest na
04:51o minumungkahi na yung gusto marinig na sagot.
04:54Ano naman yung speculative, Your Honors, please?
04:58Speculative, ibig sabihin nun ay parang hypothetical yung sagot
05:04o parang masyadong madaming kuro-kuro yung sagot.
05:07Ito yung mga sagot na kailangan
05:09na parang humuhula lamang yung testigo.
05:12E yung argumentative, Your Honor.
05:15Yung argumentative naman na questioning,
05:17parang nahikipag-away na yung abogado sa testigo.
05:21Masyado niyang pinipilit yung testigo
05:23o naiipit yung testigo.
05:26Sa gitna rin ng trial,
05:27ba nagbiruan pa ang kapwa-abogad
05:29ng sina Sen. Judge Alan Cayetano
05:32at presiding officer Escudero
05:34tungkol sa marking of evidence na
05:36FFFF, GGGGG.
05:38Ano ba yun?
05:40F F F F F F F F F F F F
05:43dash G G G G G G G G G G G G.
05:47That's F F F F F F F F to G G G G G G G G G G.
05:53Yung exhibit numbers kasi sa korte, kadalasan,
05:57kapag ikaw yung prosecution,
05:59yung exhibit numbers mo ay letra na series.
06:03So, A, B, C, D, E.
06:05Pero siyempre, pag naubos na yung 26 letters ng alphabet,
06:08dodoble yun.
06:09A, A, B, B, C, C.
06:10So, yung F F F F F F, yung siyem na F,
06:13ibig sabihin nine times na naubos yung 26 na letra.
06:18Ganon kadami yung ebidensya.
06:19Mas madali sa depensa
06:20kasi sa depensa,
06:22ang normal na pagbibilang ay batay sa numero.
06:24So, exhibit 1, 2, 3, etc.
06:27So, kung ganyan pala ka voluminous ang evidence,
06:32voluminous,
06:33malaburaw ang 92 trial day sa kasong ito.
06:36Mark Salazar, Nakatutok 24 Horas.
Comments