Skip to playerSkip to main content
  • 11 hours ago
Kadiwa sites, patuloy sa pagbibigay ng serbisyo sa ating mga kababayan na nais makatipid sa bilihin; P20/kg na bigas, pinipilahan | ulat ni JM Thompson

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sa kabila ng posibleng efekto ng kaguluhan sa Middle East sa presyo ng pagkain,
00:06nananatili pa rin abot kaya ang mga produktong ibinibenta sa kadiwa ng Pangulo sites
00:12na talaga namang tinatangkilik at sinusulit ng ating mga kababayan.
00:16Ang presyuhan doon, alamin natin sa sentro ng balita ni J.M. Thompson.
00:24Buhay na buhay pa rin ang espiritu ng pagtutulungan nating mga Pilipino,
00:28lalo na sa panahon ng nararanasang pagsubok.
00:31Ang 73 anyos na si Jake Villamante,
00:34alas dos pa lang noong madaling araw ay nakapila na sa kadiwa center sa Quezon City
00:39para lang makasiguro na aabot siya sa supply ng 20 pesos na bigas kada kilo.
00:44Last Thursday a week ago, dumati ako ng 6.45, 9.30 naubusan na ako eh.
00:51Sabi pa ng senior citizen, ang nabibili niyang bigas ay hindi lamang para sa kanya.
00:55Mahal ang bigas, so it's practical na bumili ka ng 20.
00:59And since nag-iisa lang naman ako, yung alatin ng 30 kilos a month,
01:05sinishare ko rin doon sa mga indigent na since I'm a missionary pastor.
01:09Tuloy-tuloy ang pagpapalawig ng kadiwa ng Pangulo program na may 627 na sa kasalukuyan.
01:15Layo nitong agarang masolusyonan ang tumataas na presyo ng ilang bilihin sa merkado.
01:21Dito sa kadiwa center sa Bureau of Animal Industry, Visayas Avenue, Deleman, Quezon City,
01:27walang patid ang pagpunta ng ilan nating mga kababayan para bumili sa kadiwa store.
01:32Si Salvador Valdez, laking pasasalamat sa programa.
01:36Malaking tulong daw ito sa gaya nilang kapos sa budget.
01:3920 pesos per kilo.
01:41So makakabili ka ng 3 kilo dito sa labas sa 1 kilo lang.
01:45So napakalaking diferensya, diba?
01:47Pero si Eduardo Barlaan, stroke survivor.
01:51Ang natitipid niya sa pagbili ng murang bigas ay inilalaan niya sa kanyang maintenance medicine.
01:56Kaya naman, pinipilit niyang makabili.
01:59Wala akong kasama sa bahay, kaya ako lang mag-isang pumila rito.
02:04Nagpapatulong naman daw si Tatay Eduardo sa mga tao roon para maisakay ang kanyang biniling bigas sa kanyang tricycle.
02:11Samantala, pagdating sa loob, maayos naman ang proseso.
02:16Ine-encode ang bawat isa kung ilan pa ang available na kilo ng bigas kada tao.
02:21Ayon dito sa mga namimili, pinapayagan sila na makabili ng 5 hanggang 10 kilo ng bigas kada araw.
02:28Pero limitado sa 30 kilos kada buwan ng isang tao para lahat ay makabili.
02:34Nagpapasalamat naman si Flory sa programang ito, pero meron siyang isang hiling.
02:39Sobrang saya po namin, sobrang tulong na ginawa sa atin ng ating gobyerno na makabili kami ng murang bigas na
02:46halagang 20 pesos.
02:48Sana naman sa susunod na pagkakataon na meron pa ito, sana naman po higit niyo panggandahan para yung aming proseso.
03:00Nananatili namang sapat ang supply ng bigas na ibinibenta na nagkakahalaga ng 20 pesos kada kilo.
03:07Pagsisiguro yan ng National Food Authority o NFA.
03:10Tuloy-tuloy rin ngayong araw ang mga kadiwa store sa iba't ibang outlet sa Las Piñas City, Paranaque City, City
03:18of Manila at Valenzuela City.
03:20J.M. Thompson para sa Pambansan TV sa Bagong Pilipinas.
Comments

Recommended