00:02Magandang gabi po, Luzon, Visayas at Mindanao.
00:06Kahit pinalawig na ngayong holiday ang pamamahagi,
00:10bigo pa rin makakuha ng ilang tricycle driver sa Metro Manila ang 5,000 pisong ayuda.
00:15May isang kinamatayan na lamang ang ayuda dahil nasa ospital at hindi personal na nakapunta para makuha ito.
00:22Ang paliwanag dyan ng DSWD sa pagtutok ni Ian Cruz.
00:30Sobrang bigat, sir. Lalo na ngayon na dyan si Papa.
00:35Hindi niya man lang naramdaman or nakuha yung...
00:39Ganoon na lang ang hinagbis ni Shekina sa pagpanaw ng amang si Jimmy Gariga kahapon.
00:45Hindi na niya nakuha ang inaasahang ayuda gayong tatlong dekada na siyang namamasada ng tricycle
00:51bilang kasapi ng Batasan Tricycle Operators and Drivers Association sa Quezon City
00:57at nasa listahan naman ng benepisyaryo.
01:00Ang anak na si Shekina ang pumila para sa kanya simula noong Martes.
01:05Dahil Marso ados pa siya labas-masok ng ospital at naka-nasogastric tube pa nga.
01:11Yung time po na yun sabi ko, Pa, may ayuda ka.
01:14Sabi ko, kaya mo? Kaya mo mag-sign?
01:18Nag-sign. Nag-sign po siya for authorization.
01:21Kahit hindi niya po kaya, hindi niya mag-alaw. Pinilit niya po.
01:24Sa kabila niyan at nang bit-bit niyang medical certificate ng ama mula sa ospital,
01:29hindi ayan niya maiabot sa kanyang ayuda para sa ama.
01:32Nag-turu-turu na po kung sino pong pwedeng kakausap sa akin.
01:35Dahil nga po, si Papa ang nasa master list pero ako po yung mag-sign.
01:40Bawal daw po yun.
01:41Okay lang naman po kahit di nakuha ni Papa yung payout.
01:45Pero sana po, sa susunod, maging case-to-case basis.
01:52Nalulungkot kami sa pangyayari. Hindi ko alam itong particular case na to.
01:55But we'll look into it on how else we can improve the system.
02:00Gayon man, ayon sa Social Welfare Department,
02:03dapat maunawaang hindi talaga pinapayagang maiabot ang ayuda sa kinatawan lang
02:08para maiwasan na mapunta sa iba ang para sa totoong benepisyaryo.
02:13Kawawa rin naman yung tao namin dahil in the sense na pagka nagkamali siya,
02:18let's see, may tinanggap siyang authorization because pinakita ito.
02:22Pero in the end, nag-claim yung tao.
02:25Ang mananagot sa liability na yun, yung paymaster.
02:30Ang mga nagkasakit o may ibang makatwirang dahilan naman,
02:34maaari pa rin makakuha ng ayuda sa itatakdang panahon.
02:38Hindi naman ibigay sa kanya, magsischedule kami ng multiple special payouts.
02:42Pinuntahan na ng DSWD ang burol ni Mang Jimmy para makuha ang mga requirement
02:47para sa burial assistance.
02:49Dagdag nito, nabigyan siya ng medical assistance noong nasa ospital pa.
02:53Hanggang kanina ay may mga tricycle driver pa rin hindi nakatanggap ng ayuda
02:58dahil wala sa listahan na inaayos pa ng City Hall.
03:01Ako po, wala pa po hanggang ngayon, apat na araw na po eh.
03:06Ang sabi nila, wala po kami sa master list.
03:09O ano makukuha namin?
03:10Nag-aantay kami ng sawala, mukha na kami kukawa.
03:13So magkakaroon, magsasabit ulit kami ng listahan sa DSWD.
03:18So inaayos na namin ito, yung mga listahan mag-open ulit.
03:21Kukunin ulit namin sa mga presidente ng TODA,
03:25kung sino pa sa mga miembro nila ang hindi pa nakakatanggap.
03:28Sa Payout Center naman sa 8th Avenue, Kaloocan,
03:32hindi na ganoon karami ang kumukuha ng ayuda.
03:34Naging maayos naman ang distribisyon ng ayuda sa Marikina City.
03:39Nag-aantay pa rin naman po kami dito,
03:41lalong-lalong si DSWD hanggang 5 o'clock
03:44para kung sino pa po yung pwedeng nakapunta para mag-claim.
03:47Meron pong master list kami pinopost bago po kami mag-start ng payout.
03:52Simula Martes naman,
03:53ang pamimigay ng ayuda sa mga driver ng Jeepney,
03:56TNVS at service delivery.
03:59Sa March 28 naman ang payout sa mga motorcycle taxi driver.
04:04Ayon sa DSWD,
04:05pagdating sa mga city bus drivers at mga driver
04:09ng regular na mga taxi,
04:11ang DOTR na raw ang bahala sa kanilang ayuda
04:14dahil manageable naman daw ang kanilang bilang.
04:17Para sa GMA Integrated News,
04:19Iyan Cruz na Katutok, 24 Horas.
04:26KONIEC, 23 Horas.
04:27KONIEC.
04:27KONIEC.
Comments