00:00Bago ngayong gabi, ipinahinto ni U.S. President Donald Trump sa loob ng limang araw
00:04ang nauna niyang banta na pasasabugin ang mga power plant at energy source ng Iran.
00:10Yan daw ay para puwersahin ang Iran na buksan ng Strait of Hormuz
00:14sa paglalayag ng mga oil tanker sa gitna ng kagipitan sa supply ng langis
00:19dahil sa gyera ng Iran at alyansang Israel at Amerika.
00:23Sabi ni Trump sa kanyang Truth Social Account,
00:25naging maganda raw ang takbo ng usapan nila ng Iranian authorities.
00:30Patuloy pa raw ang meeting ng Iran at U.S. ngayong linggo
00:33at depende sa magiging resulta ng usapan kung gaano pa katagal ang paghinto ng pag-atake ng Amerika.
00:39Dahil dyan, ayon kay Trump, kampante siyang muling mabubuksan ang Strait of Hormuz
00:44at bababa na ang world prices ng langis.
00:48At bumaba nga sa one-week low ang presyo ng langis,
00:51particular ang Brent at West Texas Intermediate.
00:55Sa ulit naman ang American broadcaster na CBS,
00:57itinanggi ng Iranian Foreign Ministry na nagkaroon ng negosyasyon
01:01sa pagitan ng dalawang bansa.
Comments