00:00Samantala, Department of Economy, Planning and Development, inilatag ang medium-term plan para tugunan ang epekto ng sigalot sa Middle
00:09East.
00:10Isa namang eksperto, may payo sa mga Pilipino para makatipid sa harap ng mahal na presyo ng petrolyo.
00:17Si Bea de Guzman ng Radio Pilipinas World Service sa Sentro ng Balita.
00:24Bukod sa short-term plan, ang pamahalaan nilalatag na rin ng Department of Economy, Planning and Development o DepDev,
00:31ang medium-term plan para tugunan ang suliranin sa enerhiya at tumataas na presyo ng krudo o bunsod ng kaguluhan
00:38sa Middle East.
00:39Kasunod ito ng pagdeklara ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng State of National Energy Emergency.
00:45Sa panayam ng Radio Pilipinas World Service, sinabi ni DepDev Undersecretary Rose Marie Edelion na kabila sa medium-term action
00:53plans,
00:54ang bawasan ang pagdepende ng Pilipinas sa inaangkat na produktong petrolyo at pag-diversify ng energy sources.
01:02Drivers of growth pa nga ito dahil we will be introducing, inducing actually, yung establishment of a new growth driver.
01:10Let's say, magdawa tayo ng energy system around renewable energy, marami tayong ma-trade, magkaroon tayo ng manufacturing around RE.
01:22Ito tawag nga namin silver lining ito kasi ma-accelerate yung mga ganong klaseng plano natin.
01:28Ang isang ekonomista naman nagbigay ng mga suhesyon sa mga Pilipino para makatipid dahil sa posibleng efekto ng pagtaas ng
01:36presyo ng mga produktong petrolyo.
01:38Kabilang narito ang tamang pagpaplano sa biyahe gaya ng pagbibisikleta o paglalakad kung malapit lamang ang pupuntahan.
01:46Plan your spending accordingly because the effect of this shock is to diminish our purchasing power.
01:55If you can buy so much then, you will be able to buy so little now as a result of
02:00the shock.
02:00So which means that we have to carefully plan our spending.
02:05Una ng nagpatupad ng agarang interbensyon ang pamahalaan bilang tugon sa epekto ng tumataas na presyo ng krudo at mga
02:12bilihin.
02:13Sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. mayroong fuel subsidy para sa mga tricycle driver, magsasaka at manging isda.
02:21Para sa Integrated State Media, Bea Gaza de Guzman, Radyo Pilipinas, Radyo Publiko.
Comments