Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Posible pong umabot sa 1,500 piso ang presyo ng kada regula na tanke ng LPG pagdating ng Abril.
00:07Ay po si LPG Marketers Association dahil po yan sa limitadong access sa Strait of Hormuz,
00:13bonsod ng patuloy na gulo sa gitnang silangan.
00:16Saksi si Rafi Tima.
00:21Ang tanke ng LPG na kadalasang may 11 kilo, nasa 825 hanggang 1,135 peso sa Metro Manila.
00:29Pero sa susunod na buwan, posibleng tubas ito ayon sa LPG Marketers Association
00:34dahil sa limitadong access sa Strait of Hormuz, bonsod ng gulo sa gitnang silangan.
00:38Ang amin nakikitang aabutin or projection by this coming April,
00:44aabot ito ng mga 1,400 to 1,500.
00:47That is because of the new inventory that is coming in.
00:52Dagdag gastos para sa marami gaya ni Nanay Lisa na may negosyong karinderiya,
00:56pero hindi pa raw niya naiisip na magtaas ng presyo ng paninda.
00:59Lalo't karamihan sa kanyang mga suki, mga taxi at TNBS driver
01:02at mga magagawang arawan ng kita.
01:04Ngahirap naman itaas yun, wala rin silang pera.
01:11Pagdating naman sa supply, sa pagtataya ng LPGMA, ay walang mangyayaring shortage.
01:16Ang projection po natin, wala ko tayong mangyayaring shortage.
01:19Sa 35 to 40 days inventory po ang LPG as of now.
01:23Sabi ng LPGMA, inutusan ng Department of Energy ang privadong sektor
01:27na ituloy ang pagbili ng LPG anuman ang presyo nito.
01:31Sa pagdinig ng Senado noong isang araw, binanggit ng DOE na hindi naaabot sa isang buwan ang supply ng LPG.
01:37One of our major problems now is LPG.
01:40So now we're starting to go around for the restaurants and beverages
01:45kasi maybe we can lower the consumption for a bit until we get the supply coming in.
01:55Pagtitiyak ng kagawaran, patuloy nilang ginagawa ng paraan
01:58para magkaroon ng Pilipinas ng sapat na supply kabilang na ang LPG.
02:01Para sa GMA Integrated News, ako si Rafi Tima ang inyo.
02:06Saksi!
02:08Arestado yung isang lalaki sa Davao City
02:10dahil sa pagbebenta o mano ng maselang video ng sarili niyong anak.
02:14Isang babae na malang hinuli rin sa Quezon City
02:17dahil sa pagbebenta o mano ng privadong litrato at video ng anak ng kanyang kinakasama.
02:22Saksi! Si June Veneracion.
02:27Kalaboso ang isang babae sa Quezon City
02:29matapos mahulihan ng mga malalaswang litrato at video.
02:33Ang laman ng mga video at larawan,
02:35walong taong gulang na lalaking anak ng kanyang kinakasama.
02:38Ibinibenta o mano niya ang mga video.
02:40Nakakulo ngayon ang sospek sa camp, krami.
02:42Para patas lang, baka gusto mong magbigay ng treatment.
02:47Pero tumanggi siyang magbigay ng pahiyag.
02:50Estudyante naman ang inaresto ng mga tauhan ng PNP
02:52Women and Children Protection Center sa Pasig City.
02:55Nahulihan din siya ng mga malalaswang video na ibinibenta o mano niya.
02:59Undercover kami ha. Tinignan ang device, meron siya mga materials.
03:02Tinitrace na ngayon ng PNP kung sino-sino ang mga kasama ng sospek batay sa mga video.
03:07Kabilang ang mga kaklase at kaibigan.
03:09Mahalagaan na matrace namin kung sino-sino itong mga biktima
03:13na nagkaroon siya ng engagement.
03:15Nang sa ganun, unang-una, mawarningan na sila
03:18para hindi na rin sila makikipag-engage sa iban.
03:21Sinisika pang makuha ang pahiyag ng sospek.
03:24Sa Davao City, dinakip ang isang lalaki
03:27dahil din sa umano'y online sexual abuse and exploitation.
03:31Apat na biktima ang nasagip, kabilang ang kanyang mismong anak.
03:34Ang kaso na ito is very unique kasi ang ino-offer niya, minors.
03:39Well, in fact, itong mga biktima ang ando doon sa mga images, sa mga videos, adults na sila.
03:45Sinusubukan pang makuha ang panig ng lalaki.
03:47Para sa GMA Integrated News, June Van Rasyon ang inyo, Saksi.
03:53Umuwing luhaan ng ilang delivery rider na pumila para sa limang libong pisong ayuda
03:58dahil wala sila sa listahan.
04:00Saksi, si JP Saryab.
04:14Kalmado lang ng una ang 72 taong gulang na si Mang Jaime
04:18habang ikinakwento kung bakit siya hindi nabigyan ng ayuda kapon.
04:21Nagbiru pa nga sa isang punto.
04:29Pero maya-maya pa.
04:31Mr. President, nakakaiyak lang po.
04:38Wala lang po kami makapitan.
04:40Wala lang tumutulong, walang mautahan.
05:03Ang gusto niya,
05:06maituloy ang pamamasada ng jeepney na 37 taon na niyang ginagawa
05:11para itaguyod ang pamilya.
05:13Napanood yan ni Pangulong Bongbong Marcos
05:15kaya inutusan ang Department of Social Welfare and Development.
05:19Kaya kanina personal siyang binisita at pinaliwanagan
05:23ni Social Welfare Secretary Rex Gatchalian.
05:26Naipaabot na rin ang tulong
05:27at nabanggit din ni Lolo Jaime
05:29ang iba pang chuper na wala sa listahan.
05:31Yung kay Lolo Jaime,
05:32yung kanyang entitlement na 5,000
05:34pero GP, si Lolo Jaime,
05:37isa lang sa marami na nangangailangan ng tulong.
05:40Ang instruction ng Pangulo,
05:41oo, tulungan na hanapin namin si Lolo Jaime
05:43pero lahat tulungan.
05:44Walang chuper na qualified ang maiiwan.
05:47Hanggang kanina,
05:49halos walang nabago sa sistema ng paayuda naman
05:51sa mga delivery rider bilang alalay
05:53para maituloy ang hanap buhay
05:55kahit sobrang mahal ng petrolyo.
05:58Pasado alas jistang umaga,
05:59ganito po kahaba ang pila
06:01ng mga kababayan nating riders
06:03na kukuha po ng payout na 5,000 pesos
06:06bilang ayuda sa nangyayari po ng krisis
06:08sa Middle East
06:09at pagtaas ang presyo ng produktong petrolyo.
06:11At bagaman, may mga naabutan ng tulong
06:13tulad ni Mark.
06:15Dati o, nakaka-1,000 pa ako
06:18simula alas 6 hanggang alas jist.
06:20Ngayon, wala na ako.
06:21Minsan, nakaka-uwi kami.
06:23300 na lang, 400.
06:25Marami pa rin nagsakripisyo ng kita
06:27pero wala sa listahan
06:29ang mga pwedeng tumanggap ng ayuda.
06:32Sabi sa amin,
06:33tanungin namin sa company.
06:36Sabi naman ng company namin,
06:38tanungin namin sa LTFRB.
06:39Parang pinagpasapasaan lang kami.
06:41Dahil sayang sa oras
06:43na pwedeng ginugol nila sa trabaho,
06:45posible kayang malaman nila online
06:46kung wala sila sa listahan
06:48para dumerecho na sa registration
06:50imbis na pumunta agad sa payout center.
06:52Hindi patiya kung pwede yan
06:54pero sa ngayon,
06:55pinag-register muna
06:56ang mga wala sa listahan
06:57sa nakapaskil na QR code
06:59at kinuha na ng detalye
07:01sa LTFRB booth
07:02para ma-check sa mga kumpanya
07:04at maghintay
07:05sa itatakdang schedule
07:06ng special payout
07:07sa mga wala sa listahan.
07:17Hindi pa rin pulido ang listahan
07:19kahit kung tutusin,
07:21may karanasan na ang gobyerno
07:23sa pamamahagi ng ayuda
07:24noong pandemia.
07:32Ayon sa DSWD,
07:33ang listahan ay galing sa LTFRB
07:35na galing sa mga operators.
07:38Bagay na patuloy pa rin daw
07:39sa pakitiyak na updated.
07:41They're being updated as we go along.
07:43That's the sad part
07:44in the sense na
07:47meron si LTFRB
07:48nung operators
07:48pero alam naman natin rin
07:50sa baba,
07:51yung drivers
07:52mabilis magpalit eh.
07:53But hindi niya na
07:53nadideclare sa LTFRB.
07:55So we really have to make sure
07:56na mabuo natin yung list.
07:58Ayon sa LTFRB,
07:59hindi masasama sa listahan
08:01kung kulang ang impormasyon
08:02ng isang benepisyaryo
08:04tulad ng birthday,
08:05address
08:06at buong pangalan.
08:07Nakatakdaan nila silang
08:08magpulong
08:09ng DSWD
08:10at ng mga LGU
08:11para ayusin
08:12ang mga ito.
08:13Para sa GMA Integrated News,
08:16JP Soriano,
08:17ang inyong saksi.
08:20Arestado sa Cavite,
08:21ang limang sangkot umano
08:22sa iba't-ibang insidente
08:23na akitbahay
08:24at pagnanakaw ng sasakyan.
08:25Ayon sa polisya,
08:26organisyado ang grupo
08:27at may kanya-kanyang papel
08:28ang bawat miyembro
08:29para maisagawa ang krimer.
08:31Ating saksihan.
08:38Natutulog pa
08:39sa kanilang tinutuluyan
08:40sa General Trias Cavite
08:42nang abutan ng mga otoridad
08:43ang dalawang suspect
08:44na tinutugis
08:45dahil sa pagkakasangkot umano
08:47sa robbery at car napping
08:49sa tanza.
08:51Naaresto rin
08:52ang tatlo nilang kasamahan.
08:54Narecover umano
08:55sa mga suspect
08:56ang granada at baril
08:57gayon din
08:57ang ninakaw nilang motorsiklo.
09:00Ayon sa mga polis,
09:01sangkot ang mga suspect
09:02sa serye ng nakawa
09:04ng mga sasakyan
09:05at akyat bahay
09:06sa iba't-ibang lugar
09:07sa Cavite.
09:09Organize na po itong
09:10grupo na to, sir.
09:11Bawat isa sa kanila
09:13may kanya-kanyang role
09:15sa grupo nila.
09:16Merong yung isa po, sir,
09:17yung po talaga
09:18ang magaling
09:19sa pagpubukas
09:19ng pintuan,
09:21bintana,
09:21siya po talagang
09:23nang-aakyat
09:24ng bahay.
09:25Yung isa naman po, sir,
09:26ay mekaniko
09:27para po siguro
09:28pagka meron silang
09:29nakuhang motor,
09:31ay yung po, sir,
09:33babaklas-baklasin niya na.
09:34Yung isa naman po, sir,
09:36ay cellphone technician.
09:37Ang gawain niya naman po, sir,
09:40ay siya po yung
09:41nag-breach
09:44ng password.
09:45Wala pang pahayag
09:47ang mga suspect
09:47na mahaharap
09:48sa patong-patong na reklamo.
09:51Masdan ang lalaking
09:52nakapula at nakaupo
09:53sa motorsiklo
09:54sa barangay Bulihan,
09:55Claridel, Bulacan.
09:56Ilang saglit pa
09:57ay binuksan niya
09:58ang compartment ng motorsiklo
09:59hanggang sa hinatak
10:01niya ito
10:01paatras at tuluyang lumayo.
10:04Nangyari yan
10:04bandang alas tres
10:05na madaling araw
10:06nitong lunes
10:07sa gilid lang
10:08ng bahay
10:08ng may-ari ng motorsiklo.
10:10Ang suspect,
10:11kapit-bahay ng biktima.
10:13Arestado ang suspect
10:14sa bayan ng Balagtas
10:15kung saan ibibenta niya
10:17sana ang motorsiklo.
10:19Arestado rin
10:19ang lalaking
10:20pagbebentahan umano.
10:22Maliban dun sa motor
10:23na kanyang ninakaw,
10:25mayroon pa kami
10:25apat na motorsiklong
10:27na-recover.
10:28Bagong lipat umano
10:29ang suspect
10:29sa barangay Bulihan
10:30ng maganapang krimen.
10:32Nagsisisi
10:33ang dalawang suspect
10:34na nagawa
10:35umano ang krimen
10:35dahil sa panguudyok
10:37ng barkada.
10:38Nahaharap sila
10:39sa reklamong carnapping.
10:41Para sa GMA Integrated News,
10:43ako si Cona Kino
10:44ang inyong saksi.
10:46Bawas presyo sa petrolyo
10:48at nagdagpasahe
10:49sa tradisyonal
10:50at modern jeep
10:51ang ilan sa panawagan
10:52ng mga nagtigilpasada
10:53na transport group.
10:54Maraming pasahero
10:55ang nahirapang sumakay,
10:57may mga nalate
10:58at meron ding
10:58nadagdaga ng gastos
11:00sa pamasahe.
11:01Saksi si Joseph Moro.
11:09Sa hirap sumakay,
11:10unahan ang mga pasahero
11:11sa tuloy na dumalating
11:12na jeep
11:13sa bahagi nito
11:14ng Pasig City.
11:15Ang ibang walang masakyan,
11:16naglakad na lamang.
11:35Sa libreng sakay na lamang
11:37ng City Hall
11:38umasa ang mga apektadong
11:39pasahero.
11:40Yun nga lamang
11:41pinupuno ito
11:42bago lumarga.
11:42Late na nga po eh,
11:44hakaga ko pa dito
11:45tapos ganto po yung
11:46ganito lang po yung
11:47alternate na nila.
11:49Sa Paranaque,
11:50napilitan na mag-UV Express
11:52ng iba kahit
11:53mas mahal ang pamasahe.
11:54Kahit na pa ng pagsakay
11:56ngayong araw
11:56dito sa tiging pasada
11:58ng mga transport group
12:00gaya ng manibela.
12:01Iba pa!
12:02Iba pa!
12:03Resulta ng marit!
12:04Iba pa!
12:07Bilang pakikaisa
12:08na kibusina
12:09ang ilang motorista.
12:10Ilan sa panawagan
12:12na mga transport group
12:13ay ibaba yung presyo
12:14ng produktong petrolyo
12:15at ipatupad sana
12:16yung binawi
12:17o kinansila
12:18na dagdag pisong
12:19pamasahe
12:20para sa mga
12:20tradisyonal na jeepney
12:22at dalawang piso
12:23para sa mga
12:24motor jeep.
12:25Limos na lang
12:26binawi nyo pa.
12:28Bakihati naman kayo
12:29sa responsibilidad
12:30sa bigat
12:32ng presyo
12:34ng mga produktong petrolyo.
12:35Paano naman po
12:36kaming mga minimum
12:37wage earner
12:38kung maghihingi sila
12:39ng konting dagdag
12:40paano naman po
12:41yung ibang tao
12:42na konti lang din po
12:43yung pamasahe
12:44o sakto lang
12:45yung pamasahe nila.
12:46Panawagan ng manibela
12:47silipin din sana
12:48ang bentahan
12:49ng mga oil company
12:50at gamitin
12:51ng emergency powers
12:52para suspendiin
12:53o bawasan
12:54ng excise tax
12:55sa mga inaangkat
12:56na petrolyo.
12:57Kailan ito
12:58ipatutupad?
12:59Pang-apat na linggo
13:00na mahigit
13:02120%
13:03ang itinaas
13:04kumpara
13:05sa mga
13:06karatig bansa
13:07natin
13:08na kung saan
13:09ay naglalaro
13:11lamang
13:11sa 55 pesos
13:13hanggang 60 pesos
13:14ang presyo nito
13:15sa mga kalapit
13:16bansa natin.
13:19Ang ibang transport
13:20group sa
13:21Cobaw naman
13:21nagprotesta.
13:22Yung sinasabi nilang
13:23ayuda ay halos
13:24one and a half days lang
13:25na gagamitin
13:27ng ating mga driver
13:28at mga operator.
13:28Kailangan magkaroon
13:29ng mahabang
13:30solusyon
13:31ang gobyerno.
13:32Nagbigay support
13:33sa kanila
13:34ang grupo
13:34ng commuters.
13:36Napaka-bandaid
13:36solusyon
13:37o nung ayuda.
13:38Ang binabayaran
13:38na ngayon natin
13:39sa VAT
13:39at excise tax
13:4021 pesos
13:41per liter
13:42sa diesel.
13:43Ibig sabihin daily
13:44kung kumukonsume
13:45ang super
13:46ng 30 liters
13:47a day
13:47nasa halos
13:48kapantay na
13:49ng minimum wage
13:50yung binabayaran
13:51natin sa VAT
13:51at excise tax.
13:52Ang isa na gawang
13:53Tigil Pasada
13:54pero isyo raw
13:55ang dulot
13:55ayon sa LTFRB.
13:56Malaki na ang problema
13:57ng transport sector
13:59dahil sa taas
14:00ang presyo
14:00ng krudo
14:01kung saan na po
14:03nagbabawas
14:03ng biyaki
14:04ang ating mga
14:06pampublikong
14:06sasakyan.
14:07Tapos
14:08nadagdala po pa
14:09ng Tigil Pasada
14:10so it does not
14:10help anybody.
14:11Nagkikipag-ugnayan
14:12na raw sila
14:13sa mga bus company
14:14para magdagdag
14:15ng biyahe.
14:16Pinag-aaralan na rin
14:17ang nila
14:17ang dalawang klase
14:18ng service contracting.
14:20Sa unang modelo
14:21makikinabang pareho
14:22ang mga pasahero
14:23at shopper
14:23dahil hindi na sila
14:24ang sasalo
14:25sa gastos sa diesel
14:26tulad sa Quezon City
14:27kung saan
14:28ang mga Q-City buses
14:29na may tsak
14:30ng sahod
14:30ng mga driver.
14:32Ang Pasig LGU
14:33naman bumili
14:34ng mga electric vehicle
14:35para gamitin
14:36sa libreng sakay.
14:37Ang ikalawang modelo
14:38naman
14:38ng net service contracting
14:40ang mas pinapapura
14:41ng LTFRB.
14:42Dito may babayaran
14:44ng mga pasahero
14:44pero discounted.
14:46Sisigil pa rin
14:46yung ating mga driver
14:47at operator
14:48at a discounted price.
14:51Tapos dadagdagad
14:52ang ating gobyerno
14:53para di naman sila
14:54paluki.
14:55Hihingi na ang LTFRB
14:56ng budget
14:57para mapondohan
14:58ang service contracting
14:59pati na ang dagdag
15:00na pondo
15:01para sa fuel subsidy.
15:03Para sa GMA Integrated News,
15:04ako si Joseph Morong
15:05ang inyong saksi.
15:08Mga kapuso,
15:10maging una sa saksi.
15:11Mag-subscribe sa GMA Integrated News
15:13sa YouTube
15:13para sa ibat-ibang balita.
Comments

Recommended