00:25Good morning, maagang pahirapan.
00:30May pagsakay na maraming pasahero dito sa Commonwealth Avenue sa area ng Filcoa.
00:33Ngayong back to work na ang karamihan matapos ang Semana Santa Break.
00:37Mag-aalas 5 pa lamang ng umaga kanina ay marami ng pasahero na naghihintay na masasakyan sa Filcoa.
00:42Karamihan ay nag-uunahan makasakay sa mga pampublikong sasakyan na puno ana.
00:46Ordinary o air-conditioned buses man ay tayo ana ang mga pasahero.
00:50Ganyan din ang sitwasyon sa mga modern jeep.
00:52Habang sa traditional na jeep, may mga sumabit na sa estribo.
00:56May mga pasahero ngang napapatakbo para na makasakay pero bigo sila.
00:59Ang ibang pasahero na aming nakausap na papasok sa kanilang trabaho ngayong umaga,
01:03halos 40 minuto nang naghihintay.
01:06Didiskarte na lang daw sila para hindi malate sa trabaho.
01:09Marami rin pasahero sa bus na may libin ng sakay mula sa area ng Fairview
01:12hanggang sa Welcome Rotonda sa lungsod ng Maynila.
01:15Sa matala Igan, ito yung nakikita niyo ng sitwasyon ngayon dito sa area ng Philcoa.
01:19Marami rami pa rin po yung mga pasahero pero ngayon pinausod sila doon sa area ng PUV stop na mga
01:25taon ng MMDA
01:26dahil kanina nasasakop na nila itong dalawang lane ng kalsada.
01:30Pero ganun pa rin po yung sitwasyon.
01:31Marami pong mga pampublikong sasakyan dito na nakikita natin na punuan simula kanina madaling araw.
01:36Maging jeep man yan o mga bus o mga UV express.
01:39Silipin naman po natin yung lagay ng trafico dito sa kabaan ng Commonwealth Avenue.
01:43Westbound lane po ito, mga sasakyan na patungo sa elliptical road.
01:47Kanina pa po natin nakikita yung mataas sa volume ng mga sasakyan
01:50dahil nga po back to work na ngayong Monday morning
01:52habang dun sa eastbound lane naman po yung patungo sa area ng Fairview
01:56ay maluwag yung traffic situation ngayong umaga.
01:59Yan muna po yung latest mula po rito sa Quezon City.
02:02James Agustin, Jemmy News.
02:05Apektado ng taas presyo sa mga produktong petrolyo
02:08ang ilang water activities sa mga karaniwang pasyalan tuwing bakasyon.
02:11Sa Boracay, sa Malay-Aklan, tumaas ng 200 pesos ang ilang water activities.
02:16Ang dating 1,800 pesos sa 15-minute na parasailing, ngayon ay 2,000 pesos na.
02:25Ang dating 3,800 pesos na 30-minute na jet ski, ngayon 4,000 pesos na.
02:31Ayon sa manager ng isang water sports activity, tumaas ang gastos nila sa diesel
02:35na umaabot na sa mahigit 2,000 pesos kada 20 litro.
02:38Mula po yan sa dating 1,100 pesos.
02:41Sa Puerto Galera, Oriental, Mindoro, 200 pesos din ang taas presyo sa beach hopping sa Kainang Bangka.
02:47Mula sa 1,800 pesos, nasa 2,000 pesos na ito kada 6 na tao.
02:5250 pesos naman ay tinaas ng snorkeling activity.
02:55Sa Mabini, Batangas, tumaas ng 1,000 pesos ang boating activity roon.
03:01Mula sa dating 3,500 pesos, nasa 4,500 pesos na ito.
03:07Nagpapatupad ng water rationing sa Zamboanga City dahil sa kakulangan ng supply ng tubig doon.
03:12Ayon sa Zamboanga City Water District, nasa 5 hanggang 12 oras ang paglarasyon ng tubig.
03:19Nitong Huwebes Santo, sinimulan po yan.
03:22Reklamo naman ay la residente, hindi nasusunod ang schedule ng water rationing.
03:27May amoy at kulay rin daw ang tubig na lumalabas sa gripo.
03:32Sinusubukan pa ng GMA News na kunin ang pahayag ng Zamboanga City Water District.
03:36Pila-pila rin ang mga nag-iigib ng tubig maging ang mga bumibili sa mga water refilling station.
03:45Nagbuga ng maitim at makapal na usok ang Bulkang Mayon sa Albay.
03:50Kita po yan sa kuha ng isang residente sa bayan ng Kamalig, alas 6 kagabi.
03:55Paalala ng lokal na pamahalaan, manatili po muna sa loob ng bahay at magsuot ng face mask kung kailangan lumabas.
04:02Sa kuha naman ng FIVOX, alas 4.30 na madaling araw kahapon, nagbuga ng lava at uson o pyroclastic density
04:10currents ang Bulkan.
04:11Nagkaroon din ng rockfall.
04:13Nasa Alert Level 3 pa rin ang Bulkang Mayon.
04:16Bahag pang pumasok sa 6-kilometer permanent danger zone ng Bulkan.
04:29Panalo sa Game 1 ng NCAA Season 101 Women's Volleyball Finals ang letran Lady Knights.
04:35Sa unang paghaharap nila ng benilled Lady Blazers sa finals ngayong season, nagsalitan ang dalawang kupunan sa unang apat na
04:42set.
04:42Unang nakapuntos ang Lady Blazers hanggang makuha ng Lady Knights ang 5th set sa score na 15-11.
04:49Ito po ang unang talo sa finals ng Lady Blazers sa loob ng limang season.
04:54Samantala, nakuha naman ng Mapua Cardinals ang Game 1 ng Men's Volleyball Finals laban din sa benilled Blazing Spikers.
05:03Panalo sila sa loob ng apat na set.
05:05Sa Merkulis po, April 8, gagawin ang Game 2 ng parehong finals, kasunod ng awarding ceremony para sa Season 101.
05:13Mapapanood ang laban ng Men's Volleyball sa Heart of Asia, habang sa GTV at Heart of Asia naman ang Women's
05:19Volleyball.
Comments