00:00Samantala, inilatag ng mga ahensya ng pamahalaan sa Senado ang mga hakbang para matugunan ang epekto ng krisis sa Middle
00:08East.
00:09Ito ay sa pag-arangkada ng pagdinig na itinatag na kumite na layong bumuo ng kongkretong hakbang sa mga hamon
00:16na tatama sa bansa.
00:18Si Louisa Erispe, sa Sentro ng Balita, live.
00:24Trixie, nagsimula na nga ang Protect Committee dito sa Senado na talakayin kung ano ang mga magiging kongkretong plano ng
00:31gobyerno sakaling tumagal pa ang sigalot dito sa Middle East.
00:35Pero tiniyak naman ang mga ahensya ng pamahalaan na magiging tuloy-tuloy ang pag-aasikaso sa mga OFW na apektado
00:42ng sigalot, pati na rin ang paghahanap ng supply ng langis para sa bansa.
00:48Sa pagdinig, unang tiniyak ng Department of Migrant Workers patuloy ang pag-proseso ng repatriation sa mga Pilipino sa mga
00:56bansang apektado ng sigalot sa Middle East.
00:59Sa tala ng DMW, umabot na sa higit dalawang libong Pilipino ang naproseso ang repatriation at 1,837 naman ang
01:09sinagot ng gobyerno ang tiket pa uwi ng bansa.
01:13Meron po tayo ngayong mga ilang repatriation requests na na naproses.
01:23Sa kabuan, mga 2,630 ang natulungan natin in one way or another, pre or post-repatriation assistance.
01:33Of this number, 1,837 nabigyan ng government-funded tickets.
01:39Yung 1,837 are mainly covered by the charter flights.
01:49Kahit naman ang mga Pilipinong nasa Middle East pa rin at hindi pahandang umuwi sa bansa, nagbibigay din ang tulong
01:55medikal ang DMW.
01:57Sa kabuan, 16,660 na ang natulungan Pilipino sa gitnang silangan.
02:02Ang Department of Foreign Affairs naman, bukod sa pagtulong ng mga embahada sa proseso ng repatriation,
02:09nakipagpulong na rin daw sa ASEAN para sa pagtiyak ng supply ng langis sa bansa.
02:16As chairman of ASEAN, I convened the ASEAN foreign ministers meeting twice.
02:22On March 4, an emergency meeting on March 13.
02:26On March 13, which is actually geared towards this issue of the petroleum needs of not only of each and
02:34of the whole of ASEAN,
02:36we touched on the very important aspect of what there was an energy ministers meeting held last December.
02:48And during that meeting, they came up with this ASEAN, which nabanggit niyo po, is the ASEAN framework on petroleum
02:57security or APSA.
03:00Pero tiniyak din naman ang Department of Energy sa ngayon, may sapat na supply ng langis.
03:06May 46 days pang buffer stock para sa diesel, may 53 days sa gasolina.
03:11Mayroon daw kasing deliveries na dumating sa Pilipinas mula China, Japan at South Korea
03:17at inaasahang may mga darating pa. Medyo mababa lang ang supply ay ang LPG.
03:25Pag tinignan niyo, medyo malapit na tayo sa tank tops ng diesel at gasoline.
03:32This takes into account yung nabili na, nasa dagat na at papunta na sa Pilipinas.
03:39Confirmed in transit orders.
03:42We talked to all of the ambassadors here to ensure that yung existing contracts, yung na-order na in place,
03:49ay wag pong tamaan ng any sort of export ban.
03:53And in fact, kaya medyo gumanda yung inventory, may deliveries na dumating from China, South Korea, Japan.
04:01Yung usual suppliers natin are still coming in.
04:05That's why yung pinakitang inventory is relatively high.
04:12Ayon naman kay Sen. Bam Aquino, isa rin sa pangamba ngayon ng publiko ay ang posibleng brownout
04:19dahil sa taas presyo ng langis.
04:21Pero tiniyak ng DOE, hindi mawawala ng kuryente ang bansa.
04:28May chance ba na dahil sa tumataas na presyo ng gasolina at diesel na magkaka-brownout tayo?
04:34Ang alam ko, hindi. Diba? Kasi magkaiba siya.
04:36Can you answer it on the record, please?
04:38Yan ang iniisip ng mga tao ngayon?
04:40Hindi po. Hindi po dahil sa oil crisis kung magkakaroon ng brownout sa inyo.
04:45Baka po, tatamaan yung wire pero hindi po dahil sa oil crisis.
04:49Okay, so we are assuring the public na itong krisis sa presyo ng diesel at gasolina
04:55hindi magdudulot ng malawakang brownout. Correct?
04:59As of now, no pa.
05:02Trixie, kanina ay napag-usapan nga ulit sa pagdinig ang panukalang batas
05:07na ipinasa dito sa Senado hinggil nga sa suspension sa excise tax.
05:11Matatandaan na ito ay napirmahan na ni Sen. President Vicente Soto the third kagabi
05:16at hinihintay na lang ang pirma mula sa Kamara.
05:19Pero pinag-uusapan kung kakailanganin din ba ng suspension o pagbawas
05:23sa VAT o value-added tax sa langis para nga maging mura
05:27yung singil ng gasolina o mga pump prices para sa ating mga consumer.
05:32Samantala kanina ay inilatag din naman, Trixie, ng Department of Agriculture
05:36ang posibleng magbibigay ng ayuda sa mga magsasaka, pati na rin manging isda.
05:42Inaasahan na sa April o sa unang linggo ng Abril
05:45ay mamamahagi na ng tulong na ang Department of Agriculture
05:49na sa higit 4 million na mga benepisyaryo.
05:53At pati na rin ang Department of Social Welfare and Development o DSWD
05:57ay kinakalap na rin ngayon ang listahan para naman sa mga choper
06:01na pwedeng bigyan ng ayuda sa labas ng Metro Manila
06:05dahil sa ngayon nga ay nasa Metro Manila pa lang
06:07ang mamamahagi ng ayuda o fuel subsidy para sa mga choper.
06:11At yan muna ang latest. Balik muna sa iyo, Trixie.
06:15Alright, maraming salamat, Luisa Erispe.
Comments