00:00Mga kapuso, nagbabalik po ang bayanihan sa pamamagitan ng community pantry na umusbong noong pandemia.
00:07Ngayon po, muli po itong binuksan para umagapay sa mga chopper na lubahang apektado ng mataas na presyo ng petrolyo.
00:14Saksi si Jamie Santos.
00:20Sa bawat pag-arangkada, kasabay na rin ang pagtaas ng presyo ng petrolyo ang pangamba ng mga driver ng tricycle
00:27at jeep.
00:27Kung may maiuwi pa ba silang sapat para sa pamilya.
00:31Pero sa gitna ng krisis, umiira lang bayanihan.
00:35Sa San Nicolás, Pasig City, isang community pantry ang binuksan para magbigay ng libring gulay sa mga apektadong sektor.
00:43Hindi man ito ang solusyon sa mas malaking suliranin, kahit paano'y nakababawa sa alalahanin ng mga chopper.
00:50Ito po yung pakikiisa namin sa laban ng mga jeepney drivers, tricycle drivers na silang una nagihirap ngayon.
00:57Naniniwala kami na yung laban ng mga chopper ay laban din aming mga commuters.
01:02Panahon pa ng pandemya nang simulan ng konsepto ng community pantry.
01:06Ngayon, sa panibagong krisis, muling pinapagana ang diwan ng pagtutulungan.
01:11Dito, maaring makakuha ng ilang libring gulay.
01:15Sapat para sa isang simpleng hapag, para sa mga pamilyang umaasa sa arawang pasada.
01:21Ito po ay effort po ng buong community.
01:23So kagabi, mag-uusap lang kami ng tutuon niya ng mami ko.
01:27Pati yung mga kasama naming volunteers, mga nanay din dito sa barangay sa Nicolás.
01:32At napag-isipan namin na buksan namin para kahit pa paano,
01:38makapagbigay kami po ng tulong sa mga chopper dito sa aming lugar.
01:44Ayon sa ilang driver na nakausap namin, tila kahati na ng kanilang budget sa pamilya ang gasolina
01:50dahil malaking bahagi ng kanilang kita ang napupunta rito.
01:54May mga araw pa raw na mas malaki ang gasto sa gasolina kaysa sa kinikita.
01:59Napektuan na rin yung araw-araw na kita namin eh.
02:04Kahati na namin sa kita.
02:07Kaya ang biyahe namin tiyaga-tiyaga lang.
02:11Dati magpag-asak ko yung mababa pa, mga 250, 200 lang.
02:18Ngayon 500, 400.
02:20Sobrang bigat na kasi alas di na namin hinikita yung dapat kitain namin sa gasolina eh.
02:27Alaki na doble na ng gasolina eh.
02:30Kaya ganun na pong kahirap ngayon.
02:35Binuksan din ang community pantry sa pila ng tricycle sa maginhawa street sa Teacher's Village sa Quezon City.
02:42Sa gitna ng tulituloy na oil price hike, dulot ng kaguluhan sa Middle East,
02:47nagsisilbing sandigan ng ganitong inisyatibo para sa mga choper at rider na halos wala nang mahugot na kita.
02:53Malaking ginhawa rin ito sa araw-araw na pangangailangan.
02:57At paalala na sa panahon ng krisis, patuloy pa rin ang malasakit sa kapwa.
03:03Malabili yun, lalo na gulay.
03:06Kaya laking bagay din, laking tulong.
03:09Ibilin na lang ang rekado.
03:11Malaking tulong kasi kaya paano nabawasan yung gastusin.
03:15Para sa GMA Integrated News, Jamie Santos ang inyong saksi.
03:20Mga kapuso, maging una sa saksi.
03:23Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.
Comments