00:00Puno ng mga aktividad ang isang buong linggo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:04Katunay ni Tumuebes, dalawang lugar ang pinuntahan ng Pangulo para sa iba't ibang programa at inisiyatiba ng gobyerno.
00:11Kung ano-ano ang mga ito, alamin natin sa reporting Kenneth Pasyente.
00:17Nagsimula ang linggo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang pangunguna sa turnover at inspeksyon ng Learning Continuity Space
00:25at roll-out ng Yaman ng Kalusugan Program, gayon din ang Kalinga Services,
00:29sa Marcelo B. Fernan Polang Bato Elementary School sa Bogos City, Cebu.
00:34Bahagi ito sa pagsuporta sa edukasyon sa probinsya matapos ang pagtama ng malakas na lindol noong 2025.
00:40Sa halagang 1.6 million pesos, ang pasilidad ay may matibay na bakal na istruktura,
00:46may solar power, internet at palikuran na nagbibigay ng ligtas na lugar para sa pag-aaral ng mga estudyante.
00:53Pinangunahan din niya ang inaugurasyon ng Mactan Expo na target na mapalakas ang tourism industry sa bansa.
01:00Inaasahan din dito gaganapin ang ilang pulong para sa ASEAN Summit sa Mayo.
01:05Sinaksihan din ang presidente ang mass oath-taking ng nasa mahigit 3,000 guro at school heads
01:10sa ilalim ng Expanded Career Progression System ng Pamahalaan.
01:15Ininspeksyon din niya ang Bagong Pilipinas Ego Service Hub sa Mandawi City na isang one-stop shop para sa iba't
01:22-ibang servisyo ng gobyerno.
01:25Binisita rin niya ang Bagong Pilipinas Studios Visayas Media Hub na idinisenyo upang suportahan ang komunikasyon ng pamahalaan at regional
01:33media production.
01:35Martes, sinaksihan mismo ng Pangulo ang pag-arangkada ng distribusyon ng fuel subsidy para sa mga chuper.
01:41Bahagi ito ng hakbang ng pamahalaan para ibsan ang epekto ng pagtaas ng presyo ng langis, dulot ng tensyon sa
01:47gitnang silangan.
01:49Nanguna rin ang Pangulo sa oath-taking ceremony ng Association of Women Legislators Foundation, Inc.
01:55Kinilala niya ang mahalagang papel ng asosasyon bilang tinig na mga babaeng mambabatas at pinuri ang mga advokasiyan nito.
02:03Merkules, nanguna ang Pangulo sa pagsasagawa ng price and supply monitoring sa Agora Public Market sa San Juan City.
02:09Ito ay para matiyak na nananatiling abot kaya ang pangunahing bilihin at maiwasan ang pananamantala sa gitna ng pangamba sa
02:16sigalot sa gitnang silangan.
02:19Ipinanumparin ng Pangulo ang mga bagong halal na miyembro at pamunuan ng kapisana ng mga broadcaster ng Pilipinas.
02:25Gayun din si Secretary Cristina Frasco bilang Presidential Advisor for Sustainable and Resilient Communities.
02:32Huebes, bumisita ang Presidente sa Mariveles National High School Cab Cabin Annex sa Bataan upang inspeksyonin ang mga bagong prefabricated
02:40classrooms at sinaksihan ang pamamahagi ng learning tablets sa mga estudyante.
02:45Dumalo rin ang Pangulo sa 129th Philippine Army Founding Anniversary kung saan binigyang din niya ang pagunlad ng Philippine Army
02:53sa internal security, pakikilahok sa interagency exercises at ambag sa katatagan at kaunlaran.
02:59Tiniyak din niya ang patuloy na hakbang ng pamahalaan sa modernisasyon ng AFP at pagpapalakas ng depensa ng bansa.
03:07Biernes, bumisita ang punong ehekutibo sa distribution center ng isang multinational food processing company sa Calamba, Laguna.
03:15Bahagi pa rin ito ng pagtiyak ng pamahalaan na mayroong stable na supply ng pagkain sa bansa sa harap ng
03:21krisis sa Middle East.
03:23Kenneth, pasyente.
03:25Para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments