00:00Napipilitan ng magwagbunang magtanim ang ilang magsasaka dahil sa mahal na langis na kailangan para sa patubig.
00:07Ang ilang naman, paluginang ibinenta o kaya ipinamimigay na lang ang kanilang mga ani.
00:13May report si Ian Cruz.
00:17Ngayong tag-init, higit na kailangan ang patubig sa mga pananim.
00:22Yun nga lang, wala na ngang supply ng tubig sa irigasyon,
00:25nagtitipid pa ang mga magsasaka ng mais sa lawag Ilocos Norte sa paggamit ng water pump para bawas konsumo ng
00:33gasolina.
00:41Ang ibang araw sa kanila, hindi na muna magtatanim.
00:45Ang magsasaka namang si Arnold, hindi na raw alam kung paano makakabangon sa pagtatanim ng gulay sa La Trinidad, Benguet.
00:54Mula kasi sa patubig hanggang sa pagde-deliver ng ani, gumagamit sila ng diesel.
01:00Kasi minsan wala nang natitira eh. Nakakakaba kasi hindi mo alam kung saan ka kukuha ng pagkain.
01:07Sa La Trinidad Vegetable Trading Post, marami ang binabagsak na gulay pero matumal ang benta.
01:13I-binyahin ng may limang oras itong mga pechay na ito mula sa farm doon sa bayan ng Mangkayan.
01:22At nasa dalawang gabi na raw yung magsasaka na nagdala nito dito sa Trading Post pero hindi pa rin nabibili
01:28itong kanyang mga dalang gulay.
01:30Kaya ang pasya niya ay umalis na lamang dito at ipamigay na lamang ng libre itong mga gulay kaysa masayang.
01:37Talagang nakakapagdurong ng puso kasi sa lahat kung isipin mo yung sayang diba?
01:45Si Jesse James, bagsak presyo ibinibenta ang repolyo na 8 pesos na lang kada kilo.
01:52Para at least mabili, makain ng mga taong kahit mabili ng mura ganyan.
02:00Nakakabenta naman ang ilang magsasaka pero talo pa rin dahil sa gasto sa diesel, tracking at pasahod sa mga tagalinis
02:07at tagaripak ng gulay.
02:09Kami po ay nagbaba kasakali lang ho baka kung may matitira kahit konti.
02:16Kaya nagsusugal din kami.
02:18Dahil nagkasabay-sabay ang ani ngayon, mas mababa na ang presyo ng gulay ayon sa vicepresidente ng Bagsakat Association ng
02:26La Trinidad.
02:27Pero kakaunti na lang ang hinahangon ng kanilang mga parokyano dahil sa mahal ng langis.
02:33Yung truck nila, yung 10 tonelada, ginawa nilang 5 tonelada lang ang bibilhin.
02:42Ang isa sa mga nakausap naming humahangon ng gulay, nasa 35,000 pesos na ang gasto sa diesel mula sa
02:49dating 16,000 papunta ng La Trinidad at pabalik ng Metro Manila.
02:55Ang nakikita raw ng Agriculture Department na pangmatagal ang solusyon.
02:59Number one is the storage.
03:00So that's why I came here to look for the storage facility, to rehabilitate the storage facility.
03:04Para at least yung mga sobra na hindi mga bibenta, pwede itago muna.
03:08Then slowly natin, didistribute slowly to Metro Manila.
03:10Ian Cruz, GMA News.
03:12GMA News.
Comments