Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Pinag-aaralan ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center
00:03ng Department of Information and Communications Technology
00:06na i-ban ang online game na Roblox
00:09dahil sa panganib umano nito sa mga kabataan.
00:13Dalawang linggo ang ibinigay ng CICC sa Roblox
00:17para makipag-ugnayan sa kanila.
00:19Balitang hatid ni Jonathan Andal.
00:24Sa operasyon noong nakaraang linggo,
00:27nailigtas sa Laguna ang mga estudyanteng na bistong nagplano
00:30umanong gumawa ng pag-atake at karahasan sa kanilang paaralan.
00:35Na-rescue sila bago pa naisagawa ang marahas na plano
00:37na binalak-ikasan itong Pebrero.
00:40Narecruit sila sa pamamagitan ng online game
00:43na karaniwang nilalaro ng mga bata.
00:45They recruited the children on Roblox
00:47dinala sa messaging platform.
00:49Doon, pinagsak yung mga videos,
00:53indoctrinating them,
00:54tsaka convincing them to commit terroristic acts.
00:58Sabi noon ng pulisya,
01:00na-expose ang mga bata sa nihilistic violence online.
01:03At ipinanood sila ng mga video ng mass attacker
01:06at hinikayat na bumili ng armas.
01:09Sabi ng gobyerno,
01:10dapat na silang manghimasok dito.
01:12Dahil dito, pinag-aaralan ng CICC
01:14o Cybercrime Investigation and Coordinating Center
01:17na i-ban o ipagbawal sa bansa ang Roblox.
01:21Lalo't sabi ng CICC,
01:23nagagamit din ito sa sexual predation,
01:25grooming at exploitation ng mga minor de edad.
01:29Binigyan ng CICC ang Roblox
01:31ng dalawang linggo
01:32para makipag-ugnayan sa kanila.
01:34Parating nalang kami nagbablock,
01:36pero kung hindi naman nakikinig sa atin.
01:37And I think even other states in the US,
01:40hindi talaga sila,
01:41hindi rin sila kinakausap ng Roblox.
01:43So they pursued legal actions against that platform.
01:46And we're getting yung mga feedback sa mga magulang.
01:49They're really, really pushing forward
01:51for the regulations,
01:54strict regulation of that particular gaming platform.
01:57If not, total blocking talaga ng platform.
02:00Ang cybercrime watchdog na Digital Pinoy,
02:03suportado ang ban na hindi naman daw
02:05may tuturing na censorship.
02:07Ito, malinaw na accountability ito
02:09kasi merong corrective actions na ibinibigay.
02:12At binibigyan po sila ng due process.
02:14Kaya malinaw po na hindi po ito censorship.
02:17Nanawagan naman ang CICC sa mga magulang
02:20maging alerto sa mga red flag
02:22na mapapansin sa anak
02:23na nahuhumaling sa mobile games
02:25gaya ng pagbabago ng ugali at emosyon.
02:28Sinusubukan pa namin kunin
02:29ang panig ng Roblox tungkol dito.
02:32Jonathan Andal,
02:33nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Comments

Recommended