Skip to playerSkip to main content
Dahil inaasahang titindi pa ang damang init, nagpaalala ang mga eksperto sa kung paano makaka-iwas sa heat stroke at ibang usong sakit tuwing tag-init.
Nakatutok si Mark Salazar.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Dahil inaasahang titindi pa ang damang init,
00:03nagpaalala ang mga eksperto sa kung paano makakaiwas sa heat stroke
00:08at ibang usong sakit tuwing tag-init.
00:10At nakatutok si Mark Salazar.
00:14Goodbye na muna sa mga damit na panlamig.
00:18Idiniklara na kasi ng pag-asa ang pagsisimula ng tag-init
00:22sa Abrilang Peak o ang pinakamainit na panahon na tatagal hanggang Mayo.
00:27Ano yung ating inaasahang temperatura para sa Kalakhang, Maynila
00:31sa buwan ng Abril at Mayo?
00:33Sa April 2026, yung ating forecast ranges for maximum temperature
00:40are 35 to 39 degrees Celsius sa buwan ng Abril
00:44at sa buwan ng Mayo ay 35.5 up to 37.6 degrees Celsius.
00:51Samantalang sa minimum temperature natin sa Kalakhang, Maynila
00:54ay posibleng makaranas ng 20.8 degrees Celsius hanggang 25.9 degrees Celsius
01:01at sa buwan ng Mayo, 22.1 degrees Celsius hanggang 26.6 degrees Celsius.
01:08Mas matinding araw ang mararamdamang init sa Hilagang Luzon.
01:11Inaasahan natin sa Northern Luzon,
01:14posibleng umabot ito ng 40.5 degrees Celsius
01:17at ganun din sa Mayo na posibleng sumobra o lumabis sa 40 degrees Celsius.
01:24Gayong tag-init, muling pinag-iingat ang publiko.
01:27Contra heat cramps, heat exhaustion at heat stroke.
01:31Ayon sa isang cardiologist, dapat mag-ingat ang mga mainiindang kondisyon
01:36gaya ng sakit sa puso, sakit sa kidney o bato.
01:39May history ng stroke at iba pang kondisyong medikal.
01:42Gayon din ang mga maliliit na bata at mga nakatatanda.
01:46Yung mga pediatric, yung hindi kayang uminom on their own.
01:49Like mga less than 3 years old.
01:51Yung very elderly, lalo na yung may mga demensya.
01:55Hindi rin nila masyadong nare-recognize yung dehydration.
01:58Kung sakaling makaranas daw ng heat cramps o heat exhaustion,
02:03ang unang gagawin, uminom ng tubig.
02:05Baka yung damit, sobrang kapal ng damit na suot,
02:08magtanggal ng mga excess floatings.
02:10Pwede rin pong maglagay ng mga ice packs sa kilikili, sa singit,
02:15dito sa may bandalik, para mawala yung exhaustion.
02:19Mas malala naman daw ang heat stroke na ang unang sintomas ay ang matinding pagkauhaw.
02:25So other symptoms ay pulang-pula, parang flushed yung skin mo.
02:30Yung balat, sobrang init.
02:32Pag dehydrated, parang pag pininch mo yung skin mo, hindi agad bumabalik.
02:36Tapos yung labi, tuyong-tuyo. Yung dila, tuyot-tuyot na tuyok.
02:41May mga tao raw na nagkakaroon ng seizure o nagkukumbulsyon at nawawala ng malay.
02:47Mahalaga raw na huwag silang paiinumin agad ng tubig.
02:50Kung tulog o talagang nagkumbulsyon, huwag i-attempt na painumin kasi baka mabulunan.
02:57Yung next na pwedeng gawin, ganun din po, tanggalin yung excessive clothing or maglagay ng basang mga towel, ice packs,
03:04ganun din.
03:04Sa singit, sa kilikili, kaya sa leig.
03:08Para naman sa mga nagko-commute.
03:10Kasi ang goal natin mapababa yung core temperature.
03:12Halimbawa nasa commute or nasa travel, make sure na well-ventilated.
03:17Kung hindi man aircon yung sinakyan mo, buksan ang bintana.
03:21Para sa GMA Integrated News, Mark Salazar, nakatutok 24 oras.
Comments

Recommended