- 7 months ago
Narito ang mga nangungunang balita ngayong December 31, 2025
- Aerial fireworks at ilang paputok, paubos na ang supply sa ilang tindahan | Bentahan ng paputok, mas malakas noong Salubong 2025 kompara ngayon, ayon sa ilang nagtitinda
- Mga pasaherong uuwi sa mga probinsiya para sa Bagong Taon, dagsa na sa mga bus terminal | Mga biyaheng Cagayan at Isabela sa ilang bus terminal, fully-booked | Mga bus, ininspeksiyon bago bumiyahe; may first kits na dala, ayon sa pamunuan ng bus terminal | Mga tow truck, naka-standby sakaling magkaaberya ang mga bus
- Boracay, dinadagsa ng mga bakasyunistang doon magse-celeberate ng New Year
- Mga bakasyunista, dagsa sa Baguio ngayong New Year's Eve
- Tondo Medical Center, nakahanda para sa mga mabibiktima ng mga paputok sa pagsalubong sa Bagong Taon | Paalala mula sa Tondo Medical Center: iwasan na ang paggamit ng paputok
- Pami-pamilya at magbabarkada, dumalo sa year-end concert at fireworks display sa Marikina Sports Center | Bad habits sa kalusugan, gustong baguhin ng ilang Pilipino sa 2026 | Mga dumalo sa year-end concert, nag-enjoy rin sa late-night food trip
- Ilang Sparkle stars, ipinasilip ang kanilang rehearsal para sa Kapuso Countdown to 2026
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).
For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.
- Aerial fireworks at ilang paputok, paubos na ang supply sa ilang tindahan | Bentahan ng paputok, mas malakas noong Salubong 2025 kompara ngayon, ayon sa ilang nagtitinda
- Mga pasaherong uuwi sa mga probinsiya para sa Bagong Taon, dagsa na sa mga bus terminal | Mga biyaheng Cagayan at Isabela sa ilang bus terminal, fully-booked | Mga bus, ininspeksiyon bago bumiyahe; may first kits na dala, ayon sa pamunuan ng bus terminal | Mga tow truck, naka-standby sakaling magkaaberya ang mga bus
- Boracay, dinadagsa ng mga bakasyunistang doon magse-celeberate ng New Year
- Mga bakasyunista, dagsa sa Baguio ngayong New Year's Eve
- Tondo Medical Center, nakahanda para sa mga mabibiktima ng mga paputok sa pagsalubong sa Bagong Taon | Paalala mula sa Tondo Medical Center: iwasan na ang paggamit ng paputok
- Pami-pamilya at magbabarkada, dumalo sa year-end concert at fireworks display sa Marikina Sports Center | Bad habits sa kalusugan, gustong baguhin ng ilang Pilipino sa 2026 | Mga dumalo sa year-end concert, nag-enjoy rin sa late-night food trip
- Ilang Sparkle stars, ipinasilip ang kanilang rehearsal para sa Kapuso Countdown to 2026
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).
For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.
Category
📺
TVTranscript
00:00.
00:06.
00:08.
00:12.
00:14.
00:16.
00:20.
00:22.
00:24.
00:28.
00:29.
00:30.
00:32.
00:34.
00:35.
00:36.
00:38.
00:40.
00:43.
00:44.
00:50.
00:54.
00:55.
01:00Iwas malas or pang-taboy ng malas.
01:04Maaga rin bumili ng ilang paputok si Lorenza at kanyang asawa.
01:08Sabi nila tanggal malas pero pampaingay din.
01:12Pampaingay din pag pagsalubong ng New Year. Para masaya.
01:17Si Loris galing pang Laguna.
01:19Taon-taon siyang dumarayo sa Bulacan para bumili ng mga fountain at aerial fireworks.
01:22Pampang-taboy po sa malas.
01:25Tapos po, pampaswerte po sa negosyo.
01:29Ano ba ang mga hiling natin ito in 2026?
01:33Ano po, more blessings at maraming customer po sa ubehalaya business namin.
01:39Ubus na ang supply ng ilang paputok gaya ng sawa, roman, candle at kwitis.
01:44Wala na rin supply ang ilang uri ng fountain.
01:46Mabibili ang lusis sa 100 pesos ang sampung peraso.
01:4970 pesos hanggang 120 pesos ang cone fountain.
01:53Habang 350 pesos hanggang 550 pesos ang tube fountain.
01:57Mabenta rin ang mga aerial fireworks sa 1,400 pesos.
02:01Hanggang 16,000 pesos depende sa dami ng shots.
02:04Mas mabenta po siya nung last year kaysa po ngayon.
02:07Pinapaubos na lang po namin siya para po maaga pong makauwi mamaya.
02:11Siyempre maaga pong makapahinga.
02:13Ano ang mga pinakamabenta?
02:15Ang pinakamabenta po namin ngayon is yung kwitis po na small.
02:21Then yung mga fireworks na 16 shots.
02:25Bilang pag-iingat, may mga nakastandby ng mga drum ng tubig at fire extinguisher.
02:30May mga signage din na nagpapaalalan na bawal ang paninigarilyo.
02:33At pag-testing ng mga paputok at pailaw sa lugar.
02:35Sa matalaigan, pinapaubos na lang yung mga panindang paputok at pailaw
02:44dito sa hilera ng mga tindahan dito po sa Bukawi, Bulacan.
02:47Posible rin mamayang hapon at kapag naubos na po yan ay maaga silang magsasara.
02:51Dahil itong mga nagdaang araw ay 24 oras pong bukas yung mga tindahan dito
02:55dahil po sa dagsa ng mga mamimili ng paputok at pailaw.
02:59Yan ang unang balita.
02:59Mula po dito sa Bukawi, sa Bulacan.
03:01Ako po si James Agustin para sa GMA Integrated News.
03:05Tuloy-tuloy ang dating sa mga bus terminal ng mga pasahero na gahabol
03:08makabiyahe ngayong besperas ng bagong taon.
03:11Sa ilang mga sakayan sa Dagupan, Pangasinan, fully booked ang ilang mga biyahe.
03:16Live mula sa Dagupan City, may unang balita si Sandy Salvation ng GMA Regional TV.
03:22Sandy, magandang umaga.
03:26Maris, dagsapa rin ang mga pasahero dito sa bus terminal sa Dagupan City.
03:31Kaya naman ipinapatupad na ang 10 minutes bus interval para mapabilis ang sakay ng mga pasahero.
03:37Samantala ngayong araw ay inaasahan nila ang humigit kumulang 16,000 na dagsa ng mga pasahero ngayong besperas ng bagong taon.
03:45Dagsa sa mga bus terminal ang mga biyaherong pauwi sa kanikan nilang probinsya.
03:54Tuloy-tuloy raw ang dagsa ng mga pasahero simula pa noong Pasko.
03:57Sumabay pa ang academic break at suspensyon ng trabaw sa mga government office mula December 29 hanggang January 2.
04:04Fully booked na ang ilang biyahe particular sa mga biyaheng kagayan at Isabela.
04:08Ngayon po, parang feeling po namin na medyo marami na nga pong taon.
04:13So ngayon po, wala ng tao dito and pauwi na rin po kami.
04:17Puro po nibok na rin yung mga booking natin.
04:20Huwag na po sila mag-alala. May mga extra trip na magkamin lang.
04:23Ang pamilyang ito maagang umuwi sa Dagupan City para sa pagdiriwang ng bagong taon.
04:29Fully operational ang nasa 130 bus units kung saan 42 sa mga ito ay may special permit para sa mga biyahe ngayong holiday season.
04:38Sumasa ilalim ang mga bus na babiyahe sa pre-departure inspection o PDI kung saan susuriin ang lagay ng mga preno, wipers, gulong, langis, seatbelt at mga ilaw.
04:49Tiniyak ng pamunuan ng bus terminal na may mga dalang first aid kit ang mga pabiyaheng sasakyan.
04:54Kung sakaling may magkaaberya sa daan, may mga nakastanby rin na mga tow truck na handang humila sa mga ito pabalik sa kanilang garahe.
05:02Paalala ng pamunuan ng bus terminal sa mga bebyahen hanggat maaari ay maaga ng magsitungo sa mga sakayan upang hindi maabala sa pila dahil sa dami ng mga pasahero.
05:24Maris, layunin din ng isinasagawang inspeksyon na matiyak ang siguridad at kaligtasan nitong mga pasahero.
05:35Gayun din na siguraduhin na komportable ang mga pasahero na babiyahe na pauwi sa kanilang mga probinsya.
05:41Nandito rin ang mga kawanin ng Land Transportation Office para tignan at siguraduhin na sa maayos na kondisyon ang mga babiyahing bus ngayong araw.
05:49Yan mo na mga latest mula rito. Balik sa iyo Maris.
05:51Maraming salamat. Happy New Year, Sandy Salvasio ng GMA Regional TV.
05:58Ang ilan natin kapuso sa Burakay, sa salubungin ng bagong taon.
06:02Kaya ang isla may mga inihanda ng paandar para mamayang gabi.
06:06Live mula sa aklan, may unang balita si Kim Salinas ng GMA Regional TV.
06:12Kim?
06:16Igan sa kabila ng pag-ambon ngayong umaga sa Katiklan Jetty Port
06:20At dito sa Malayaklan, patuloy pa rin ang pagdating ng mga turistang magbabagong taon sa isla ng Burakay.
06:27Unti-unti na ang pagdagsa ng mga turistang tumatawid sa isla ng Burakay para sa pagdiwang ng bagong taon.
06:37Sa Kagban Jetty Port pa lang, aliw na aliw na ang mga turista sa tugtog ng mga instrumento.
06:43May ilan na sinulit agad ang magandang panahon para mag-swimming kasama ang pamilya.
06:54Sa tala ng LGU, simulan nitong weekend, umaabot sa 8,000 turista ang dumarating kada araw at inaasahang madadagdagan pa yan.
07:03May incident management team ng itinatagang LGU ngayong holiday para matutukan ang kalinisan at seguridad sa isla.
07:10Siyempre, excited na ang mga turista sa ingranding fireworks displays sa New Year's Eve.
07:30Sampung establishmento ang magpapakita ng kanikanilang fireworks displays.
07:34Mas espesyal daw ngayong taon dahil tanaw sa buong isla ang fireworks.
07:40So namin, both sides ang isla. May fireworks. So malamit ang spectacular ng mga taon sa 31.
07:48At the same time, may final countdown.
07:50So entusias, we enjoy sa mga party-party sa Buraka during this New Year's Eve.
07:57Igan, kahapon, ayon sa Port Security, ay walang humpay na ang pagdating ng mga turista hanggang kagabi.
08:10Inaasahang dadami pa ang tourist arrivals ngayong araw.
08:14Igan?
08:15Kim, kamo sa'yo yung seguridad sa gagawing pagsalubong sa 2026?
08:21Igan, zero, a major incident yung target ng malay polis mamaya sa pagsalubong sa bagong taon.
08:33So dito sa Katiklan Jetty Port, maging sa Kagban Jetty Port, at doon mismo sa isla ng Burakay,
08:40especially sa mga areas of convergence, katulad na lamang doon sa beachfront,
08:45ay mahigpit yung pagpapatrolya ng polisya.
08:48Igan?
08:50Maraming salamat, Kim Salinas ng GMA Regional TV.
08:56Muli na naman dinadag sa Baguio City ng mga turista at bakasyonista na is doon sa lubungin ang bagong taon.
09:03At live mula sa Baguio, ngayon ang balita si Bam Alegre.
09:06Bam, gaano na kalamig dyan? Happy New Year!
09:12Marie, happy New Year at good morning. 15 degrees yung huli kong check dito sa Baguio City.
09:17At para nga naman daw, chill ang buong taon.
09:21Bakit hindi na lang daw dito sa Baguio, sa lubong, ang bagong taon?
09:29Nanunuot na lamig ang naramdaman magdamag dito sa Baguio City.
09:3315 degrees ang temperatura sa Session Road.
09:35Nabuhay na buhay ang mga ilaw.
09:37Kaya kahit madilim pa, naglakad-lakad na ang turistang si Joe Amodia.
09:40Na-meet naman yung expectation. So, na-enjoy naman namin yung cold weather.
09:46Para kay Ryan Salway naman, struggle is real sa pagkilos dahil sa sobrang ginaw.
09:51Sobra. Kung gusto nga pwede magdalawang ng jacket, eh...
09:55Hindi nga kami makaligo ng umaga. Kailangan may mainit na tubig.
10:00Para naman sa maagang pampainit, nariyan ang classic strawberry taho na 50 pesos sa cada serving.
10:05Ang magtatahong si Rodolfo Valencia, sakay ng kanyang motorsiklo, paldo na ngayong holiday season dahil in-demand ng strawberry taho sa mga turista.
10:14Mga alas mga turista po talagang pagdating nila, wow, strawberry taho. Bili kami, ganun-ganun ba? Excited po sila.
10:21Abisa ng Baguio Tourism Office sa kanilang social media page na asahan ang mataas na volume ng mga turista ngayong New Year holiday.
10:28Hinihikayat ang publiko na i-download ng BCPO View Baguio app ng Baguio City Police.
10:32Ma-informasyan dito sa mga schedule ng mga tourist attraction, pati ang real-time traffic situation at parking space availability sa Baguio City.
10:41Bukas din 24 oras ang Burnham Park.
10:43Sa katunayan, sila Kimberly Gutierrez, kakarating lang ng Baguio alas 4 na umaga.
10:48Nagbisikleta agad sa Burnham Park habang hindi pa marami ang mga tao.
10:52Actually, first time ko talaga.
10:55Talaga pa siya lagad?
10:56Yes po. Siyempre kailangan sulitin.
10:59Habang wala pa masyadong tao?
11:00Um-um-um kasi mamaya crowded na dito eh.
11:08So Maris, meron din New Year Countdown concert program na nakaschedule dito sa Melvin Jones Field sa Burnham Park.
11:15Simula yan alas 6 ng gabi.
11:17Ito ang unang balita mula rito sa Baguio, Bama Legre para sa GMA Integrated News.
11:21Happy New Year!
11:21Function!
11:22Samantala, silipin natin ang paganda ng Tondo Medical Center.
11:26Ngayong ilang oras na lang, sasalubungin na ang Bagong Taon.
11:30Live mula sa Maynila, may unang balita si Jomer Apresto.
11:33Jomer!
11:37Igan, good morning.
11:39All set na itong Tondo Medical Center para sa mga pasyente na posibleng mabiktima ng paputok
11:44kasunod ng pagsalubong sa Bagong Taon.
11:46Nakahanda na ang Tondo Medical Center para magbigay ng atensyong medikal sa mga mabibiktima ng mga paputok
11:55sa pagsalubong sa Bagong Taon, mamayang hating gabi.
11:59Ito yung triage area ng Tondo Medical Center.
12:02Dito i-assess ang isang pasyente kung biktima ba siya ng paputok.
12:06Matapos siyang ma-assess dito sa triage area, direg-diretso ang pasyente papunta.
12:11Dito naman sa tinatawag na Blast Case ER.
12:16Dito sa Blast Case ER, maglalatag pa raw ng mga kama para sa mga pasyente na posibleng ma-admit.
12:23Pero nakahanda na ang mga gamit na posibleng gamitin ng mga doktor at medical personnel
12:28para sa mga mabibiktima ng paputok.
12:30Kabilang na dyan, itong pamputol ng butok.
12:34Ayon sa ospital, nasa labin lima na ang naitatalang kaso ng firework-related injuries mula noong December 21.
12:40Doble na raw yan ng bilang ng kaso kumpara noong nakalipas na taon.
12:44Dalawa sa mga pasyente ay nananatiling naka-admit.
12:48May isa na nagkaroon ng lapnos sa muka, saka sa katawan.
12:55And then yung isa nagkaroon ng malaking sugat sa paa.
12:59Yung isa na sa plapla, tapos yung isa sa kingkong.
13:05Dahil inaasahan na ang pagdami ng mga pasyente mamaya,
13:08mas maraming medical personnel ang magju-duty sa Tondo Medical Center ngayong araw.
13:13Patuloy pa rin ang kanilang paalala sa publiko na kung maaari, iwasan na ang paggamit ng paputok.
13:18Pero kung hindi talaga, kung naging parte na talaga ng selebrasyon natin,
13:24yung mga nanonood lang, kung kaya na mas malayo yung distansya dun sa mga paputok, mas maganda.
13:31And para dun sa mga anak nila, dun sa mga bata,
13:35mas magandang maipaliwanag na hindi laruan yung mga paputok.
13:39Igaan-una nang nagbabala ang Manila LGU na posibleng maharap sa karampatang parusa
13:49ang sino mga makitang nagbebenta o gumagamit ng mga iligal na paputok.
13:54At yan, ang unang balita mula rito sa Tondo Medical Center.
13:57Ako po si Jomer Apresto para sa GMA Integrated News.
14:00Maraming mga taga-Marikina ang dumalo sa year-end concert
14:07at pa-fireworks display kagabi sa Marikina Sports Center.
14:11Ang ilan nagbahagi ng kanilang New Year's resolutions.
14:14Ngayon ang balita si EJ Gomez.
14:18Hindi mahulugang karayom ang Marikina Sports Center kagabi
14:23na ginanap ang libring year-end concert at engranding fireworks display.
14:30Ang programa, puno ng tugtugan, kantahan at good vibes.
14:39Bukod sa mga taga-Marikina, may dumayo paggaling sa ibang lungsod at bayan.
14:44Ang ilan, kasama ang kanilang mga pamilya.
14:47Meron ding mga magbabarkada at magkakasintahan.
14:52First na apo namin yan, ang gusto namin maging masayang bata,
14:56maranasan niyo yung ganitong event sa Marikina.
14:58Kaya kahit taga-kainta kami, pumunta kami nito para lang sa apo namin.
15:01Parang naging tradisyon na rin po na every year nagpupunta po kami dito sa Marikina.
15:07Bukod po dun sa kung sino po yung star na magpe-perform,
15:11yun po yung fireworks and yung essence po ng family po.
15:14Banding.
15:14Opo, yung banding po.
15:16I'm proud Marikenyo.
15:18Yes, syempre, tinaabakan natin dito yung fireworks display, pati yung buksahan 2025.
15:28Syempre sa Marikina, iba ang saya.
15:30At talaga namang level up sa Marikina.
15:35Kaya tara na sa Marikina, makisaya ka na.
15:37Total, maaga na nilang sinalubong ang 2026.
15:43Inusisa na namin ang New Year's resolution ng ilan.
15:46Mga bagay na gusto nilang i-let go sa 2025 at hindi na dadalhin sa 2026.
15:52Yun po, yung mga bad habits ko po, tsaka gusto ko na rin nilet go yung mga bad choices, mga gano'n po.
16:00Tsaka New Year's resolution po, yung more investment sa health.
16:05Opo, gano'n po.
16:06Magbabawas ako ng bisyo kasi kailangan na rin sa edad natin dahil tumatanda,
16:14bawas-bawas na po taon.
16:15Katulad ng mga pag-iinom ng alak, sigurin nyo.
16:18Ayaw ko nang gawin ulit yung pabayaan yung pamilya ko.
16:24Lagi ko silang kasama na lang.
16:27Every time na may rest day, kapag magkatapos ang trabaho,
16:32diretso ng pamilya ko.
16:33Hindi na po kung saan sa pagpupunta ko.
16:36Happy New Year!
16:40Matapos ma-enjoy ng lahat ang maingay na pagsalubong sa taong 2026,
16:44ang mga bisita, nag-late night food trip.
16:49Kanya-kanyang tchibog sa hile-hilera ng mga food stalls at abot kayang mga pagkain.
16:55Itong unang balita.
16:57EJ Gomez, para sa GMA, Integrated News.
17:01Mamayang gabi na ang Kapuso Countdown to 2026
17:08at bago yan, ipinasilip ng ilang Sparkyell stars ang kanilang rehearsal.
17:13Kabilang sa abangang performers, sina Julian San Jose,
17:16Christian Bautista, Faith Da Silva,
17:18Kailin Alcantara,
17:20Angel Guardian,
17:22at Anthony Rosaldo.
17:23Naging abala rin sa rehearsals ang ex-PBB housemates na sina AZ Martinez,
17:30Charlie Fleming, Vince Maristela, Marco Massa,
17:33Winona Collings, at Lee Victor.
17:36Mamayang 6pm magbubukas ang gates para sa Kapuso Countdown to 2026 sa MOA.
17:4210.30pm magsisimula ang main program.
17:45Paalala mga kapuso, free admission po ito.
17:48So pwede po kayong pumunta.
17:49Oo nga, okay yan.
17:50Kapuso, huwag magpapahuli sa latest news and updates.
17:55Mag-iuna ka sa malita at mag-subscribe sa YouTube channel ng GMA Integrated News.
Comments