00:00Patuloy ang pagbaba ng crime rates sa Metro Manila, batay rin ito sa mga datos na iprinisenta sa Joint Metro
00:06Manila Council and Regional Development Council meeting.
00:09Nauna ang Taguig City sa may pinakamababang index crime cases na naitala lamang sa 30 para sa unang quarter ng
00:172026.
00:19Mas mababa ito kung ikukumpara sa 92 cases sa kaparehong quarter noong nakaraang taon.
00:25Ayon kay Taguig Police Chief Julius Año Nuevo, resulta ito ng pinaiting na on-the-ground enforcement at pinalakas na
00:32koordinasyon.
00:33Kabilang dito ang kampanya kontra iligal na droga, illegal gambling at manhunt sa mga wanted na indibidwal.
00:40Malaking bagay din daw ang suporta ng LGU sa pamagitan ni Mayor Lani Cayetano maging ng kampanya kontra loose firearms.
Comments