00:00Ito ang GMA Regional TV News!
00:06Pahirapan ang pagsagip sa isang lalaking nahulog sa Cantalina Falls sa Barangay Silab sa Amlan, Negros Oriental.
00:13Ayon sa Local Disaster Risk Reduction and Management Office, inabot ng 12 oras ang rescue sa 54-anyos na lalaki.
00:21Madilim kasi sa ilalim ng talon at makipot ang daanan.
00:24Kinailangang lumambiti ng mga rescuers sa masukal na gubat para marating ang malalim na bahagi ng talon.
00:30Ligtas namang naiahon ng biktima na nagtamon ng bali sa kanyang likod matapos bumagsak sa mabatong bahagi ng Cantalina Falls.
00:38Isinugod siya sa ospital.
00:39Kwento ng biktima sa mga otoridad, nahulog siya ng mabitawan niya ang kinakapitang baging habang nanguhuli ng isda.
Comments