Skip to playerSkip to main content
  • 2 days ago
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00A couple of years, the pandemic was start to go to the weekend of the Pista of Santonino on the Tondo, Manila.
00:07A couple of people who have been a bit-bit, a bit-bit, a bit-bit, a bit-bit, a bit-bit, and a bit-bit.
00:13Let's get to the story of Jamie Santos.
00:17Viva Santonino! Viva!
00:21Dinagsan ang mga devoto ng Tondo, Manila upang makiisa sa kapistahan ng Santonino,
00:26isang tradisyong patuloy na binubuhay ng pananampalataya at panata.
00:31Puno ang loob at labas ng simbahan ng mga debotong dumalo sa banal na misa.
00:35Marami sa kanila ang bitbit ang kanikanilang mga imahen ng Santo Nino,
00:40taintim na nakikiisa sa mga gawain bilang pasasalamat sa mga biyayang natanggap at paghingi ng patuloy na gabay.
00:47Kapansin-pansin din ang ilang bata na dinamitan ng kasuotang kahawig ng damit ng Santo Nino.
00:53Habang ang ilan ay may dalang mga replika na ang ilan ay kasingtanda pa ng kanilang mga anak.
00:58Matapos ng misa, ipinabasbas ng ilang deboto ang kanilang mga dalang imahe ng Santo Niño.
01:03Sa labas naman ng simbahan, makikita rin ang mga imahe ng Santo Niño na sinasayaw bilang pagpapahayag ng saya at debosyon.
01:11Tinatayang nasa 7,500 ang dumalo sa kapistahan bandang alauna ng hapon nitong linggo.
01:18Ayon sa Manila Disaster Risk Reduction and Management Office.
01:21Ilan sa mga deboto ang nagbahagi ng kanilang personal na panata at panalangin.
01:27Ayon kay John Pascual, isang deboto na lumaki sa tundo, limang taon na sa kanya ang imahe ng Santo Niño.
01:34Bata pa lamang anya ay kasama na niyang nagsisimba ang kanyang lolo.
01:38Isang debosyong pamana at patuloy niyang pinanghahawakan hanggang sa ngayon,
01:42kung saan nakakatulong na rin siya sa pag-aalaga at pagdilinis ng altar ng Santo Niño.
01:47Lahat po nang meron ako ngayon dahil po sa Santo Niño,
01:50kasi dito nga po laki sa tundo, kami po ng lolo ko, bata pa po ko,
01:56lagi niya po kong karay-karay tuwing bernes magsimba.
01:58Para kami may magandang sa buhay, para malayo yung sa disgrasa, sa sakit.
02:08Si Ellen Aransado, mahigit 30 taon nang inaalagaan ng kanyang Santo Niño.
02:12Ang Santo Niño raw ang kanyang takbuhan tuwing nagkakasakit ang mga anak.
02:17Ito pong si Santo Niño, pag dito kami humiling, lalo na pag may mga sakit anak ko,
02:23talagang binibigay niya kung aning hiling ko, na pinagagaling talaga.
02:28Kasabay ng pagdiriwang sa tundo, dinagsari ng mga deboto ang Santo Niño de Pandacan Parish,
02:34kung saan makikita ang mga taong nakaluhod at nataimting na nagdarasal sa harap ng altar ng Santo Niño.
02:40May mga bata at matatandang deboto rin bit-bit ang kanika nilang mga imahen.
02:45Para sa mga deboto, ang kapistahan ng Santo Niño ay hindi lamang isang tradisyon,
02:49kundi patunay ng patuloy na pag-asa, pananampalataya at pananalig sa batang Jesus.
02:56Jamie Santos, nagbabalita para sa Jimmy Integrated News.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended