00:00Sinampahan ng reklamo sa Office of the Ombudsman, sinadating Undersecretary Adrian Bersamin at Tri-Giv Olivar kaugnay sa kickback umanumula
00:07sa mga flood control project.
00:09May ulat on the spot si Salima Refran.
00:12Sam!
00:17Rafi, inereklamo nga ng graft, grave misconduct at paglabag sa Code of Conduct of Public Officials, sinadating Undersecretary Adrian Bersamin
00:25at dating Undersecretary Tri-Giv Olivar,
00:27mga isinasangkot sa bilyong pisong kickbacks mula sa flood control projects.
00:34Bitbit ang kanilang placards ng kilos protesta muna mga grupo sa labas ng ombudsman bago inihain ang mga reklamo.
00:40Ang kanilang sigaw, panagutin ang mga nasa likod ng pagnakaw ng pera ng bayan.
00:45Aabot raw sa bilyon ang nakuha mula sa kaban na kailangan na kailangan pa naman ngayong panahon ng krisis sa
00:52produktong petrolyo.
00:53Gate nila, wala raw nagawa ang investigasyon ng ICI o Independent Commission for Infrastructure, kaya naghain na sila ng mga
01:00reklamo sa ombudsman.
01:01Ibinasa raw nila ito sa mga salaysay ng state witness na si dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo at sa video
01:09statement sa social media ni dating Congressman Zaldico.
01:12Sabi ni Bernardo, si na Olayvar at Bersamin ang kanyang mga katransaksyon sa pagpapalitan ng armored vans na naglalaman umano
01:21ng mga kickbacks mula sa mga proyekto.
01:23Sa mga video naman niko, tinuro niya si na Olayvar at Bersamin bilang mga bagman raw ni Pangulong Bongbong Marcos.
01:30Narito ang bahagi ng ating panayam sa mga naghain ng reklamo.
01:34Hindi natin kinakalimutan yung isyo ng korupsyon, lalo na ito sa panahon ng krisis, di ba?
01:40Krisis ngayon gusto natin may ayuda, tulong ang mga kababayan natin.
01:44Kulang ang pondo ng gobyerno kasi nauubos sa korupsyon.
01:47Kaya kahit na may krisis, tuloy ang paglaban natin sa korupsyon.
01:51Napakahalaga nitong pagfafile ng reklamo dahil bukas.
01:55Ang sabi nila magtatapos na ang trabaho ng Independent Commission on Infrastructure.
01:59Na wala man lang matataas na opisyal na napanagot, walang nakulong,
02:04merong mga kaso pero ilan lamang at saka yung mga malilit na isda lamang.
02:14Sinusubukan pa namin makuha ang panig na Bersamin at Olayvaro ukol sa mga inihain reklamo.
02:20Samantala ayon naman sa Ombudsman, dadaan muna ang mga reklamo sa proseso ng evaluation.
02:25Dati nang sinabi ni Ombudsman Rimulya na may gumugulong na silang investigasyon
02:30kina Bersamin at Olayvaro mula pa nung isang taon bunsod ng referral ng ICI.
02:36At yan muna ang latest mula dito sa Office of the Ombudsman sa Quezon City.
02:39Rafi.
02:40Maraming salamat sa Lima Refran.
Comments