00:00Saglit bumaba ang presyo ng krudo sa world market pero nagmahal uli.
00:05Kasunod ito ng magkaibang pahayag ng Iran at US President Donald Trump.
00:09Ayon kay Trump, nagkaroon ng maayos na pag-uusap ang Amerika at Iran sa loob ng dalawang araw
00:16tungkol sa resolusyon sa gyera sa Middle East na magpapatuloy sa mga susunod na araw.
00:21Dahil dyan, bahagyang bumaba ang presyo ng krudo ng mas mababa na sa $100 kada barrel.
00:28Pero pinabulaanan ng Iran ang pahayag ni Trump.
00:31Walaan nilang pag-uusap nila at ng Amerika.
00:34Tinawag ng Parliament Speaker ng Iran na fake news ang sinabi ni Trump
00:39na ginagamit umano para mamanipula ang oil market.
00:43Kasunod yan ay muling lumagpas ang presyo ng krudo sa $100 per barrel.
Comments