00:00Matapos ang rekomendasyon ng Bureau of Internal Revenue,
00:04inilabas ng Department of Finance ang bagong revenue regulations
00:07kung saan exempted na sa value-added tax
00:11ang indigenous natural gas at iba pang power generation
00:14na mula sa ating bansa.
00:16Ayon sa BIR, layo nitong lalong itulak at paunlarin
00:21ang industriya ng natural gas sa bansa
00:24alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcus Jr.
00:29Batay sa Philippine Natural Gas Industry Development Act,
00:32itataguyo din nito ang ligtas, efficient at murang enerhiya.
00:37Dahil dito, matatanggal na ang 12% VAT sa pagbebenta
00:42at pagbili ng locally sourced na gas at mga enerhiyang nalilikha nito.
00:47Kinakailangan din ang sertifikasyon mula sa DOE Oil Industry Management Bureau
00:52ang lahat ng kalahok kasama ang sertifikasyon ng dami at porsyento
00:58ng mga naibentang indigenous natural gas sa panahong may tax pa ito.
01:03Dagdag ng BIR, palalakasin pa nito ang pamumuhunan sa bansa,
01:08pabababain ang gasto sa enerhiya at suporta sa energy security ng bansa.
01:13Ang regulasyon ay magiging efektibo labing limang araw
01:17matapos itong mailathala sa official gazette at website ng BIR.
Comments