00:00Tiniyak ng Philippine Consulate General sa Honolulu ang agaran at tuloy-tuloy na pagtulong sa mga pangangailangan ng mga Pilipinong
00:08naapektuhan ng pagbaha sa Hawaii.
00:10Yan ang ulat ni Bea Gaza de Guzman.
00:15Tinututukan ngayon ang Philippine Consulate General sa Honolulu ang pagpapaabot ng tulong sa mga Pilipinong apektado ng matinding pagulan at
00:23pagbaha sa Hawaii.
00:24Sa panayam ng Radyo Pilipinas Road Service, tiniyak ni Consul General Arman Talbo ang patuloy nilang pakikipag-ugnayan sa pamahalaan
00:31ng Hawaii upang ilapit ang serbisyo para sa mga apektado ng sakuna.
00:36Kasunod ito na mahigit isang linggo ng pagulan na nagdulot ng matinding pagbaha at pagguho ng lupa sa Hawaii.
00:42Ang susunod na mangyayari dito is yung reconstruction and rehabilitation ng mga affected areas, affected communities.
00:52So tayo din paglabas ng mga information, tayo ay makikipag-usap sa state of Hawaii at sa city of Honolulu,
01:02mga local government dito kung anong mga tulong ang available para sa mga napinsala para ito ay ating mailapit sa
01:09ating mga kababayan.
01:10Bukod sa baha at malalakas na alon, pinag-iingat din ng konsulado ang mga Pilipino sa banta ng dam failure.
01:17Partikular na binabantayan ang bahagi ng Halewa at Wayeluwa kung saan malapit ang Wayawa Dam.
01:23Na-trigger po yung alarm ng mga authorities dito para mag-force evacuation.
01:29At ito po ay ipinarating natin sa ating mga kababayan kasi na-monitor natin.
01:34Beya, na base sa datos, meron tayong halos kulang-kulang limang libong kababayan na nandun sa area.
01:42Tiniyak naman ni Conjent Talbo na walang Pilipinong naitalang sugatan o namatay sa malakas na pagulan sa Hawaii.
01:49Sa datos ng pamahalaan ng Hawaii, hindi bababa sa isang bilyong dolyar ang halaga ng pinsala roon,
01:54habang umabot naman sa higit dalawang daang katao ang narescue.
01:58Para sa Integrated State Media, Beya Gaza de Guzman, Radyo Pilipinas, Radyo Publiko.
Comments