00:00Samantala, binisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang dalawang solar-powered irrigation projects sa Kamarinasur,
00:08kung saan makikinabang ang mahigit isang libong benepisyaryong magsasaka sa lalawigan,
00:14si Connie Kalipay ng Philippine News Agency sa Sentro ng Balita.
00:21Alinsunod sa pagtutulak ng Administrasyon para sa Sustainable Agriculture,
00:26binisita ni President Ferdinand R. Marcos Jr. ang dalawang solar-powered irrigation projects ng National Irrigation Administration
00:33na nagkakahalaga ng mahigit 332 milyon na napakikinabangan ng mahigit 1,800 magsasaka sa Kamarinasur.
00:42Sinusuportahan ang proyekto ang pananaw ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para patatagin ang siguridad ng pagkain
00:48at gawing makabago ang sektor ng agrikultura sa pamamagitan ng mga makabago at climate resilient na teknolohiya.
00:55Kabilang sa mga proyekto, ang Solar Pump Irrigation Project ng San Agustin-San Ramon Agrarian Reform Farmers Cooperative sa Bula
01:03na nagkakahalaga ng 126.73 milyon at ang bagong MASBA Solar Pump Irrigation Project Phase 1 sa Minalabak
01:12na nagkakahalaga ng 205.46 milyon.
01:15Ang pinagsama-samang mga proyekto ay sumasaklaw sa higit 1,800 hektaryan ng lupang sakahan
01:21at nagsisilbi sa kabuang 1,854 na magsasakang benepisyaryo.
01:26Ang bagong MASBA Multipurpose Cooperative na dati ay nahaharap sa paulit-ulit na pagkawalan ng kuryente
01:32dahil sa matagal nang hindi nababayarang mga obligasyon sa kuryente,
01:35ngayon ay nakikinabang mula sa isang maasahan at walang patid na sistema ng irigasyon.
01:40Tinitiyak ng solar-powered facility ang tuloy-tuloy na supply ng tubig
01:44habang inaalis ang mga gastos na may kinalaman sa kuryente para sa mga membro nito.
01:50Mula rito sa Kamarinesur para sa Integrated State Media,
01:53Connie Kalipay ng Philippine News Agency.
Comments