00:00Two officials of the government have made a reclame on Graft
00:04on kickback to the flood control project.
00:09Two officials have made a collect for the pera to the Umano.
00:15This is Salim Refrain.
00:20All the problems are not allowed.
00:25Kinalampag ng iba't ibang grupo ang Office of the Ombudsman
00:28ng kanilang ireklamo ng graft, grave misconduct at paglabag sa Code of Conduct of Public Officials
00:34si na dating Undersecretary Adrian Bersamin ng Office of the President
00:38at dating Undersecretary Trigiv Olaivar ng DepEd.
00:42Sila ang lumalabas ng mga bagman mismo ng Pangulong Marcos.
00:47At napakalaki ng kanilang kinalaman doon sa pagnanakaw
00:51na nangyari hindi lang sa flood control anomalies kundi sa iba pang mga infrastructure projects.
00:57Ibinasi raw nilang reklamo sa mga salaysay ng state witness
01:01na si dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo
01:05pati nasa video statements sa social media ni dating Congressman Zaldico.
01:10Sabi ni Bernardo, si na Olayvar at Bersamin ang kanyang mga katransaksyon
01:15sa pagpapalitan ng armored vans sa parking ng isang hotel
01:19na naglalaman umano ng mga kickback mula sa mga proyekto.
01:23Sa mga video naman ni Ko, tinuro niya si na Olayvar at Bersamin
01:26bilang mga bagman raw ni Pangulong Bongbong Marcos.
01:31Sinusubukan pa namin kunin ang panig ni na Olayvar at Bersamin.
01:34Pero nauna ng tinanggi ni Olayvar ang anumang pagkakasangkot sa mga budget insertions.
01:40Dati na rin sinabi ng palasyo na walang katotohanan na mga binabato sa Pangulo.
01:44Ito ay bahagi ng pagpapanagot natin sa lahat ng mga sangkot.
01:48Sila ay sinasabing nakatanggap or tumanggap on behalf of the Malacanang Palace.
01:55Kaya gusto natin sila ang unang investigahan.
01:57Dahil sa investigasyon ng ICI, walang nangyari.
02:00Wala man lang matataas na opisyal na napanagot, walang nakulong.
02:04Merong mga kaso pero ilan lamang at saka yung mga malilit na isda lamang.
02:09So hindi pwedeng ganun na lamang ang nangyari sa mga investigasyon na yan.
02:12Hindi pwedeng magkalimutan na lang.
02:14Malaking dagok daw ito sa taong bayan, lalot na harap sa krisis sa petrolyo.
02:20Krisis ngayon, gusto natin may ayuda, tulong ang mga kababayan natin.
02:24Kulang ang pondo ng gobyerno kasi nauubos sa korupsyon.
02:27Ang Office of the Ombudsman idadaan sa evaluation ng reklamo.
02:32Pero sinabi na noon ni Ombudsman Jesus Crispin Rimulya na may gumugulong ng investigasyon
02:37kina Bersamin at Olayvar, bunsod ng referral ng ICI o Independent Commission for Infrastructure.
02:43Salima Refra, Nakatutok, 24 Oras.
Comments