Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Kaugnay naman po sa pagkakapasa sa third and final reading sa Kamara ng P6.793 Trillion Peso sa National Budget.
00:08Kausapin na po natin si House Appropriations Committee Chairman, Congresswoman Mikaela Swansing.
00:14Magandang tanghali at welcome po sa Balitang Hali.
00:17Magandang tanghali po, Ma'am Connie, Sir Rafi at sa lahat po ng mga taga-panood ng Balitang Hali.
00:22Maraming salamat po sa pagkakataon.
00:24Ma'am, papaano niyo magagarantiya sa taong bayan na talagang binusisi at pinag-aralang mabuti itong proposed national budget para po sa 2026?
00:34Opo, Ma'am Connie, yan po isang bagay na talagang mabibigyan po natin ng garantiya sa loob po ng dalawang buwan mula po nang na-turnover sa atin ang NEP noong August 13 hanggang po noon na ipasa natin sa ikatlo at huling pagbasa ang General Appropriations Bill.
00:52Talaga pong hanggang madaling araw po, nakita naman po yan na ating mga kababayan hanggang alas 4 o alas 4.30 ng madaling araw ay tuloy-tuloy po yung ating deliberasyon.
01:02Sinigarado rin po natin na bukas at transparent po yung ating mga pagdinig.
01:07Lahat po ng committee hearings, penary deliberations, pati na po yung deliberasyon patungkol sa amyenda na sinagawa ng Budget Amendments Review Subcommittee.
01:17Lahat po yan ay li-nive stream natin. So, yun po talagang binusisi po talaga natin yung budget para sa taong 2026.
01:24Ma'am, siguro magandang maipaliwanag yun na rin kasi may mga kumaya-question bakit hindi ho inalis yung P250 billion pesos na unprogrammed appropriations bago maipasa itong proposed national budget.
01:36Opo. Ma'am Connie, kahapon po, nung nagsagawa po tayo ng press conference, inilatag po natin yung breakdown noong P243 billion pesos na unprogrammed appropriations.
01:49Hindi po ito lump sum funds. Hindi rin po ito nakapaloob dun sa P6.7 trillion natin na national budget.
01:56Standby funds po ito na mapupondohan lamang kung meron pong sobrang kita ang ating gobyerno o may panibagong loan.
02:03Ang dahilan po kung bakit hindi po natin siya tinanggal ay mayroon po kasing mga particular na purpose na talaga pong kailangan po nating pondohan.
02:15Halimbawa po yung foreign assisted projects na nabanggit po ng ilang beses na po sa talakayan na ito.
02:22Yun po kasi ay obligasyon natin sa ating mga international and development partners.
02:26So, kailangan po nating pondohan ito.
02:28So, yung iba po pong mga malalaking items sa ilalim po ng unprogrammed appropriations,
02:34bukod po sa P113 billion para sa foreign assisted projects,
02:38meron pong P50 billion para sa AFP modernization program,
02:42at meron pong P45 billion para sa strengthening assistance for social programs.
02:47Ang nakapaloob po dito ay mga programa patungkol sa PhilHealth, patungkol po sa CHED, DOH, DSWD, SSS, at iba pa.
02:56So, ito po ay mga bagay na kailangan po nating lagyan ng standby funds
03:02para kung sakali pong merong mga emergency or unforeseen circumstances na dumating,
03:08meron po tayong nakaabang na pwede pong maipasok para po sa mga programang ito.
03:13Pero si Senate President Soto po ay nagsabi na posibleng alisin daw sa Senado yung mga unprogrammed funds
03:19at i-reallocate sa mga proper agencies.
03:22Maari po bang makakuha ng inyong reaksyon dyan?
03:26Apo. Tulad po ng aking binapanggit, bukas po tayo sa pag-uusap sa Senado
03:33sa kung ano po ang gagawin natin patungkol sa unprogrammed appropriations.
03:37Bukas po tayo sa posibilidad na bawasan po ito,
03:41pero sa ating palagay, maganda po natignan po natin bawat isa sa labing isa na intended purposes
03:48para sa unprogrammed appropriations para po matignan natin
03:51papaano po dapat ang pinaka-efektibong paraan para po ma-rationalize natin yung nakapaloob sa unprogrammed appropriations.
03:58Confirmado na ho ba at may nakalatag na kayong plano sa pagpapublic live stream ang bicameral conference committee hearings po?
04:08Para malinaw rin ho, sino-sino lang ba yung mga dapat at otorizado na dumalo sa bicameral conference committee rin?
04:15Opo. So, in terms of that, Ma'am Connie, nagkaroon na po tayo ng initial discussions.
04:22Mga gawing Agosto po yun, nag-usap po kami ng aking counterpart sa Senado,
04:27ang chairman ng Committee on Finance, Senator Wengachalian,
04:30na pareho po kami ng pagnanais na isa po sa mga reforma na aming nilulunsad
04:35ay magkaroon po ng live stream or bukas na bicameral conference committee proceeding.
04:40So, kaya po supportado po namin yung pronouncement ng ating Pangulong Bongbong Marcos
04:45na isa publiko po yung mga pagtinig ng bicameral conference committee.
04:50As to the conferries to the bicameral conference committee proceedings po,
04:55merong set number po on the part of the House and the Senate.
05:00On the part of the House po, labing tatlo po kami na magiging bahagi
05:04ng bicameral conference committee hearings.
05:07Pero kailangan pa po namin na ilatag ng ating mga kasama sa Senado
05:12kung in terms of attendance po, sino po yung pwede pa na makasama
05:17kasi alam ko po, isa po sa mga ina-advocate ng civil society organizations
05:22ay magiging observe sa bicam proceedings.
05:26So, isa po yung bagay na kailangan po po namin ilatag at yung mga kasama sa Senado.
05:32Opo, ma'am. At syempre, hinga na rin po namin kayo ng reaksyon.
05:35Ngayong ilang mga kasamahan niyo po sa Kongreso, ang naglabas na ng kanilang SAL-N.
05:40Kayo po, at sa inyong committee, ano ba ang plano po ninyo dito?
05:45Opo, sa ngayon po, ma'am ko and me, hinihintay po po namin yung direksyon
05:51ng liderato ng Kongreso, alam ko po nung nakanaang linggo
05:55o earlier this week po, naglabas na po ng pahayag ang aming speaker,
06:00si Speaker Bojiti, na gagawa po siya, paglalatag po ng panibagong guidelines
06:06ang House of Representatives patungkol po sa SAL-N.
06:10So, hinihintayin po natin yun at magkukomply po tayo doon po sa direksyon
06:15at panibagong guidelines ng House of Representatives patungkol dito.
06:18Ma'am, balikan ko lamang yung unprogrammed funds kasi doon po maraming tanong talaga
06:23yung mga kababayan natin. Sabi niyo, wala po ito dito sa trillions of budget
06:29atin sa 2026 na hindi po ito nakapaloob. Pero ito ay manggagaling sa savings.
06:35Kung meron man o kaya ano pa ho ba sabi niyo kanina, parang kung meron tayong
06:40mga loans pa ba, na papaano ho yun? Kasi parang sinasabi nga, marami po tayong
06:45kailangan na bayaran, bakit kailangan pa ho nito?
06:49Talaga yun ho yung kine-question doon.
06:54Opo. May tatlong condition po, Ma'am Connie, na pwede po tayong humugot
06:59o para po ng karagdagang pondo para po sa unprogrammed appropriations.
07:04Kailangan po ng merong excess or windfall revenue sa ating gobyerno
07:08kung may new revenue measures sa susunod na taon.
07:11O meron pong approved loan agreement sa ating international at development partners.
07:18Ako po, naniniwala din po ako at kasama po ako ng ating mga kababayan
07:22na as much as possible, gusto po talaga natin na lahat po ng mga programa
07:27at proyekto sa ating budget ay nakapaloob sa programmed appropriations.
07:31Kaso lang po may mga pagkakataon, halimbawa po sa kaso ng foreign assisted projects,
07:36may mga pagkakataon po kasi na hindi po umabot doon sa deadline
07:39ng pagbuo ng NEP, yung perfected loan agreements at NEDA board approval
07:44ng ilan sa ating mga ODA agreements or official development assistance agreements
07:49sa ating mga kasama na development partners tulad ng World Bank, JICA, POIKA, ADB.
07:57Kaya yun po yung dahilan na napilitan po ang DBM na ilagay sila sa Unprogrammed Appropriations.
08:03Sa kaso naman po ng social programs, halimbawa po, gagawin ko po halimbawa yung AICS
08:10sa ilalim po ng Strengthening Assistance for Social Programs sa ilalim ng Unprogrammed Appropriations.
08:16Nung tumama po yung bagyo sa Masbate at yung mga lindol sa Cebu at Davao,
08:21kinulang na po yung original na Programmed Appropriations sa loob ng DSWT.
08:28Kaya po kinailangan po na nung nakaraang buwan lang na humila ng P5B para sa AICS
08:36mula sa Unprogrammed Appropriations para po makatugon po agad-agad sa mga pangangailangan
08:42ng mga na-biktima po ng kalamidad.
08:44So may mga gano'n na po kasi talagang pagkakataon na kailangan po natin itong standby funds na ito
08:49para po makatugon po kaagad.
08:52Nung panahon din po ng COVID, yung initial po na inilabas na ating gobyerno
08:57bilang allowance po sa health practitioners, yung ating mga frontliners,
09:04kinuha din po ito sa Unprogrammed Appropriations.
09:07Pero Magconi, naiintindihan ko po yung concern na ating mga kababayan patukol sa Unprogrammed Appropriations.
09:14Ito po ay nakasentro doon sa nangyari nung nakaraan kung saan nakahila po ng pondo mula sa Unprogrammed Appropriations
09:22para sa flood control projects.
09:24At talaga po ngayon, binibigyan ko po ng assurance yung ating mga kababayan
09:28na sa kasalukuyang forma ng General Appropriations Bill,
09:31hindi na po pwede na mapondohan ang mga locally funded flood control programs
09:39or kahit road or bridge programs sa ilalim po na Unprogrammed Appropriations.
09:45Dahil may safeguard na po tayo na yung dating sagip na controversial,
09:49tinanggal na po natin yung posibilidad na humila na infrastructure projects
09:54mula po dito sa Unprogrammed Appropriations.
09:56So ang papayagan na lang po na infrastructure ay yung mga foreign assisted projects.
10:01Kaya sinisigurado po natin na hindi po maaabuso ang Unprogrammed Appropriations,
10:07lalo-lalo na po pagdating sa infrastruktura para sa taong 2026.
10:11Okay, malinaw po yan. Maraming maraming salamat sa inyong oras na ibinahagi sa amin dito sa Balitang Halimam.
10:18Maraming salamat po, Ma'am Connie. Maraming salamat po sa pagkakataon.
10:24Yan po naman si House Appropriations Committee Chairman Swan Singh.
Be the first to comment