00:00Bilang pag-gunita ng Araw ng Kagitingan, sinulit ng mga kababayan nating mananakay ang handog na libring sakay ng LRT
00:09-2 at MRT-3.
00:11Yan ang ulat ni Elijah Canlas.
00:14Sa gitna ng hamon sa mataas na gastusin sa pang-araw-araw na pamumuhay,
00:19sinisikap ng pamahalaan na maghatid ng agarang ginhawa para sa mga Pilipinong commuter ngayong Araw ng Kagitingan.
00:26Naabutan naming papasok sa trabaho si Ella, isang call center agent sa Ortigas.
00:31Hindi lamang aniya pamasahe ang kanyang natipid sa araw na ito, may pandagdag pa siya sa kanyang baon.
00:37For me, sobrang mahalaga siya kasi yung pamasahe for today, pangdagdag na lang pangkain, thank you din kay Pangulo.
00:48Hindi lamang mga manggagawa ang makikinabang sa naturang inisyatiba, kundi maging ang mga pamilyang may mahalagan lakad o okasyon ngayong
00:56araw.
00:57Gaya na lamang ng inang si Christine Joy Nestor, kasama ang kanyang mga anak na maagang babiyahe para makahabol sa
01:04isang mahalagang okasyon.
01:05Pupunta po kami sa Bulacan po, mag-atin po ng graduation ng panganay ko po.
01:13Sobrang laking tulong po yung libreng sakay sa tulad sa atin ngayon na sobrang mahal ng pamasahe, sobrang mahal ng
01:21lahat-lahat po.
01:21So malaking katipiran na po sa atin, especially po sa tulad po na may mga anak, may pinapaaran, ipamasahe na
01:31lang po, ibibigay na lang po na dagdag allowance po kapag may pasokan.
01:38Bahagi ito ng malawakang servisyo ng pamahalaan upang tiyakin ang mga subsidy at pondo ng bayan ay direktang nararamdaman ng
01:45mga pangkaraniwang mamamayan.
01:47Mula sa MRT Line 3 hanggang sa LRT Line 2, libo-libong pasahero ang inaasahang makakatipid ng kanilang gastusin sa
01:55transportasyon sa pagitan ng alas 7 hanggang alas 9 ng umaga at alas 5 ng hapon hanggang alas 7 ng
02:01gabi.
02:02Para sa mga padre de familia na gaya ni Edong, ang bawat piso ang natitipid mula sa libreng servisyong ito
02:08ay malaking ambag na sa pang-araw-araw na budget ng kanilang pamilya.
02:12Ako, napakalakang bagay sa amin yun ng mga commuters no. So libre siya ngayon from 7 to 9 a.m.
02:19then 5 p.m. to 7 p.m. so malaking tipid yun. Salamat sa nag-organize.
02:26Ipinahiyag ng pangasiwaan ng MRT 3 at LRTA na bagaman dinadagsa ng maraming tao ang estasyon, nananatiling maayos at ligtas
02:35ang daloy ng mga pasahero sa tulong ng mga security personnel na nakahanda sa anumang aberya.
02:40Bilang pagpapalawig naman sa pagkilala sa mga veteranong bayani, binigyang diin ng Light Rail Transit Authority o LRTA na magpapatuloy
02:49ang libreng sakay para sa kanila sa buong linggo ng Philippine Veterans Week.
02:53Mula April 5 hanggang April 11, maaaring sumakay ng libre sa LRT Line 2 ang mga veteranong bayani.
03:01Bukas ito buong araw at maaaring magsama ng isang personal kompanyon.
03:06Kinakailangan lamang magpakita ng valid ID mula sa Philippine Veterans Affairs Office o PIVAW sa mga security personnel ng estasyon.
03:14Tiniyak ng DOTR na ipagpapatuloy ang mga ganitong uri ng programa upang patuloy na maipadama ang malasakit at tugon ng
03:21administrasyon sa daing ng mga commuters sa Metro Manila.
03:25Sa panahon ngayon na pinagkakasya ni Juan ang bawat piso, laking tulong at kaginhawahan ng libreng sakay ng DOTR para
03:32sa sambayan ng Pilipino.
03:33Ito ang agarang tugon ng kagawaran upang matugunan ang araw-araw na pasani ng mga commuters sa kabila ng paglalatag
03:41ng mga solusyon para sa mas maayos ang sistema ng transportasyon.
03:46Elijah Canlas para sa Pambansang TV sa Bagong, Pilipinas.
Comments