00:00Siniguro ng Malacanang na handa ang pamahalaan sa napabalitang cyber attack bukas.
00:05Yan ang ulat ni Clazel Pordelia.
00:09Online na ang lahat ng transaksyon ng polis na si Mark.
00:13Mula sa pagbabayad ng bill, hanggang sa pagpapadala ng pera sa kanyang pamilya sa probinsya.
00:19Mas madali siya kaysa sa iba.
00:23Pag humihingi sila, agad-agad nare-receive nila.
00:27Ngayon ko ba nakapagpadala na po kayo?
00:31Kanina.
00:32Abiso ng Department of Information and Communication Technologies sa mga online user.
00:38Bukas November 5, ikakasaang isang malawakang online global protest.
00:43Inaasahang magsasagawa ang mga hacker ng distributed denial of service o traffic flood.
00:50Ito ay ang sabay-sabay na pagkatok ng mga hacker sa isang website o application
00:55na magpapabagal sa mga online portal para maantala at hindi makapagbigay ng servisyo.
01:02Inatasan na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang DICT at mga cyber teams sa lahat ng ahensya ng gobyerno
01:10na paghandaan at maging alerto laban sa attack.
01:14The public is assured that the government and the private sectors are working hand in hand
01:19to ensure all digital services are available and secure.
01:23Ayon sa Malacanang, aktibo na ang offline cyberdom ng DICT
01:28na magtitiyak na protektado ang lahat ng mga online services ng gobyerno
01:33maging ang mga critical information infrastructure na pinagagana ng pribadong sektor
01:39tulad ng mga bangko, telecommunications at ospital.
01:44Payo ng DICT, subukan sa ibang oras ang paggamit ng online page.
01:49Sunda ng verified updates at huwag sumali sa mga illegal online activity.
01:54Paglilinaw ng ahensya, hindi ito data breach at walang mananakaw na personal na account, data o pera.
02:01Bukas naman 24-7 ang National Computer Emergency Response Team
02:06para tumanggap ng mga reklamo o saklolo.
02:10Maring mag-email sa 1326 at DICT.gov.ph
02:14o tumawag sa 1326 hotline.
02:18Kaleizal Pardilia, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas!