00:00Nakahanda na rin ang fuel subsidy na ipapamahagi ng Transportation Department para sa PV drivers at operators sa buong bansa.
00:09Sa katunayan, ang gagawing pamamahagi nito ay mas pinadali at moderno pa.
00:15Si Gavdel Llegas sa Sentro ng Balita.
00:20Magsisimula na rin mamahagi ang Department of Transportation ng fuel subsidy para sa mga driver at operator sa buong bansa
00:27na apektado ng nagpapatuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.
00:32Ayon kay Transportation Secretary Giovanni Lopez, aabot sa 2.5 billion pesos ang nakalaang pondo para sa programa.
00:39Higit 200,000 mga driver beneficiaries at higit 1 million POV unit operators ang inaasahang makikinabang sa programa.
00:46Kabilang dyan ang mga modern at traditional jeepney, taxi, TNVS, mga bus, P2P bus, school bus, field cab, UV express,
00:56tricycle at delivery services.
00:58Pinalawig na rin ang kagawaran ang pamamahagi ng ayuda para sa mga chopper at operator.
01:03Bukod sa fuel subsidy card, ibibigay na rin ang ayuda sa pamamagitan ng bank transfer pag transfer sa e-wallet
01:11account o di kaya ay sa pamamagitan ng cash o check payout.
01:14Sagot rin ng gobyerno ang bayad sa convenience fees upang buo na matanggap ng mga benepisyaryo ang tulong.
01:21Bakit po na pinalawig natin yung method of distribution?
01:26For the simple reason po na ayaw na din natin maabala ang ating mga operators at drivers.
01:32Ayaw din natin silang masyadong pumila at hindi tayo makagulo sa kanilang araw-araw na hanap buhay po.
01:40Samantala, magpapatuloy pa rin ang pamamahagi ng cash relief assistance sa ilalim ng assistance to individuals in crisis situation o
01:48AICs ng Department of Social Welfare and Development.
01:51Alinsunod sa utos ng ating Pangulo, Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., gusto niya na all of government na sabay-sabay
01:58na ho kaming gumagalaw.
01:59And this week, mag-sasabay na yung fuel subsidy na ibinibigay ng DOTR at yung cash relief assistance na galing
02:08sa Department of Social Welfare and Development.
02:10Ngayong araw, simula na ang pamamahagi ng payout ng DSWD para sa mga TNVS drivers.
02:17Bukas naman nakaschedule ang payout para sa mga jeepney drivers at sa Webas at Biyarnes naman para sa mga service
02:22at delivery riders at sa Sabado para sa mga motorcycle taxi drivers.
02:275,000 piso ang matatanggap na cash relief assistance ng mga POV drivers at isasagawa ang payout sa 17 lugar
02:35sa Metro Manila.
02:36Gabo Wilde Villegas para sa Pambansang TV sa Bago Pilipinas.
Comments