00:00Kahit nagagamot, pangwalo pa rin sa mga pinaka-nakamamatay na sakitang tuberculosis sa Pilipinas.
00:06Marami kasing ayaw magpa-screening at magpagamot.
00:10Nagbabalik si Mark Salazar.
00:15Sa Rizal Medical Center sa Pasig, araw-araw daw full-packed ang kanilang tuberculosis ward.
00:21Sa lagay na ito, naniniwala silang marami pang hindi nadadiagnose.
00:26May mga pasyente kasi silang nalaman lang may TB dahil nadadiagnose muna sa kakambal na sakit.
00:32When we diagnose a patient with HIV, usually siniscreen din namin for TB.
00:37So there's no really direct correlation but it's just that siguro tumataas kasi yung testing natin of HIV.
00:46That's why the TB na meron din yung mga HIV patients is mas madaling na didiscover.
00:53At the same time, if a patient is diagnosed with TB, siniscreen din dapat for HIV.
00:59Ang respiratory tuberculosis ang pangwalong pinaka-nakamamatay na sakit na pumapatay sa mga Pilipino.
01:06Taon-taon tinatayang mahigit 700,000 ang nahahawa sa sakit at 37,000 ang namamatay.
01:13Ang nakababahala, kalimitan bago madiskubre ang TB infection ng pasyente,
01:18nakapagkalat na siya ng sakit sa mga taong malalapit sa kanya.
01:22Hindi ka tulad ng yung mga ibang respiratory infections like COVID o kaya ng flu.
01:28Pag nahawa ka, maya-maya lang, ilang araw lang, one, two days, three days,
01:32meron ka ng kagad na simptomas.
01:35Itong TB kasi it takes time, matagalan bago mo maramdaman talaga yung mga simptomas.
01:43Maaring nahawa ka mga several years ago, tapos makikita lang sa x-ray siguro pagkalipas pa ng mga liman taon,
01:51maybe even more.
01:53Kalimitang presentasyon ng TB ang ubo, pamamayat at palaging hinahapo.
01:58By the time na makaramdam ka na nahirapan kang huminga, medyo malala na yun.
02:04Ibig sabihin, malaking porsyon na nang baga natin ang nasira ng tuberculosis.
02:10At yung sinasabi natin na lagnat, ano din yan, mas advanced na yung stage ng TB mo.
02:18Pero nagagamot pa rin ang TB kahit sa ano pang stage nito.
02:22Ang problema, maraming ayaw na nga raw magpa-screen, ayaw din magamot.
02:27Kung hindi ka nagagamot and may TB ka, chances are your household contacts,
02:35yung asawa mo, yung anak mo, yung magulang mo, kung kasama mo yun sa bahay, madali mo na silang mahakawaan.
02:42Ngayong World TB Day, pinaalalahanan ng DOH ang publiko na huwag deadmahin ng TB.
02:48Libre naman daw sa gobyerno ang TB screening at gamutan sa mga TB dots.
02:53Pero ibang usapan pa kung accessible ba ito sa lahat.
02:56Ang maganda talaga ay gawin talaga palakasin natin yung healthcare system natin.
03:02Kung saan, yung mga kababayan natin, hindi sila parang mag-aalala, matatakot sa pagpapakonsulta kasi may gagastosin sila.
03:11Para sa GMA Integrated News, Mark Salazar, nakatutok 24 oras.
03:18PIN KAMURA
03:19PIN KAMURA
03:20PIN KAMURA
Comments