Skip to playerSkip to main content
  • 17 hours ago
Palasyo, tiniyak sa publiko na walang krisis sa langis ang bansa | ulat ni Cleizl Pardilla


For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Walang krisis sa langis, ayon po yan sa Malakinyang.
00:03Paliwanag ng palasyo, hindi may tuturing na krisis ang naranasan sa ngayon
00:07dahil may sapat na imbentaryo ng langis ang bansa at may mga parting pang supply.
00:13Itinuturing namang price disruption ng malakihang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo
00:19dahil sa umiiral na tensyon sa gitnang silangan.
00:21Ang detali niya sa report ni Clay Salpardilla.
00:28Malakihang dagdag presyo na naman sa produktong petrolyo ang magpapaaray sa mga motorista.
00:34Nakakagalit, nakakahibla siyempre.
00:36Kasi pataas ng pataas, laki na, mag-iisang daan na.
00:41Minsan, nakokommute na lang din.
00:42Pagka mag-ano, kailangan-kailangan mag-service, sa alang gagamitin.
00:46Marapin ang krisis.
00:48O parang taas ng masalina.
00:49Pero paglilinaw ng Malacanang, walang krisis sa langis.
00:55Wala po tayong sasabihin krisis pagdating sa supply.
00:58Maybe meron pong price disruption dahil nga po sa nangyayaring oil crisis sa Middle East.
01:05Meron na pong negosyasyon patungkol sa 440,000 barrels ng fuel.
01:10At sa susunod naman po ay meron 600,000 barrels na maaari po tayong maangkat.
01:16Batay sa monitoring ng Department of Energy, mula unang linggo ng Pebrero hanggang ngayong araw ng Maraso,
01:24pumalo na sa 20 hanggang halos 50 pesos ang dagdag sa kada litro ng langis.
01:30Kung walang krisis, ang tanong bakit humaharurot ang presyo ng gasolina?
01:36Sabi ng Malacanang, dahil yan sa umiiral na oil deregulation law.
01:41Sinusunda ng mga kumpanya ng langis ang trend o kasalukuyang presyo ng krudo sa pandaigigang merkado bago man o luma
01:50ang kanilang inventaryo.
01:52Kung meron silang inventory noon, ang gagamitin nilang presyo pa rin ay yung current, international market price.
02:01Pero pag bumaba naman yung presyo ng gasolina, kahit nabili nila ito ng mas mataas,
02:07kailangan pa rin silang sumunod kung ano ngayon yung current market price na mababa.
02:13So ganun po yung nagiging sistema po kapag ka po may oil deregulation law na pinapatupad.
02:18Bagaman wala pang krisis, ipinagutos na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
02:24ang pagbuo ng Crisis Committee bilang paghahanda sakaling tumagal ang epekto ng gyeras sa Middle East.
02:31Kapag ka po binigyan natin ang sinabi po nating Crisis Committee, ito po ay tututok.
02:36Lalo-lalo na kung ano ba ang pangangailangan ng ating mga kababayan,
02:40paano hindi mapuputol ang supply ng ating mga pangangailangan sa oil, sa fuel,
02:46at sa mga pangunahing pangangailangan ng ating mga kababayan.
02:49Patuloy ang ginagawang hakbang ng pamahalaan para maidsan ang labis na presyo ng gasolina,
02:55kabilang ang pamamahagi ng ayuda sa mga tsuper, magsasaka at mangingisda,
03:01libreng sakay, diskwento sa pamasahe sa tren, at iba pang tulong,
03:06sa oras na matanggap ang panukalang pagbibigay ng emergency powers o kapangyarihan sa Pangulo
03:13na alisin o bawasan ang buwis sa langis ayon sa Malacanang.
03:18Pag nandiyan na po yan, pipilman po agad ng Pangulo yan,
03:21at lahat ng maaaring gawin at hindi lalabag sa batas,
03:26at hindi lalabag mismo doon sa batas na sinusulong ngayon patungkol sa emergency powers,
03:34gagawin po yan ng Pangulo.
03:35Nakahanda rin pag-aralan ni Pangulong Marcos ang panukalang Fuel Crisis Relief Act
03:41na layong pansamantalang ipako ang singil sa renta sa mga bahay at maliliit na negosyo,
03:48pagpapaliban sa paniningil sa housing loan ng walang multa
03:52at pag-uotorisa sa mga government insurance company na magbigay ng emergency loan.
03:59Kalei Zalpardilia para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas!
Comments

Recommended