Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Kaugnay naman sa pagtalakay ng Senado sa mga hakbang ng gobyerno,
00:04kaugnay sa epekto ng mataas na presyo ng mga produkto ng petrolyo,
00:07kausapin natin ang Chairperson ng Proactive Response and Oversight for Timely and Effective Crisis Strategy or Protect Committee
00:13na si Sen. Sherwin Gatchalian.
00:16Magandang umaga at welcome po ulit sa Balitang Hali.
00:18Magandang tanghali, Rafi. Magandang tanghali sa ating mga tagapaginig.
00:21Sa inyo pong assessment, kumusta so far yung pagtugo ng gobyerno sa epekto ng gyera sa Middle East at sa
00:26presyo ng produktong petrolyo?
00:30Binibigyan natin ng pahalaga yung kanilang initial na mga reaction at initial na mga ginagawa.
00:38Pero ang pinaka-problema natin, Rafi, ay supply.
00:41At base sa mga pagdinig natin, pagdating sa gasolina, 54 days nilang natitira.
00:51Pagdating naman sa diesel, 46 days.
00:54So, pagtapos na, hindi na natin alam kung magkakaroon pa ng supply.
00:58Kaya, yan ang pinaka-problema natin.
01:01At sa mga pagdinig namin, hindi kami nakakakuha ng konkretong sagot at commitment kung magkakaroon tayo ng supply pagsapos ng
01:09mga araw na ito.
01:11Aramdam niyo po ba yung urgency ng mga government agency na nag-aasikaso nitong krisis na ito?
01:17Kulang.
01:19Kulang.
01:19Dahil, sabi nga namin, ang mga oil companies, ang sabi dapat sa government to government ng negosyasyon.
01:28Kumbaga, sumuko na sila, bumili sa commercial transaction.
01:32Pero nung tinanong namin ng government to government, dumadaan pa sa embassy, dumadaan pa sa normal channel.
01:38Hindi naman normal ang sitwasyon ngayon.
01:41Dapat talagang high-level negotiations ang dapat gawin.
01:46Kaya, para sa akin, ako ay nakukulangan sa mga hakbang na ginagawa ng mga ahensya.
01:52So, sapat na po ba yung umiiral na national energy emergency at dapat mang madaliin na yung implementasyon ng suspension
01:59sa excise tax sa langis?
02:00At dapat na rin bang tingnan na rin yung VAT at oil deregulation law?
02:04Magandang hakbang na yan.
02:05I think, itong uplift committee na binuo ng ating Pangulo ay malaking hakbang yan.
02:11Dahil ngayon, magkakaroon na ng isang national contingency plan.
02:15Kasi yun na rin ang kulang, Rafi.
02:16At hinanong namin kung meron tayong contingency plan dahil, obviously, tumatagal na itong singgalot sa Middle East.
02:25Pero hanggang ngayon, wala pang national contingency plan.
02:28Nasakita rin natin na maraming mga hakbang ng gobyerno na hindi coordinated sa isa.
02:32Kaya kailangan talaga itong uplift committee ay mabuo na.
02:38Sabi po na Pangulo, sapat hanggang June 30 yung supply ng crude oil sa bansa.
02:42Reaction niyo po riyan?
02:44May dumadating. Nakita ko may mga dumadating ng supplier galing Russia na ito ay bagong supplier natin.
02:52Kaya magandang balita yan na at least humahaba na from 60 days to pag-June until 90 days.
03:01So sana tuloy-tuloy na ito para hindi tayo magkaroon ng abereo pagdating 90 days.
03:06E bukod po sa pamimigay ng ayuda, ano sa palagay niyo yung dapat pa maging hakbang ng pamahalaan sakaling tumagal
03:12pa itong mataas na presyo ng produktong petrolyo?
03:15Bantayin natin ang inflation, Rafi.
03:18Sa ngayon, base sa mga reports ng Department of Agriculture, hindi pa nagkaroon ng spillover sa mga agricultural products.
03:28Pero hindi rin yan tatagal.
03:30Alam naman natin na pag tumasang gasolina, sakalat talaga yan sa ibang mga produkto.
03:35Kaya dapat bantayin maigi yan.
03:37Dahil ang mga kababayan natin, bago pa naman yung gera, maraming hirap na.
03:42Kaya kung tumasang presyo ng mga bilihin, magiging pangpahirap talaga.
03:46Dapat ito bang pag-usapan na rin ng seryoso yung austerity measures sa pamahalaan?
03:52Hindi na pag-usapan. Dapat gawin na, Rafi.
03:55Importante, ginagawa na ito ng pamahalaan.
03:57At ako naman, I give credit to the agencies.
04:01Maraming agencies ay, kami sa Senado dito, nagpa-practice na rin ng 4-day work week at work from home
04:08para mabawasan na yung pagbabiyahe ng mga empleyado.
04:11Kaya dapat gawin na yan.
04:13At meron nga kaming proposal pa na bawasan pa yung mga pondo ng iba't-ibang hensya
04:20pagdating sa mga non-essentials tulad ng traveling, training.
04:25Makakalikom tayo ng $170 billion kung nagbawas tayo ng 20%.
04:30So, kumusta po yung usapin yan? Matutuloy ho ba yan at mapapalawig?
04:37Oo, yun ang aming mungkahi sa mga agencies at sa DBM.
04:41At inaantay na lang namin yung paglalabas nila ng National Budget Circular para ma-activate na ito.
04:47Okay, abangan po natin. Maraming salamat po sa oras na binahagi nyo sa Balitong Halit.
04:51Si Sen. Sherwin Gatchalian.
Comments

Recommended