Skip to playerSkip to main content
The Department of Transportation has begun to roll out fuel subsidies for drivers and operators of public utility vehicles. President Bongbong Marcos led the distribution for bus operators and drivers in the Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).


Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Simula na po na ang pamamahagi ng fuel subsidy ng Department of Transportation para sa mga pampublikong sasakyan.
00:06Si Pangulong Marcos ang nanguna sa pamamahagi ng 10,000 pisong fuel subsidy kada unit para sa mga bus operator.
00:13At inanunsyo rin ang DOTR ang pisong Roro Terminal Fee para sa mga sasakyan magahatid ng produktong pangagrikultura.
00:21Saksi si Joseph Moro.
00:26Halos 30 operator ng bus ang nakatanggap ng fuel subsidy sa Paranaque Integrated Terminal Exchange o FITEX kanina.
00:3410,000 piso kada unit ng ayuda na ipinamahagi sa pangunan ni Pangulong Bongbong Marcos.
00:39Hindi lamang dito sa Metro Manila pero all over the country na ito.
00:43Malaking tulong po ito sa pang-araw-araw po namin na operasyon, pambili ng krudo, mga spare parts, pangsahod ng
00:51mga tao.
00:53At iba pa.
00:54Ayon sa Department of Transportation, mahigit 21,000 unit ang saklaw ng fuel subsidy sa gitna ng walang prenong oil
01:01price hike.
01:02May hiwalay na 5,000 pisong ayuda para sa mga chupere.
01:06Ganyan din ang ayuda para sa mga P2P operator at driver.
01:10Mas mababa naman ang ayuda para sa mga operator ng minibus at school service.
01:152,000 piso naman kada unit ang ayuda para sa mga taxi operator.
01:195,000 piso para sa mga driver.
01:21Sa mga tradisyonal na jeep, may ayudang 5,000 piso kada unit ang mga operator.
01:271,500 piso naman para sa mga chupere.
01:3010,000 piso naman para sa mga operator ng modern jeepney at 1,500 piso din sa driver.
01:36May matatanggap ding fuel subsidy ang mga operator at driver ng TNVS at UV Express.
01:42Pagkatapos naman ng Holy Week, mabibigyan ang mga driver ng tricycle at delivery service.
01:47Hiwalay pa ito sa mga ayuda ang natanggap na ng ilang sektor mula sa DSWD.
01:52Ipadadaan sa fuel cards, bank transfer, e-wallet o di kaya cash o cheque ang ayuda ang pinunduhan ng 2
01:58.5 billion pesos para sa mahigit 200,000 driver beneficiary.
02:03Hindi naman kasama sa mga bibigyan ng mga konduktor na posibleng ipakausap na lamang sa DSWD.
02:08Yung mga konduktor, syempre, masasabi din po natin na sila'y individuals in crisis situation.
02:16Maglalambing po tayo kay Secretary Rex. Kunti lang naman ito yata, sir.
02:20Of course, pag in-endorse nila and they are in crisis, agad-agad natutulong ang Departamento.
02:29Inanunsyo rin ang DOTR ang pisong terminal fee sa mga roro para sa mga sakyan na nagkakarga ng produktong pangagrikultura
02:36gaya ng bigas, mais, prutas, gulay, isda at karne.
02:40Sa ngayon, umaabot yan ng hanggang 516 pesos depende sa sasakyan.
02:45Epektibo ang pisong terminal fee simula April 15 at atagal ng 6 na buwan.
02:51Babawasan din ang Civil Aviation Authority of the Philippines ang kanilang passenger service charge at airline aeronautical fees sa mga
02:58paliparan sa buong bansa simula April 1.
03:01For example, kung ang ticket po ninyo ay 2,000, but because of the reduction of the terminal fee, makakaasa
03:08po kayo na ang ticket nyo ay papalo na lang ng 1,8.
03:12Sa gitna yan ang panibagong round ng mega oil price hike ngayong linggo.
03:16Batay sa datos ng Department of Energy, dumoble na ang presyo ng diesel ngayon kumpara noong magsimula ang taon.
03:22Ang hirap talaga.
03:24Hirap talagang kita talaga.
03:26Pawawa talaga.
03:27Pag hindi ka magjaga kahit papano.
03:30Wala pang bilhin ng bigas.
03:32Ayon sa Department of Energy, paparating ngayong linggo ang dagdag na 1,000,000 litro ng langis.
03:37400,000 na litro galing sa isang bansa sa Southeast Asia at 600,000 litres galing sa labas ng Southeast
03:43Asia.
03:44Nag-dag ito sa kasalukuyang supply na pang-45 araw at patuloy raw ang pakipag-ugnayan ng Pilipinas sa South
03:50Korea, India, Japan at maging sa China para tuloy-tuloy ang supply ng langis.
03:55We have been assured these countries on the consistency of their supply.
03:59That is given that the situation is...
04:02We have to understand also their situation.
04:05But so far, how it is today, they've assured us that the deliveries of our orders.
04:13Kung gaano tatagal ang supply, nakadepende sa lakas ng konsumo ng publiko.
04:17Ang pinangambahan ng mga eksperto...
04:20Worst case scenario, eventually, baka magka-problema rin tayo sa supply at kailangan ng mag-rationing.
04:25Kasi ang sinabi ng Department of Energy, ang supply natin ng langis is just between 45 to 60 days.
04:321973, oil crisis, nag-oil rationing ho ang Pilipinas.
04:36Kaya naman ang presidente ay bumuo ng Oil Crisis Committee na kailangan na talagang i-convene.
04:41Ang iniiwasan ng Department of Energy at ng gobyerno ay ma-zero ang supply natin ng langis sa kalagitnaan ng
04:48Mayo.
04:48Bagay na hindi naman daw nila inaasahang mangyayari.
04:52Nakikipag-usap na rin ang DOE at Department of Trade and Industry o DTI kung sakaling lumala pa ang tensyon
04:57para malaman na kung sino ang bibigang prioridad kung sakasakali.
05:01Transport talaga because that's in like a majority, most Filipinos use public transport.
05:08And we have to make sure that that's running whether it's sea, air or land transportation.
05:15Para sa GMA Integrated News, ako si Joseph Morong ang inyong saksi.
Comments

Recommended