00:00Ibinasura ng Korte Suprema ang petisyong kumikustyon kung legal ba ang Executive Order 94 na bumuo sa Independent Commission for Infrastructure o ICI.
00:10Sa desisyon, sinabi ng Supreme Court na hindi naabot ng petisyon ang basic requirement o batayan para magsagawa ng judicial review.
00:17Hindi daw kasi naipakita ng petitioners na mayroong nalabag na karapatan o nakasama sa kanila ang EO 94.
00:23Hindi rin daw nasunod ang Hierarchy of Courts Doctrine dahil direkta itong inihain sa Supreme Court.
00:29Sabi ng Korte Suprema, pagamat pinapayagan sa mga pambihirang kaso ang direkta ang pagdulog sa kanila,
00:34wala raw na ibigay ng mahusay na dahilan ng mga petitioner kung bakit hindi sila dumaan sa lower courts.
00:40Matatandaang sa ibinasurang petisyon, ikinatwiran ng mga petitioner na sinaklaw ng EO 94,
00:46ang kapangyarihan ng Kongreso ng Office of the Ombudsman at ng Commission on Audit sa pag-iimbestigan nito sa mga manumalyang flood control projects ng gobyerno.
Comments