00:00Assalamu alaykum wa rahmatullahi wa barakatuh.
00:04Madayao umayo adlaw kaninyong tanan.
00:06Magandang araw sa inyo lahat.
00:08Kaisa ko ang buong bansa
00:09sa paggunita ng Araw ng Kagitingan.
00:12Ngayong araw,
00:13binibigyang pugay natin ang mga
00:15magigiting na kawal na
00:17nanindigan sa bataan.
00:19Ang kanilang sakripisyo ay hindi lamang
00:21pagpapakita ng lakas militar.
00:23Ito ay isang dakilang
00:25pagpapatunay ng pagmamahal
00:28sa sariling bayan.
00:30The Day of Valor
00:31reminds us that our freedom
00:34was bought at a high price.
00:37It is a reminder
00:38that the defense of our republic
00:40is a continuous duty
00:42that falls upon every
00:44generation.
00:45Today, valor is
00:48found in our courage to protect our
00:50sovereignty and our discipline
00:52to uphold the rule of law.
00:54Ang tunay na kagitingan
00:56ay matatagpuan sa ating
00:58matibay na paninindigan
01:00na protektahan
01:01ang ating sabiranya.
01:02Ang anumang pagtatangka
01:04ng mga banyagang institusyon
01:06na manghimasok sa ating
01:08justisya ay isang tuwirang hamon
01:10sa kalayaang ipinaglaban
01:12ng ating mga bayani sa bataan.
01:14May kakayahan tayong pamunuan
01:16ang ating sarili at pairalin
01:18ang ating sariling mga batas
01:20sa ilalim ng ating sariling mga hukuman.
01:22Kagaya ng ating mga bayani
01:25sa bataan, huwag tayong sumuko.
01:27Harapin natin ang mga hamon
01:29ng ating panahon,
01:30taglay ang parehong diwa
01:32ng katatagan.
01:34Paninindigan ang isang
01:36matatag, ligtas at tunay
01:37na malayang Pilipinas.
01:39Isang makabuluhang pagunita
01:41ng araw ng kagitingan
01:43sa inyong lahat.
01:45Mahalin natin ang Pilipinas
01:46para sa Diyos sa bayan
01:48at sa bawat pamilyang Pilipino.
01:50Syukran!
Comments