Skip to playerSkip to main content
BABALA: Sensitibo ang laman ng video. Maging maingat at responsable sa panonood at pagkomento.


Target ma-ban sa bansa ang online game na Roblox simula sa Semana Santa.


Kasunod ‘yan ng pagkabisto ng recruitment sa ilang estudyante sa karahasan, bukod pa sa dati nang mga ulat ng pang-aabuso sa batang gamer ng ilan nilang nakakausap sa laro.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mga kapuso, target ma-ban sa bansa ang online game na Roblox.
00:04Simula po yan sa Semana Santa.
00:06Kasunod yan ang pagkabisto ng recruitment sa ilang estudyante sa karasan.
00:11Bukod pa sa dati ng mga ulat ng pangaabuso sa batang gamer
00:15ng ilan nilang nakakausap sa laro.
00:18Ang mga dapat gawin ng mga magulang, alamin sa aking pagtutok.
00:26I will burn down my school.
00:29Ito raw ang nakababahalang social media post ng grade 6 student na itatago namin sa pangalang Tony.
00:36Isa si Tony sa pitong estudyanting na iligtas ng PNP Anti-Cyber Crime Group kamakailan
00:42na narekrut umano online para maglunsad ng tinatawag na nihilistic violent extremism o labis na karakasan.
00:51Meron silang pinapanood na website. Ang pinag-uusapan ay find out how to die.
00:58Ayon sa investigasyon ng PNP-ACG, ang mga estudyanting na iligtas,
01:03naglalaro lahat ng online game na Roblox.
01:06At dito raw sila ginagapang ng ilang pinaniwalaang mga dayuhan
01:10para hikayating magkasik ng gulo.
01:13Sa ngayon po sir, hindi pa namin matukoy kung ito po ay connected po sa mga terror groups.
01:19Though, ongoing pa po ang ating investigation regarding that matter.
01:24Ang Roblox ay isang tanyag na online gaming platform na sinasabing ultimate virtual universe.
01:31Maaaring maglaro o gumawa ng mga 3D interactive games gaya ng role-playing at mga simulation.
01:39Dati nang may mga nagayag ng pangamba dahil posibleng ma-expose,
01:43lalo na ang mga kabataan sa mga nananamantalah.
01:47Maaari kasing mag-usap-usap ang mga naglalaro nasaan man sila sa mundo.
01:51At ganito narekrut ang mga estudyanting nasagip ng PNP.
01:56They are being manipulated. Ang iba dito ay linilipat at nag-uusap nila sila sa chat group
02:03na separate na rin sa virtual gaming.
02:05Ito ang ilan sa mga ebidensyang narecover ng pulisya
02:09na gagamitin umano ng mga estudyante sa pinaplanong pag-atake.
02:12Bukod sa mga tactical gloves at mga insinya na gamit ng nooy death squad ng Nazi leader na si Hitler.
02:19Nakabili na rin umano ang mga estudyante ng mga tactical vest at helmet.
02:23May larawang pa ng automatic rifle.
02:25May mga sinasend silang mga videos about sa mga school shooting, paano gumawa ng mga handguns.
02:33Ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center,
02:37gumagawa na rin ang hakbang para iban sa lalong madaling panahon ang roadblocks.
02:42Pursigido kami na kapag hindi inayos na roadblocks, hindi sila nakipag-usap.
02:47At kung makipag-usap man sila, hindi nilaayusin yung mga safety mechanisms
02:51para hindi hong makapag-abuso sa mga kabataan natin, hindi ma-impluensyahan na masasamay ang kabataan natin,
02:57talagang procedure do kami i-block at i-ban itong gaming platform ng roadblocks dito sa ating bansa.
03:04Yung whole week break natin, magkaroon tayo ng banning na doon sa roadblocks.
03:09Because we want to ensure that yung mga habang naka-weekend, yung mga kabataan natin,
03:13hindi sila may-expose sa mga banta.
03:17Sunod-sunod na pagpupulong dinan nila ang kanilang gagawin ngayong linggo
03:21kasama ang mga telecommunication companies, application stores at mga solution partner
03:27para matuldukan ang iba pang mga masasamang dulot ng roadblocks
03:31na kanilang namomonitor sa Threat Monitoring Center ng CICC.
03:36Child exploitation, child molestation, child abuse, at child pornography.
03:41Walang restriksyon, pwede kang gumawa ng violent na games, pwede kang gumawa ng mature games.
03:47At pangalawa, mas nakakatakot, kaya Emil, pag nakikipag-usap sila, may chat function ang roadblocks.
03:53Ibig sabihin, yung mga istranghero, yung mga hindi mo kakilala, pwede kang kausapin,
03:58pwede kang hikayatin, lumipat sa ibang platform, kahit sa ibang bansa, nangyayari ito.
04:02In fact, several states in the US have already filed action or kinasuhan na ho ang roadblocks.
04:08Tip ng CICC sa mga magulang gaya ko.
04:11Kilalaan niyo natin yung mga kausap nila.
04:13Tinitingnan natin ano yung mga nature ng contents na either pinapanood or nilalaro nila.
04:19Hindi kami killjoy.
04:19Sa isang pakayag, inatasan ni PNP Chief General Melencio Nartates Jr.,
04:25ang anti-cybercrime group na paigtingin ang pagbabantay sa mga gaming at iba pang application online.
04:32Inikuta namin kanina ang isang public school dito sa Quezon City
04:35para pursuhan ang mga magulang sa gagawin ng gobyerno na iban ang roadblocks,
04:40lalo sa mga kabataan.
04:43Pero bago pa kami makapag-interview,
04:46kitang-kita kung gaano kapatok ang roadblocks sa mga estudyante rito.
04:50Pero si nananay, tatay, lolo at lola,
04:54pabor sa gagawin ng gobyerno.
04:57Yes, yes, yes.
04:57Bakit ito?
04:58Oo, nakaka-paro sa mga bata yun. Nakaka-ano sa mga nila yun.
05:01Yung maglalaro.
05:02Maano siya, irritable pagka dinakakapagano'n-ganoon eh.
05:05Yung pagka ititigil siya.
05:06Kaya kailangan talaga, mawala talaga yun eh.
05:08Okay naman siya para sa iyong mentality ng bata para mabago.
05:13Mas magbuti, alisin na lang yun.
05:16Sumuayon ako dyan para mawala na yan.
05:19As long as he's happy playing,
05:21pag sinabi kong stop, stop na siya.
05:23Oo. Pero kayo'y pabor na iban?
05:25Yes, in favor din po ako.
05:27Bakit ma'am?
05:28Para din makafocus siya sa ibang bagay,
05:30like maglaro sa labas.
05:32Hinihinga namin ang panigang Roblox Corporation,
05:34na developer ng game.
05:36Para sa GMA Integrated News,
05:38Emil Sumangil, Nakatutok 24 Oras.
Comments

Recommended