00:00Ang mga aktividad ng China sa West Philippine Sea sinasamayan din umano ng pagpapakalat ng impluensya at propaganda sa Pilipinas
00:07ayon sa isang maritime security expert.
00:10At kabilang daw sa mga pinapasok nila ang sektor ng edukasyon. Nakatutok si Bon Aquino.
00:18Nito ang mga nakaraang buwan, sabi ni maritime security expert Ray Powell, iniimbestigahan nila ang umano'y network ng mga
00:26organisasyong konektado sa United Front Work Department ng Chinese Communist Party at nag-ooperate umano sa Pilipinas.
00:34Kabilang ang Philippine Council for the Promotion of the Peaceful Reunification of China na isaan niya sa 200 councils worldwide
00:42na kontrolado ng China.
00:43Noong Oktubre, nagdaos ang Council ng Regional Forum sa Maynila na dinaluhan ng mga opisyal ng China, Taiwan at Chinese
00:51Embassy.
00:52Sabi pa ni Powell, dumalo rin umano ang chief editor ng isa sa prominenteng Chinese language newspaper sa Maynila na
00:59nagsilbing Secretary General ng Konseho.
01:02The editor of one of Manila's oldest Chinese language news outlets is also the leader of its most important CCP
01:10-linked council is not an accident because the Mandarin press has been one of Beijing's most important conquests here in
01:19the Philippines.
01:19Sabi ni Powell, target din umano'n ang Chinese Communist Party, ang mga Chinese schools sa Pilipinas.
01:25Na pag-alaman nilang ipinatawag ni Chinese Ambassador Jing Kuan ang mga executive ng walong Mandarin language outlets sa Maynila.
01:34Telling them to cooperate closely with the embassy and quote, carry forward patriotism and love for the homeland. He was
01:42not talking about the Philippines.
01:43Mula rin daw 1991, pinapatakbo na ng Philippine-Chinese Education Research Center ang tinatawag ng Beijing na Blood Transfusion Plan
01:53kung saan nagpadala umano ang China ng Chinese teachers sa Pilipinas.
01:57Ang chairman din daw ng center na ito ang pumirma sa isang sulat sa Department of Education na humihiling sa
02:04mga public school na sumali sa essay contest,
02:07kaugnay sa World War II Anniversary na ayon kay Powell ay tila kumikiling sa China.
02:12Encouraging Filipino children to frame Japan as an enemy and write about the spirit of joint resistance.
02:19Ang mga ito, Annie Powell, ay nasa sentro ng tinatawag ng mga analyst na FIMI o Foreign Information Manipulation and
02:27Interference Operations.
02:30Ang mga organisasyon namang kritikal at nag-iimbestiga sa pro-Chinese propaganda,
02:35naging target anya ng pag-atake ng China sa pamamagitan ng pag-i-issue ng statements laban sa kanila.
02:41Paano kala nila? Magpasa ang Pilipinas ng Foreign Influence Transparency Law gaya raw sa Australia.
02:48Sinusubukan pa naming makuha ang panig ng Chinese Embassy, kaugnay ng mga sinabi ni Powell.
02:53Nagpadala rin kami ng mensahe sa Department of National Defense, sa Department of Education at Malacanang para hingin ang kanilang
03:00komento.
03:01Pero wala pa silang sagot sa ngayon.
03:03Para sa GMA Integrated News, Von Aquino Nakatutok, 24 Oras.
Comments