00:00May distinct possibility o hindi raw malayong mangyari na pagbawalan ng pagbiyahe ng ilang aeroplano sa gitna ng gulo sa
00:05Middle East ayon kay Pangulong Bongbong Marcos sa isang panayam.
00:09Dahil yan, sa kakulangan ng supply ng jet fuel dulot ng gyera sa pagitan ng Iran at nagsanig puwersang Amerika
00:15at Israel.
00:16Sabi ni Pangulong Marcos, nagsabi na ang ilang bansa na hindi nila kayang mag-refuel ng aircraft,
00:21kaya mapipilitan ng mga aeroplanong bumibiyahe na magkarga ng jet fuel na sapat para sa paglabas at pagbalik sa bansa.
00:28Umaasa naman daw si Pangulong Marcos na hindi ito mangyari.
00:32Nagsabi na ang Philippine Airlines na may sapat silang supply ng jet fuel, kabilang ang para sa mga pangmahabang biyahe.
00:38Susubukan pa namin kuna ng panig ng iba pang airlines sa bansa at ng Civil Aviation Authority of the Philippines.