00:00Assalamualaikum warahmatullahi wabarakatuh.
00:04Madayaw o maayang adlaw kaninyong tanan.
00:07Magandang araw sa inyong lahat.
00:10Mga kababayan,
00:12ang tinatamasan nating kalayaan ngayon
00:14ay bunga ng tunay at wagas na pagmamahal
00:17ng mga bayaning Pilipino sa ating bansa
00:20at ang magiting nilang paninindigan
00:22laban sa pang-aalipin ng mga dayuhan.
00:25Sa kanilang mga sakripisyo at pagbubuwis ng buhay
00:30ay natamasan natin ang kalayaan
00:32at namuhay tayo bilang bansang isinusulong
00:35ang sariling adhikain, interes o pangarap.
00:39Ang araw ng kalayaan ay pagkakataon
00:42hindi lamang upang ipagdiwang ang ating kalayaan
00:45kundi upang paalalahanan din tayo
00:48sa ating tungkulin, nabantayan, pangalagaan
00:51at ipagtanggol ito sa lahat ng panahon.
00:55Paglapastangan sa alaala ng ating mga bayani
00:58ang pagyakap sa kultura ng pagkaalipin.
01:03Paglapastangan sa diwan ng kalayaan
01:05ang pagsasawalang bahala sa paghihirap
01:08ng maraming pamilyang Pilipino
01:09at ang paglabag sa mga karapatan at sa batas.
01:14Kabilang sa mga hamon sa ating kalayaan
01:17ay ang pagmamalabis at katiwalian sa gobyerno
01:21laganap na droga, problema sa edukasyon, kahirapan at gutom.
01:27Hindi tayo lumaya para masadlak lamang sa pagdurusa ang ating bansa.
01:33Hindi tayo lumaya para muling mawala ng karapatan
01:36at maging alipin ng iilan.
01:39Ipinagmalaki natin sa mundo ang kalayaan ng mga Pilipino.
01:44Huwag nating isuko ang kalayaan ito sa mga taksil
01:48at walang malasakit sa ating mamamayan at sa ating bayan.
01:52Patuloy natin ipagtanggol
01:55ang ating kalayaan at kinabukasan
01:57mula sa mga mapangalipin.
02:01Ang lahat na ginagawa natin
02:03ay para sa Diyos, sa bayan
02:05at sa bawat pamilyang Pilipino.
02:08Syukran.
Comments