Skip to playerSkip to main content
  • 1 day ago
3-term school calendar, ipatutupad sa S.Y. 2026-2027 sa mga pampublikong paaralan | ulat ni Kenneth Paciente

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Approbado na ng Economy and Development Council ang panukalang gawing three grading period ang pag-aaral sa mga pampublikong paaralan.
00:07Kung kailan yan magiging efektibo, alamin natin sa report ni Kenneth Pasyente.
00:14Sa pagbubukas ng eskwela sa taong 2026 hanggang 2027, ipatutupad na ang three term school calendar sa mga pampublikong paaralan
00:23para mapataas pa ang antas ng edukasyon sa bansa.
00:26Yan ay matapos itong aprobahan ng Economy and Development Council sa ikawalong meeting nito,
00:31layunin ang bagong pulisiya na mapakinabangan ang bawat oras ng pag-aaral na madalas na aaapektuhan ng masamang panahon, pista
00:38opisyal at iba pang okasyon.
00:40Mula sa apat na grading period patungo sa tatlong grading period, magkakaroon ng mas mahabang tuloy-tuloy na oras ng
00:47pagtuturo sa mga estudyante
00:48na makatutulong sa mas maayos na learning pace at academic recovery bawat termino.
00:54Bukod dito, magkakaroon din ang panahon ng mga guro para sa professional development at pagsasagawa ng mga catch-up initiatives.
01:01Ayon kay Dep. Dev. Secretary at ED Council Vice Chair Arsenio Balisacan,
01:06ang hakbang na ito ay bahagi ng pagsisikap ng pamahalaan na bumuunang globally competitive workforce
01:11sa pamamagitan ng evidence-based solutions para mapunan ang educational gaps sa bansa.
01:17Batay sa three term school calendar, magsisimula ang unang term mula Hunyo hanggang Setiembre.
01:22Mula Setiembre hanggang Disyembre naman ang ikalawang termino.
01:26Habang ikatlong termino ay mula Enero hanggang huling bahagi ng Marso.
01:30Kukumpleto ito sa 201 araw ng klase para sa buong academic year.
01:35Inaprobahan din ang Council ang pagwawakas ng umiiral na Investment Coordination Committee approval
01:40para sa Unified Grand Central Station Project upang mapabilis ang natitirang konstruksyon
01:45sa pamamagitan ng iba pang mekanismo at kontraktors.
01:47Layunin ang proyekto na magkaroon ng isang central station na nag-uugnay sa mga pangunahing railway systems
01:53gaya ng LRT Line 1, MRT Line 3 at MRT Line 7.
01:58Inaprobahan din ang hirit ng DPWH na itaas ang budget at pahabain
02:03ang implementasyon ng Reconstruction and Development Plan for a Greater Marawi Stage 2
02:08na bahagi ng rehabilitasyon ng Marawi City.
02:11Kasama rin sa natalakay ang proseso ng 201 Infrastructure Flagship Projects
02:16sa ilalim ng Build Better More Program kasama ang mga bagong proyekto.
02:21Kenneth, Pasyente.
02:23Para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments

Recommended