00:00Pati po yung mga naghahanap buhay sa kalaliman ng gabi at madaling araw,
00:05umaaray na sa pagmahal ng petrolyo.
00:08Pangamba po nila, baka mauna pa silang huminto sa pagbiyahe bago numating ang hinihintay nilang ayuda.
00:14Nakatutok si Bea Pinlock.
00:19Mag-alas 12 ng hating gabi kanina, wala pa rin preno sa pamamasada sa Quezon City
00:24ang jeepney driver na si Chris.
00:26Hindi lang sagad, sobra-sobra yan sa oras ng karaniwan niyang biyahe.
00:33Pag gumarahi po ng maaga, ala pong kita.
00:35Kailangan para sa may ipadala sa pamilya.
00:38Ala pong ginikita dahil sa taas po ng diesel.
00:41Higit na kasi sa kalahati ang natatapyas mula sa kita niya kada araw
00:45dahil sa nakalulula at sunod-sunod na taas presyo ng produktong petrolyo,
00:50bunga ng gera sa Middle East.
00:52Hindi rin alintana ang pagod at puyat sa ilang tricycle driver na magdamag bumabiyahe.
00:58Siyempre, habang tumataas yung kasilina, bumababahal yung kita namin.
01:02Eh yung pasahe, hindi naman ano, hindi naman tumataas.
01:05Pag nagpahinga ka, wala kang kitita.
01:07Isa na namang taas presyo sa produktong petrolyo ang inaasahan sa susunod na linggo.
01:12Daing ng ilang tsuper, hindi pa dumadaan sa palad nila ang pangakong ayuda ng gobyerno.
01:17Pero baka maunahan pa raw ito ng pagkalas nila sa pamamasada kapag nagtuloy-tuloy pa ang pag-alagwa ng presyo
01:24ng petrolyo.
01:25Baka hindi na kami bumiyahe, baka umuwi na lang ng probinsya.
01:29Kasi po, sa may kwal lang po mahuwi, sa may bondari lang sa kasadisil.
01:33Maghahalap na lang po siguro ng ibang pagkakitaan.
01:37Pati mga maliliit na negosyo gaya ng karindiriyang ito, apektado.
01:42Hinahata kasi pataas ng mahal na langis ang presyo ng iba pang mga bilihin gaya ng pagkain.
01:49Tinaas namin yung kanin kasi mahal na yung bilihin at saka mahal na din yung langis.
01:57Yung ulam, ganun pa rin yung presyo pero binabawas namin yung pagtakal namin sa mga customer namin.
02:03Para sa GMA Integrated News, Bea Pinlak, Nakatutok 24 Oras.
02:12Sampai jumpa.
02:13Sampai jumpa.
Comments