00:00Napagkasundoan ng MMDA at LTFRB na bumuo ng guidelines sa implementasyon ng carpooling sa Metro Manila.
00:08Sa sulat ni MMDA Chairman Don Artes kay LTFRB Chairman Vigor Mendoza II,
00:14imunungkahin niya ang pag-adopt sa company-based carpooling or shuttle services.
00:19Ang hakbang aniang ito ay tugon sa pagtitipid ng enerhiya ng bansa,
00:24bunsod ng nagtataasang presyo ng langis.
00:27Matutulungan din ito ang mga manggagawa na makatipid sa pamasahe, papunta at pauwi ng trabaho.
00:33Kayon din ay makakatipid din sa paggamit ng gasolina.
00:37Samantala, kasamang papayagan na rin gamitin ang privately owned vehicles na bilang shuttle service.
00:44Dahil dito, hindi lang isang pasahero ang nakasakay sa isang sasakyan,
00:48kundi pupunuin ito base sa seating capacity.
00:53Tinitingnan natin kung ano ang pinaka-the best para sa interest ng ating mga kababayan
00:58na gusto nang mag-save ng gasolina
01:02and at the same time, hindi naman makompromiso ang kanilang comfort at ang kanilang convenience sa pagbebyahe.
01:09Tinitingnan namin, mini buses, shuttle buses, mga vans,
01:14at saka mga high occupancy vehicles ang tinatarget natin na gamitin sa carpooling.
01:18Tinitingnan naminish ed ona maыл k Amanda
01:18Padaw
Comments