00:00Tinulungan ng Talomo Police Station sa ilalim ng Davao City Police Office
00:05ang isang estudyante upang makasama sa kanyang graduation day ngayong araw, March 27,
00:12kung saan nagbigay ng tulong ang kapulisan para sa natitira niyang babayaran sa taaralan.
00:18Ayon sa Talomo Police Station, lumapit sa kanila ang ina ng nasabing estudyante
00:23at nakiusap na matulungan sa balanseng 4,000 piso na bayarin sa eskwelahan.
00:30Ayon sa ina, na-stroke at ilang beses nang na-ospital ang kanyang asawa
00:34habang kakaalis lang din nila sa kanilang tirahan dahil sa naganap na demolisyon.
00:40Agad namang nag-abot ng tulong ang kapulisan sa mag-ina tulad ng food pack
00:45para sa pamunahing pangangailangan ng kanilang pamilya.
00:49Bukod sa pagsugpo sa kriminalidad sa Davao City,
00:53bahagi ng Adbukasya ng Talomo Police Station,
00:57ang programang Adopt and Save a Child na patuloy na tumutulong sa mga kabataan.
Comments